12/27/08

Ah, Pasko. Ano 'yun?

Wow, katatapos lang ng Christmas. Parang, "ay, nag-Christmas pala, parang 'di ko naman napansin?" Hehehe. Well, totoo naman eh. Habang tumatanda tayo, nawawalan na ng thrill ang Christmas, 'yun ang experience ko d'yan. Siguro dahil habang tumatagal eh naghihirap na ang buhay? O dahil habang tumatagal eh hindi na exciting kasi wala ka nang mare-receive na regalo, ikaw pa kamo magreregalo. Feeling ko, pambata lang talaga ang Christmas. Tignan mo ako, nag-celebrate ng Christmas sa office. Wow na wow talaga. First time ko nag-Pasko na wala sa bahay, tapos hindi pa gaano ka-petiks dahil walang pahinga sa kai-Internet mga Kano. Well, ganun talaga. Pero ayos naman eh, nakakain kami ng libre at nakapag-exchange gifts pa kami. Pero iba parin ang nasa bahay pag Pasko, kano man ka-boring.

Se-celebrate-celebrate tayo ng Christmas, eh parang wala naman tayong pakialam sa celebrant. Oo, birthday daw ni Jesus. Karamihan sa'tin, ang alam lang eh uminom at magpaka-bochog tuwing Pasko.

Alam n'yo ba na dati sa ancient Rome, meron silang festival tuwing December na tinatawag na Saturnalia at Sol Invictus?

Saturnalia is a feast to honor the Roman god Saturn, the god of agriculture. Sine-celebrate nila ito starting December 17 onwards. At dahil harvest-god si Saturn, foodtrip ang mga paganong Romano. Meron din silang gift-giving at special markets, na parang Pasko. May speculations nga na dito nalang sinet ng mga early Christians ang Christmas season para daw maka-adapt kagad ang mga pagano tutal 'di naman daw talaga alam ang eksaktong araw na pinanganak si Jesus. Parang hindi naman daw kasi December talaga, pano malamig daw sa Jerusalem tuwing ganung panahon, maulan at posibleng nagsn-snow pa, tapos swaddling clothes lang ang binalot kay baby Jesus? Sa bagay may powers naman si Jesus hehehe...

Pero most apt daw ang Pasko sa December 25, kung kelan ino-observe nila ang Sol Invictus or Unconquerable Sun. Eh madalas pa namang ina-allude kay Jesus ang araw.

O diba para tayong mga Romano pag nag-celebrate ng Christmas?

Actually marami pang paganic influence ang Pasko eh. Ang Christmas Tree, Santa Claus, Yule log, etc., may roots from several non-Christian traditions. Pero hindi na-importante 'yun. Ang mahalaga, dapat alam natin kung bakit natin sine-celebrate ang isang holiday.

Wow, nagsalita ang nagsimba nung Pasko! Hahahaha.

Smile!






...
Yuck, bakit parang ang nerd ko.

No comments:

Post a Comment