12/5/09

Yes, No Blog Post for November

No blog post for the whole of November? Gawd. Naging busy ako sa school in the past few days, and ongoing parin naman.



....


Wala lang siguro talaga akong mood mag-kwento. Napaka-seasonal talaga ng furor ko. Arrgh!

10/21/09

Soya Milk is not My Cup of Tea

I just don't find soy milk tasty. This strawberry-flavored soy milk particularly. Argh. There's something in it that tastes really weird. I think it's not even close to milk, save for the texture. No, I think the texture is grainy. I just forgot what the taste is, but certainly not milk.

10/16/09

Let the GM Diet Begin

Napapansin ko lang din na medyo matumal ang posts ko these past few days, kaya dadagdagan ko. Hehe. Matagal ko nang alam ang GM (General Motors) Diet na 'to, pero hindi ko matuloy-tuloy dahil parang sa all-fruit diet palang, parang fail na ako. Pero dahil tumataba na ako, susubukan ko ang tunay na disiplina ko at sundan ang crash diet na 'to... pero hindi ko sisimulan as in ngayon; saka na kapag nakapag-grocery na ako ng maayos. Iba-blog ko rin as much as possible ang mga kaganapan sa araw-araw na pagsunod ko sa kalokohang 'to: ang mga ayaw ko, mga gusto ko, ang timbang ko, at kung susuko na ako. Hehe. Good luck talaga sa'kin.

Para sa mga hindi pamilyar sa ka-demonyohang 'to, eto po ang complete guide, kung gusto n'yo ring i-try.

General Motors: Weight Loss Diet Program

The following diet and health program was developed for employees and dependents of General Motors, Inc. and is intended for their exclusive use. This program was developed in conjunction with a grant from U.S. Department of Agriculture and the Food and Drug Administration. It was field tested at the Johns Hopkins Research Centre and was approved for distribution by the Board of Directors, General Motors Corp. at a general meeting on August 15, 1985. General Motors Corp. wholly endorses this program and is making it available to all employees and families. This program will be available at all General Motors Food Service Facilities. It is management's intention to facilitate a wellness and fitness program for everyone.

This program is designed for a target weight loss of 10-17 lbs per week. It will also improve your attitudes and emotions because of its cleansing systematic effects.

The effectiveness of this seven day plan is that the food eaten burn more calories than they give to the body in caloric value.

This plan can be used as often as you like without any fear of complications. It is designed to flush your system of impurities and give you a feeling of well being. After seven days you will begin to feel lighter because you will be lighter by at least 10 lbs. You will have an abundance of energy and an improved disposition.

During the first seven days you must abstain from all alcohol
You must drink 10 glasses of water each day

Day One All fruits except bananas. Your first day will consist of all the fruits you want. It is strongly suggested that you consume lots of melons the first day. Especially watermelon and a loupe. If you limit your fruit consumption to melons, your chances of losing three lbs. on first day are very good.

Day Two All vegetables. You are encouraged to eat until you are stuffed with all the raw or cooked vegetables of your choice. There is no limit on the amount or type. For your complex carbohydrate, you will start day two with a large baked potato for breakfast. You may top the potato with one pat of butter.

Day Three A mixture of fruits and vegetables of your choice. Any amount, any quantity. No bananas yet. No potatoes today.

Day Four Bananas and milk. Today you will eat as many as eight bananas and drink three glasses of milk. This will be combined with the special soup which may be eaten in limited quantities.

Day Five Today is feast day. You will eat beef and tomatoes. Eat two 10 oz. portions of lean beef. Hamburger is OK. Combine this with six whole tomatoes. On day five you must increase your water intake by one quart. This is to cleanse your system of the uric acid you will be producing.

Day Six Beef and vegetables. Today you may eat an unlimited amount of beef and vegetables. Eat to your hearts content.

Day Seven Today your food intake will consist of brown rice, fruit juices and all the vegetables you care to consume.

