12/27/08

What's In My Bag This Year

Marami akong New Year's Resolution. Isa na dun ang pagtigil sa yosi at pagbabawas ng alcohol intake. Gusto ko naring maging organized ang buhay ko ngayong taon, dahil naging masyado akong naging heedless this year. Piniktyuran ko laman ng bag ko, eto 'yung mga tipong mahirap mawala sa loob...

Wow. Cool pala tignan pag nakakalat ang gamit sa labas. Hehehe. Mukhang susyal.

1. BAG. Messenger bag na bigay sa akin ng napaka-espesyal na kaibigan nung Christmas. Naawa yata sa'kin kasi wala daw akong matinong bag (I'm used to carrying around my humongous backpack). Hindi ko na tinanong yung presyo, pero tinignan ko sa botique, napamura ako sabay "Thank You." Hahaha.

2. PLANNER. Wow, saucy, Starbucks. Oo saucy talaga. Wala pang 2009 meron na sa bag (pero yung last year's talaga yung nasa bag ko, panget lang kasi pag 'yun nilagay ko hahaha). But it doesn't mean na madalas akong bumibili ng kape dun dahil bigay lang din sa'kin 'to as a Christmas gift, hahahaha. Etong ngayon, bigay sa akin ng kaibigan kong si Jeric (na laging nasa Starbucks dahil dun nag-aaral) kasi dalawa na daw ganun n'ya. Actually hinarbat ko lang 'to sa kanya, 'di na s'ya pumalag, buti nga hindi n'ya binenta sa 'kin, ang alam ko kasi pwede mo rin i-benta ng isang libo 'yun (OA ata ako). Last year naman kasi produkto ng pang-uuto sa mga kaibigan ko na gamitin 'yung card ko para malagyan ng stickers hahahaha. Hampas-lupa.

3. PSP CASE. Parang malaking lalagyan ng antipara, at nilagyan ko pa talaga ng chamois sa loob para may panlinis. Feeling ko wala ring kwenta 'to eh, puro gasgas na PSP ko, pero overused lang talaga siguro.

4. PSP. Magtaka ka kung may PSP case ako pero wala talaga akong PSP, hahaha. Eto isa sa mga kaibigan ko lalo na kung kailangan kong maghintay. Hindi mawawala ang Tekken d'yan. Hahahaha. Palpak nga lang Memory Stick, madalas nako-corrupt. From Dragon Lord lagi tuloy akong bumabalik sa 9th Kyu (oo na, alam ko hanggang Dragon Lord lang kaya kong rank). Humanda sa'kin 'yung nagbenta sa'kin sa Greenhills, sabi n'ya naman lifetime daw warranty nun.

5. WALLET. Eto ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa'kin. Mawala na lahat ng mga 'yan (pero 'wag naman sana) wag lang ang wallet kong 'to. Canvas lang yan na mumurahin, in-arbor ko pa kay Royce at ilang taon ko narin gamit. It houses my treasures: resibo, discount coupons, ID pictures, school and company IDs, cards tulad ng ATM, Timezone, WOF, Powerstation, Laking National, health card, library card, et cetera at syempre my filthy lucre.

6. CELLPHONE. Sino bang walang cellphone ngayon? Ewan ko ha, pero napaka-halaga ng cellphone para sa'kin, hindi ka kasi updated pag wala kang nito. Hindi na ata ako magugulat pag may pinanganak na may cellphone na naka-attach sa kamay n'ya, yung tipong may blood vessels at nerves papuntang utak mo 'yung wires (wow Sci-Fi). Pag may cellphone ka kasi +1 sa lahat ng stats mo. Meron pang isang time na baliw na baliw ako sa cellphone ko na nag-risk pa talaga akong mawala ang warranty mai-alter lang ang mga default icons, fonts and capabilities. Parang tanga.

7. THUMB DRIVE. Marami silang tawag dito eh: USB, flash disk, flash drive. Simpleng thumb drive na binili ko sa CD-R King, pero bakit ako may ganto? Haha. Laman lang nito eh mga back-up na installer, ISO (para sa PSP ko) at résumé para ready-to-print na pag may ibang trabahong gusto pag-apply-an bwahahahaha (evil laugh).

8. BALLPEN. May planner ka nga, wala ka namang ballpen. Anong pansusulat mo, laway? Hehe. Minsan din pag may mga moments na furor scribendi, yung tipong gusto mo lang magsulat tungkol sa kung ano-anong bagay (parang pen-and-paper version nitong blog).


Hindi pala ako mahilig sa black 'no... pansin n'yo ba?

No comments:

Post a Comment