2/18/10

Yup, May Something

Today officially magsisimula ang College Week namin. Ang loser diba? College week pero halfway thru the week magsisimula LOL. Well I think that's better than no College Week at all right? So eto ako ngayon, nasa bahay, nagpapakasarap at ninanamnam ang buhay ng estudyanteng walang pasok bwahahahahaha!

Anyway, bukas pala ay magke-cater kami for the Alumni Homecoming. Kung sisipagin ako eh pupunta ako para tumulong, anyway ike-credit naman yun sa number of hours kong pagtatrabaho (FYI: yung coffee shop operations namin dinaig pa ang practicum sa number of hours. San ka). Hindi rin kasi ako nae-excite, nahihiya pa kamo dahil baka makita ako ng mga original batchmates ko (2003).

So just to be sure na walang pasok, nag-text ako sa friend ko na prof.

"Dah (Daryll), may pasok ba ang mga major subjects ngayon?"

"Wala. Pati next week wala."

"Bakit daw? You mean the whole week next week?"

"Yup, may something."


LOLLLLL. What an answer!

2 comments:

  1. "Yup, may something."

    Sosyal na version ng "di ako sure kung anong meron.."

    ReplyDelete
  2. Hahahaha. Nakakatawa lang kasi mag-aabsent ako na hindi alam ang dahilan hahaha!

    ReplyDelete