Tomorrow morning you will be 10-17 lbs. lighter than one week ago. If you desire further weight loss, repeat the program again. You may repeat this program as often as you like, however, it is suggested that you are allowed two glasses of white wine in addition to the instructions on the program. You may substitute champagne for white wine. Under no circumstances are you to drink any other alcoholic beverages with the exception of beer which is allowed. Any liquor (bourbon,vodka, rum) is forbidden. Cream drinks are especially forbidden. You may have an occasional cordial such as creme de menthe or schnapps, but you must always limit yourself to two drinks. If you wine, drink only wine that day. If you have beer, drink only beer that day, etc. Alcohol adds empty calories to your diet. However, after the first week it will help your digestion and settle your stomach.

G.M.'S Wonder Soup

The following soup is intended as a supplement to your diet. It can be eaten any time of the day in virtually unlimited quantities. You are encouraged to consume large quantities of this soup.

28 oz, Water, 6 Large Onions, 2 Green Peppers, Whole Tomatoes (fresh or canned), 1 Head Cabbage, 1 Bunch Celery, 4 Envelopes Lipton Onion Soup Mix, Herbs and Flavouring as desired.

Additional Comments

Vegetables as may be taken in the form of a salad if desired. No dressing except malt, white or wine vinegar, squeezed lemon, garlic, herbs. No more than one tea spoon of oil.

You have been given a recipe for the WONDER SOUP which can be eaten in unlimited quantities. This soup is a supplement while you are on the program and it should be a pleasure to eat. Not everyone likes cabbage, green peppers, calory etc. This recipe is not inflexible. You may substitute vegetables according to your taste. You may add any vegetables you like: asparagus, peas, corn, turnips, green beans, cauliflower, etc. Try to stay away from beans (lima, pinto, kidney, etc.), however, because they tend to be high in calories even though they are very good for you.

Beverages you may consume while on the program :

  1. Water (flavoured with lemon/lime if desired).
  2. Club Soda is OK.
  3. Black Coffee. No cream or cream substitute. No sugar or sweetness.
  4. Black Tea = Herb or Leaf.
  5. Absolutely nothing else except the fruit juices which are part of day seven. No fruit juices before day seven.

How and Why It Works

Day One you are preparing your system for the upcoming programme. Your only source of nutrition is fresh or canned fruits. Fruits are nature's perfect food. They provide everything you could possibly want to sustain life except total balance and variety.

Day Two starts with a fix of complex carbo-hydrates coupled with an oil dose. This is taken in the morning for energy and balance. The rest of day two consists of vegetables which are virtually calorie free and provide essential nutrients and fibre.

Day Three eliminates the potato because you get your carbohydrates from the fruits. You system is now prepared to start burning excess pounds. You will still have cravings which should start to diminish by day four.

Day Four, bananas, milk and soup sound the strangest and least desirable. You're in for a surprise. You probably will not eat all the bananas allowed. But they are there for the potassium you have lost and the sodium you may have missed the past three days. You will notice a definite loss of desire for sweets. You will be surprised how easy this day will go.

Day Five, Beef and tomatoes. The beef is for iron and proteins, the tomatoes are for digestion and fibre. Lots and lots of water purifies your system. You should notice colourless urine today. Your allowance calls for the equivalent of five "quarter ponders". Do not feel you have to eat all this beef. You must eat the six tomatoes.

Day Six is similar to day five, Iron and proteins from beef, Vitamins and fibre from vegetables. By now your system is in a total weight loss inclination. There should be a noticeable difference in the way you look today, compared to day one.

Day Seven finished off the program like a good cigar used to finish off Victorian meals, except much healthier. You have your system under control and it should thank you for the flushing and cleaning you just gave it.

10/7/09

Random Thoughts: October

Sobrang daming nangyari nung mga nakaraang araw-- merong masaya, meron ding malungkot, meron ding mga pangyayaring hindi ko alam kung paano bigyan ng reaksyon.

Hindi ko makakalimutan ang bagyong Ondoy dahil ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko ang katakot-takot na baha sa kanto ng Lifehomes-- well, lagpas tao lang naman. Pero sa street mismo namin, wala namang baha. Kaso walang kuryente, walang signal ang mga mobile networks at wala ring dial tone ang telepono. Siguro masasabi ko naring maswerte na rin kami kumpara sa mga taong nagpalipas ng gabi sa mga bubungan ng bahay nila-- nilalamig, basa at gutom-- para lang hindi anurin ng delubyong gawa ng bente-kwatro oras na ulan.

