Maaga ako nagising para maghanap na naman ng ibang trabaho sa Internet. 'Di na naman kasi ako nakapasok sa trabaho dahil dito sa tonsillopharyngitis ko. Kahapon nga pumunta na naman ako sa Medical City para makakuha ng med-cert dahil siguradong may Show Cause Memo na naman ako 'pag wala ako 'nun. Posible pang ma-suspend.
Nasa tapat na naman ng computer, alas-singko ng umaga. Bestfriend ko na nga ang Google search engine. Keywords: non-voice call center, chat/email support, homebased, blah blah blah...
Timpla nga muna ako ng Milo. Bawal daw kape, sabi ng nurse. OK, mas masarap naman Milo. Kaso bawal din daw matamis, pwes 'onting asukal lang. Isang heaping tablespoon nalang compared to the usual 2 tablespoons. Haha, dugas.
Ang hirap parin talaga maghanap ng trabaho sa Internet, lalo na kung alam mo kung ano talaga gusto mo. Sobrang daming basurang websites na kung tutuusin eh hindi naman relevant sa search mo. Filter. May nakakawala parin.
Ang aga-aga, pagod na 'ko. Sabay nagising na sila mama. Alas-syete na pala.
"Kinain mo 'yung balut mo?" bumababa si Mama sa hagdan.
"Ha? Meron ba?" sagot ako. Parang naghanap tuloy ng balut ang katawan ko, umagang-umaga. Oo nga naman, sanay pala ang katawan kong ang normal na umaga ay tulugan time for us call center people. My biological clock has adapted well.
"Meron ha..."
Naalala ko nga, kagabi. Tulog na kasi ako nun, kala ko tuloy nananaginip lang ako. Ginigising pala ako ni Royce nun, naalimpungatan ako, sabi ko ilapag nya na lang sa lamesa ng kwatro ko.
Akyat nga ako sa kwarto, at nandun nga ang mahiwagang itlog. Binanlian ko nga ng mainit na tubig.
Tapos balik uli sa harap ng monitor para mag-Google.
I always, always have to sort out the poor duckling from the rest of the egg, I really hate the idea of biting the poor animal's head. Awwww. But the rest of the balut is incredibly yummy.
"Dapat lagi kang kumakain n'yan para masustansya." hirit ni Mama. "Para hindi ka lagi magkasakit"
"Sus. Sa trabaho ko talaga nakukuha 'tong sakit na 'to, sabi ni doc."
"'Yaan mo, this year nalang 'yan, aral ka na uli this coming school year."
.......
Did I hear it right???
Wow, sana totoo na nga 'to.
Imagine, balik skwela na 'ko? Wow. At least may plano na ako ngayong 2009. Viva 2009!!! Kala ko forever na ako sa impyernong 'to... kain nga muna ako ng breakfast.
No comments:
Post a Comment