12/30/08

The Devil is Always On Your Side When You Need Him

Masasabi ko nga na minsan talaga, matigas ulo ko.

Bago pa ako pumasok sa office, alam kong hindi na maganda nararamdaman ko. Sinisinat ako pagka-gising ko. Pano meron na naman akong ubo't sipon, ewan ko ba bakit napaka-hina ng resistensya ko. Makapag-vitamins nga.

Anyway, 'yun nga, pasok ako, masaya kasi mukhang tahimik ngayon, walang nagko-calls (tahimik ang floor kahit na marami nang ahente). Sabi ko, "wow, avail yata(avail, para sa mga 'di nakaka-intindi ng call center lingo, ibig sabihin e walang masyadong tumatawag)." Aba'y pucha pagka-log-in namin ng 10:30PM, biglang umingay!!! Wow, what a year-ender.

Maya-maya, mga 2 hours na nakakaraan, namamaos na 'ko. Taena naman. Pero konting tiis nalang, restday mo narin naman bukas. Hanggang nawala nga boses ko dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga Kano. Nag-message nga ako sa supervisor namin.

"Boss, pwede ba ako magpahinga?"

"OK, aux 1 (aux is a phone status para pansamantala kang titigil sa pagko-calls)"

"Punta ako clinic?"

"Oo. Hindi ka naman basta-basta pwedeng magpahinga."

OK. Sige, akyat sa clinic. Si Miss Nurse may pasyente. Pinaupo muna ako, and after a few minutes, in-attend-an na n'ya ako. Sinabi ko nga sakit ko.

"OK sir, tongue out"

......
....
...

"Sir, namamaga 'yung tonsils mo..."

Patay. Taena naman talaga.

"Ha? Eh parang 2 weeks ago lang meron akong pharyngitis.."

"Ganun talaga sir, lalo na pag may history ka na n'yan. Pwede ma-trigger anytime. Buti 'di ka pa pinapa-tonsillectomy?"

Tonsillectomy, what an odious word.

"'Yun nga rin sabi sakin ng mga doctor. 5th incident in the same year daw dapat ipaalis na 'yung
tonsils. Pero..."

"Oo nga eh. Pero pa-second opinion ka rin. Meron din kasing isang agent na nagpa-opera pero ganun parin, bumabalik pa rin yung throat problem. Gargle ka muna na nito tapos i-candy mo 'to (sabay abot ng Bactidol at Deflam)."

Ayun. Voice rest daw muna ako. Oh god, for friggin' 15 minutes lang? Would that really help?
Bawal daw matatamis, maaasim, maaalat at ma-mantika. Ano nalang natira sa'kin para kainin 'di ba?

Tapos balik sa pagko-calls. Nung lunchbreak, 'di ako kumain, natulog lang ako sa station.

Tuluyan na nga akong nilagnat, pero 'di ko nalang in-apila sa boss. Kasi baka sabihin nag-iinarte lang ako.

Pagod na pagod na ako nung umuwi. Buti nalang, restday na. At in fairness, wala kaming pasok ng New Year. Happy New Year guys.

'Yun nga pag-uwi, gutom na ako, buti nalang may pagkain.

.....Wow. Tuyo, sunny-side up at longanisa. Maalat, mamantika at matamis. Tapos 'yung sawsawan pa ng tuyo na maasim. Wow. Wow na wow.

Eh gutom ako eh...

Bakit ba andaling sumira pero ang hirap gumawa?

No comments:

Post a Comment