Lumipas rin ang birthday ko na parang wala namang nangyari. Hindi ko naramdaman, actually. Maraming taong bumati, siguro nga sapat narin yun-- pero hindi ako nag-celebrate. Or-- hindi pa, pwede namang i-postpone muna, tutal eh may krisis pa naman. Hindi na ata ako sanay na hindi nagse-celebrate, dahil tradisyon ko na ang magkaroon ng maliit na get-together tuwing birthday ko.

Kelan lang din, our high school directress passed away. Maraming nalungkot dahil mahal namin ang aming directress na si Mrs. Brown kahit na uma-umaga kaming sine-sermunan noong high school pa kami. Pumunta kaming magkaka-klase sa wake niya kagabi sa Christ the King para makita sana siya kahit sa huling mga sandali, pero nakasara ang casket niya. Nalungkot talaga ako, dahil hindi na na namin alam kung ano na ang itsura ng Immaculada ngayong wala na si Mrs. Brown-- it will never be the same again.

Marami-rami narin pala akong na-invest para sa camera ko, although mumurahin lang naman... nakabili na ako ng flower lens hood at filter. Isusunod ko nalang yung mga lente, tripod, ilaw at flash. Tapos binigyan ako ng camera bag ni Jas (officemate ko na 16 years nang nagshu-shoot), sobrang thankful ako-- tutal hindi naman daw niya nagagamit, birthday gift n'ya nalang raw sa'kin. Thank you Jas! At sa lahat ng taong bumati sa akin nung birthday ko, salamat po ng marami!

9/17/09

Walking Down the Memory Lane

Kahapon, biglang nagtext sa akin si Pops, ang aking bestfriend, na samahan ko daw sya mag-ice cream sa Pasig. Medyo nag-hesitate ako dahil, una, umuulan ng malakas; pangalawa, dahil kulang pa ako sa tulog; pagatlo, bakit sa Pasig ba kailangan kumain nun, at ang huli at pinaka-valid na reason, tinatamad ako. Hehehe. Anyway, nangibabaw parin ang pagiging kaladkarin ko at sinundo niya ako sa dahil wala akong payong.

Dumaan muna kami sa Jollibee at kumain with matching kwentuhan tungkol sa recent visit niya sa Palawan. Diretso kami ng Ice Cream Store para kumain ng ice cream na nilibre niya. At syempre, kwentuhang walang humpay, na kung sa'n-sang topic na kami napunta; from the Old Philippines page sa Facebook hanggang sa mga chismis sa mga high school classmates. At dahil napag-usapan namin ang high school, niyaya ko s'yang dumaan sa aming dating escuelahan (La Immaculada Concepcion School) bago umuwi, dahil bigla naming naalala ang makasaysayang high school life habang nagkwentuhan kami sa tapat ng anino ng Pasig Cathedral.

Habang naglalakad kami sa covered sidewalk, nagpapa-unahan kaming tinuturo ang mga lugar na dating nandoon, na ngayon ay kung hindi sira-sirang bakod ay pinalitan na ng bagong establisyamento. Nagulat din ako sa sarili kong, automatic nang lumalabas sa bibig ko ang pangalan ng mga lugar na higit anim na taon ko nang nilisan, samantalang si Pops ay nag-iisip pa. Dito kami unang nagkakilala ni Pops, at sampung taon naming pinanday ang pagkakaibigan namin sa paaralang 'to.

Tinuro namin ang mga lugar kung san kami kumakain, kung sang gate kami lumalabas, ang mga secret pathways, ang binibilhang mga tindahan after class-- mga lugar na parang kahapon lang ay nandoon pa. Sabay naming pinagtatawanan ang mga masasaya at malulungkot na alaalang nakaukit narin sa mga konkretong pader na naghihiwalay sa amin at sa aming mga classrooms habang kami ay nasa labas.

Saka namin na-realize na andami naming na-miss.

8/29/09

The Number 9

Ugh, ano kayang meron sa numerong "9" at tatlong movies ang ipapalabas this year na may pangalang merong "9?" Dahil ba year 2009 ngayon? Crazy, crazy, crazy.

Nine (Musical) - sorry, bawal daw i-embed.
http://www.youtube.com/watch?v=y_5_lzags3I

9 (Animation) - bawal din daw i-embed. Anyway, 9/9/09 daw ipapalabas 'to. Ugh.
http://www.youtube.com/watch?v=OnoJecu9e7c

at

District 9 - at least ito pwedeng i-embed ang official movie trailer.



