...and welcome 2010 -- heck it's another decade! Isa pa, Year of the Tiger na naman...
12 years old na ako bwahahahahahaha!
Masaya akong naayos na 'tong hinayupak na PC na 'to. Sa totoo lang, isang dahilan kung bakit hindi na ako madalas makapag-
blog ay dahil sa pagkasira nitong
computer ko. Buti naman at sinipag akong pumunta ng Gilmore para magpagawa.
Thank God hindi na ako mabo-
bore ule dito sa bahay [at
thank you papa, sinamahan mo ako sa Gilmore :)]
Anyway, sa sobrang daming nangyari sa buhay ko noong mga nakaraang buwan ay hindi ko na yata alam kung san magsisimula. Simulan nalang natin ng Pasko, tutal eh iyon naman ang isa sa mga pinaka-
recent kaya medyo
fresh pa sa aking isip.
Well, hindi ko naman
first time mag-Pasko sa
office, kaya OK lang na nandoon ako't may sakbit na
headset sa ulo ko-- wala namang
calls, isa pa,
double pay naman. Pangalawa, hindi naman talaga namin masyadong sine-
celebrate ang Pasko sa bahay. Ang masakit lang talaga ay nag-
celebrate ako ng Bagong Taon sa office.
Pag-alis palang ng bahay, andami nang paputok na nagkalat sa kalsada at kulang nalang eh mapraning ako kung saan titingin at iiwas. Habang makakasalubong mo ang mga kapitbahay mo sa labas na nagkakantahan at nagbabatian na may dalang pagkain para ipan-
trade sa kabilang bahay, ayun ka, nakikipagpatentero sa mga batang me ihahagis na
piccolo sa daan. Sa kanto palang wala na akong masakyang tricycle palabas, so bumalik ako sa bahay at nagpahatid kay papa gamit ang motor papunta sa kanto ng Lifehomes. Maswerte nalang din siguro akong naka-tyempo ng FX na pa-Ayala at nakasakay kagad ako. Nag e-emo pa yung manong
driver ng FX na parang nagso-
soliloquy na kesyo kung aabot ba daw sya sa bahay nang alas-dose, ina-
appreciate ang magagarbong
fireworks na makikita sa langit habang binabagtas ang halos walang sasakyan na
C5 Road.
Hindi naman nagbago ang
ending. Walang
magical moment na tipong merong
early log out na naganap at
happy ever after ang
ending na nagme-Media Noche kaming mga kawawang ahente sa bahay kasama ang aming mga pamilya.
First time ko mag
New Year nang wala sa bahay in 23 years. Siguro nga eh parte na ng buhay
call center agent 'to; siguro nga talaga ay ma-swerte lang ako sa mga
past few years ko sa trabaho na nagkakataong
restdays ko kapag may mga ganitong
holidays especially New Year. So ayun nga, hindi naman namin sinira ang gabi naman at meron naman kaming pinagsaluhan--
potluck ang
setting. Isa-isa kaming nagdala (hati pala kami ng
seatmate kong si Megs sa
cake) ng mga pagkain na pinagsaluhan namin sa Media Noche. Meron pa kaming paputok
(party poppers lang naman) na supot naman ang sabog kaya medyo
corny. Ang pinaka-bwisit na
part lang talaga eh yung saktong alas-dose dito sa Manila eh saktong buhos din ng
calls mula doon sa kabilang hemisphere na tinatawag nating Amerika. Pero OK na rin siguro; bagong karanasan, bagong
lesson. Hindi ko naman kelangan sirain ang gabi ko dahil lang doon.
There are so many ways to make yourself happy, at tama nga silang
choice mo 'yon.
And we chose to be happy, although may mga
girls sa
team namin na umiyak nung sumapit ang batian ng "Happy New Year!" sa
floor.
Nagkaroon nga ng balitang merong
Blue Moon daw nung gabi ng
New Year. So pagka-
out ko namin ng
office, napansin ko ang
reflection ng buwan sa salamin ng
building sa tapat-- malaki. Hinanap namin ang buwan dahil natatakpan 'yon ng nagtataasang mga
buildings sa Makati, at nung makita namin eh medyo na-
disappoint kami dahil mukha lang naman 'yong normal. Ho-hum. So eto namang si Paula, nag-
trip at sinabi sa aking gusto n'ya magpa-Kodak sa
pedestrian lane tutal dala ko naman ang aking "girlfriend." Nako, ako pa ang niyaya niya rito eh
game na
game naman ako sa mga ganitong kabaliwan. So nung nag-
red ang
stoplight sa Ayala-Buendia intersection, takbo si Paula sa daan at humiga sa
pedestrian lane.
Oo nga pala. Pupunta kaming magka-kaibigan sa Ilocos
next week. Sobrang nae-
excite na ako dahil gusto ko na uli dagdagan ang koleskyon ko ng
pictures ng
colonial churches!
'Nuff said.