Please excuse my French.
I think the title pretty much explains what happened on my New Year' eve, but of course there's more fun in telling the whole story.
......
I was really excited na mag-New Year. Bagong taon. Higit pa sa pagpapalit ng kalendaryo, dahil umikot na naman ng buo ang mundo natin sa araw. Kaya bagong buhay, bagong plano, bagong simula.
Lahat ng tao sa bahay, bising-busy na naghahanda para sa Media Noche. Nagluluto ng mga pagkain si Mama, si Rosette (kapatid kong babae na mas bata pa sa akin) naghahanda ng dessert, nagpa-litson ng ulo ng baboy si Papa (ulo lang, mahal na pag buo), tapos inaaaya ko si kuya na bumili ng paputok.
Punta nga kami sa bilihan, one kyaw (isang libo) ang budget. Marami-rami rin naman kami nabili pero yung mga simpleng pa-ilaw lang.
Sobrang ingay ng buong street namin just a few hours until New Year's eve. Lahat yata ng bahay naka-full volume ang speakers. Party kung party.
Mga ilang minuto nalang bago mag-alas dose, marami na ang nagsisindi ng paputok. May supot, may sumasabog, may maliwanag, may nababasa (note: medyo corny nga ang New Year ngayon kasi umuulan, pero kahit na umuulan, nasa labas parin lahat ng tao). Nung sumapit ang hatinggabi, full-blast na ang putukan, sobrang liwanag na ng langit dahil sa mkukulay na pyrotechnics (napansin ko lang din, kala ko ba naghihirap na ang Pilipinas, bakit ang mamahal na ata ng mga nakikita kong pinapa-putok sa ere, 'yung mga tipong makikita mo sa Enchanted Kingdom), at sobrang usok na sa paligid, amoy sunog na pulbura. Hmmm... bango.
HAPPY NEW YEAR!!!!!
Tapos biglang namatay mga ilaw ng mga bahay.
Nawala ang mga bumabayong sounds.
Pati 'yung mga videoke machines, dead.
"Shet, brwan awt!!!"
Tsk. Sabi ko, siguro 'yung sensitive na poste 'dun sa kanto nahagip ng kwitis.
...pero kahit na ganun, tuloy parin ang celebration. Aba, maliwanag naman sa labas.
Wow. Napa-wow talaga ako. Bakit ngayon pa? Sabi pa ng iba, hindi magandang umpisahan ang bagong taon ng masamang pangyayari, kasi buong taon daw magiging ganun.
The hell with that. Magbiro ka na sa ibang bagay, 'wag lang sa walang kuryente sa isang taon.
Badtrip. Pero why should I dwell in remorse, if I can make my day happy?
So inuman kami ng bestfriend ko, si Shiela. Kapitbahay lang namin kaya madali lang maaya.
Magtitimpla kami ng Boracay ('yung alak na may halong Milo at condensed milk) at nagluto ng sisig. Yum.
Naging masaya naman ang Bagong Taon ko kahit papano. Kasi may alak. Hehehe. Mga 3 hours later, bumalik na rin ang ilaw sa wakas.
Pero 'di ko talaga makakalimutan 'yung ginawa ni Shiela nung may brown-out, habang nagpapainit kami ng tubig sa bahay nila.
Sinaksak n'ya yung airpot ('yung pampainit ng tubig) sa plug. After a few minutes, sumigaw ako, "Yesss!!! May ilaw na!!!"
Sabay lapit s'ya sakin.
"Buti nalang tanga, nagsaksak ako ng airpot wala palang kuryente kanina hahahaha."
Tawa kami ng tawa.
Masyado na talaga tayong dumedepende sa kuryente.
No comments:
Post a Comment