Uhmm, excited? More ugh.


EDITED: September 4, 2009/6:44 AM
'Yun lang. Tinanggal din ang trailer ng District 9. Come on and rain on my parade.

8/19/09

Colzenerring Agen

Hay salamat, sa wakas at may trabaho na ako. Kararating ko lang from work, at sobrang natakot ako sa pagdaan sa underpass ng Gil Puyat-Ayala kaninang alas-dos ng madaling-araw. Wala man lang sumabay sa akin kahit pusa. Kung anu-ano tuloy nai-imagine kong makasalubong sa paglalakad, kumaripas tuloy ako ng takbo.

Anyway, sa isang call center ako nagte-train ngayon (pero ayon sa kanila, contact center daw sila, hindi lang call center.) Opo. Call center uli. Matapos kong kamuhian ang trabahong ito a couple of months ago (see older blog posts LOL). Wala naman akong choice, palagay ko pa nga ay mapalad ako kasi nakakita ako ng call center na at least 4 hours ka lang makikipag-gaguhan sa mga kano. Isa pa, hindi nga raw "average Joe" na mga kano ang makakausap namin kundi mga bigwigs ng iba't-ibang kumpanya sa US, so at least hindi na madalas eng-eng ang makakausap ko. Hindi ko muna sasabihin ang detalye sa ngayon.

Nag-enjoy ako sa mga di-ni-scuss sa amin nung orientation: may smoking area sa bawat floor (lumundag sa galak ang baga ko sa tuwa), may libreng gym, may shower room, malaki ang offer sa'kin kahit na per hour ang rate, pwedeng mag-shorts pagpasok sa work at higit sa lahat, 4 hours lang ang minimum na oras na pwede mong gugulin sa pagtatrabaho, so kaya ko pa talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. On the darker side (para maiba naman), malayo ang Makati from my home/school, wala kaming health benefits (ang mga kawawang part-timers), may bayad na piso ang kape (haha, demanding ba ako masyado?), CRT monitors ang katapat namin, ampanget ng shift ko ngayon (10PM-2AM) at pang-horror ang underpass na kelangan ko daanan sa gabi-gabing ginawa ng Diyos. Siguro halatang-halata na kung anong contact center 'tong tinutukoy ko, kung galing ka man rito.

Pero sobrang thankful ako kay Lord na may trabaho na ako. Ang sweldo ko sa apat na oras sa trabahong 'to ay malamang katumbas ng 8 hours na sweldo kung nag-fast food ako. For now, I'll devour this ounce of semi-sweet chocolate bar I bought from Baker's Depot.

8/12/09

My Bucket List

Ok, so ngayon ko officially ili-list down ang mga bagay na gusto ko gawin para maging mas meaningful ang buhay ko. Isa-isa ko silang iko-cross out kapag nagawa ko na, at syempre ikukwento ko narin kung ano nangyari. May mga bagay na mukhang malayong magawa, pero hopefully magawa ko parin in the future. Meron akong aalisin, merong idadagdag, depende sa takbo ng utak ko.

1. Magpalipad ng saranggola sa malaking field
2. Magpicnic sa isang scenic hill
Mag-enrol sa following classes:
3. Capoeira
4. Painting
5. Sculpting
6. Pottery-making
7. Culinary
8. Photography
9. Makagawa ng malaking box/trunk na may lock
10. Makagawa ng print sa T-shirt na MATINO
11. Mapag-aralan at ma-perfect gumawa ng jam/marmalade
12. Magkaroon ng food business
13. Magkaroon ng part-time job habang nag-aaral*
14. Maka-graduate ng matiwasay
15. Mag-masters sa World/Art History
16. Makatuklas ng original art technique
17. Makagawa ng isang kumpletong comic book
18. Makagawa ng isang kumpletong novel
19. Ma-make over ang kwarto ko
20. Makapag-aral ng Marine Biology
21. Matutong lumangoy
22. Mangibang-bansa
23. Makapag-scuba dive
24. Makagawa ng conceptual na photoshoot
25. Makabili ng laptop

...at marami pang iba. Hehehe. Let the kabaliwan begin!


