5/19/10

Random Thoughts: May


Nakakalungkot na isiping nagsisimula niyo pa lang buuin ang pagkakaibigan nyo'y kukunin na ni Lord yung tao. Pero wala naman tayong magagawa-- hiram lang natin ang mga buhay natin. Yung bago kong ka-team na si Rocky, maagang kinuha ng Maykapal sa edad na 22. Nasagasaan ng isang iresponsableng driver ng SUV sa pagtawid lang ng building na pinagtatrabahuhan namin. Sana, kahit na maaga kang namaalam sa pisikal na mundo ay na-enjoy mo ang iyong buhay. Kung nasaan ka man ngayon aming kaibigan, sana masaya ka. :) At sa mga taong nabubuhay pa, live your life to the fullest ;)

Anyway, I was able to visit 2 beaches na this month alone, 2 beaches din last month. Masusundan pa yata bago matapos ang buwan, pero hindi pa sure. Matabungkay Batangas nung May 8, at ang latest addition? Puting Buhangin beach sa Pagbilao, Quezon! :D

Dumiretso kami doon pagkatapos makisaya sa Pahiyas sa Lucban. Sobrang saya netong trip na 'to dahil sobrang daming nangyari sa loob lang ng 2 araw na paglalagi sa Quezon!

No comments:

Post a Comment