UPDATE:
Aug 23, 2009
13. Magkaroon ng part-time job habang nag-aaral - CHECK!!!! Yay!

8/7/09

Tita Cory: More Than a Political Icon

We were required to make an essay for the former president Cory Aquino who just recently passed away, as tribute to her heroism. Kahapon namin pinasa, at sa gulat ko, nagustuhan ng professor namin kahit na mali ang format na nagawa ko: dapat nakasulat sa yellow paper at written in Filipino, samantalang ang ginawa ko ay pina-print ko sa bond paper at English ang lenggwahe. Bigla nalang ako tinawag at pinabasa ang gawa ko sa harap ng klase na halos ikamatay ko sa hiya.

Sa totoo lang, hindi ko talaga kilala si Tita Cory hanggang sa marinig ko ang mga speech na ginawa ng mga tao at nabasa ko ang mga articles tungkol sa kanya. Saka ko nalang na-realize na isang malaking kawalan si Tita Cory, hindi lang as an icon of democracy but also as a mother. Anyway, here's a copy of the essay I made for Tita Cory, may she rest in peace with Ninoy.


More than a Political Icon


I woke up on a cold and rainy Saturday morning; I thought it was just a couple of minutes past five, and the dawn is still breaking. While the obscurity was still lording over this part of the Earth outside my window, the monitor gleam like the sun the moment I turned the computer on, hurting my still dreamy eyes— and hurting it more when I learned about a bad news, which is sadly forethought save for a miracle. Still unknown to most as they were still snug in their blankets, I figured that while it was the first day in the month of August, it was the last in the life of a person venerated by many Filipinos.

The whole nation mourns for the loss of Corazon Aquino, a strong woman who succumbed to a relentless disease which also plagued her mother. After more than a year of battle with the vile colon cancer, she now rests in peace, and hopefully is somewhere out there with Ninoy who I am sure she missed so much.

Cory Aquino was nominated for a Nobel Peace Prize but lost to Elie Wiesel, a Romanian Holocaust survivor; nevertheless, she was hailed “Woman of the Year” by Time Magazine in 1986 when she, admittedly a non-political person, led the Filipino nation to a bloodless revolution and overthrew the autocratic Marcos regime.

To me, with all honesty, Cory was just another figure in my history book. I blame that to the fact that I was still being conceived when she showcased her diplomatic feat. As I was taught on how marvelous the deeds of this wonder woman were, I eventually learned that she is the icon of Philippine democracy. Unfortunately, it stopped there. I felt no emotional attachment to a hero I grew up with. I am saddened, yes; but I was not grieving.

Then there came the time I realized that Cory is more than a political icon.

I’ve had the chance to watch her requiem mass on TV, where her remains laid inside the Manila Cathedral. To be laid inside this majestic shrine of our culture and religion is especially reserved to the deceased archbishops. The fact that such a privilege was given to a lay woman like Cory shows how amazingly loved this woman is. I learned how devout to the Almighty she was. When I heard the eulogies declared for her, I realized that as a counsel, she was prudent; and as a leader, she was meek. I was moved on how her children, her friends and relatives lament over her loss as they hardly stop crying. What made her a treasure to me is not only because she became a tool to reshape the country’s fate, but also because she was a great mother to her children, and an epitome of kindness among the people.

She was more than just another President in the pages of our history book. She was more than just another political figure. To many, if not most of us, she was a trusted friend, a reliable ally, a beloved leader, and a caring mother, not just to his children, but to the rest of the Filipino people as well. The yellow ribbons scattered all around the Metro is a manifestation of how lucky we were to have her even for just a while, and that the Philippines will never have another Tita Cory.

To Tita Cory, who is watching us from up above, I’ll raise my Laban sign up in the air, and say “Ipagpapatuloy ko.” And we, the youth of the nation, will continue to fight and defend the democracy you have bestowed upon the Filipino people.

requiescat in pace,
Maria Corazon "Cory" Sumulong Cojuangco Aquino
(January 25, 1933 – August 1, 2009)

7/29/09

I Wish I Lived in Old Manila

Trip na trip ko ngayong tignan ang mga pictures at panuoirin ang videos ng Old Philippines sa Facebook at YouTube. Na-realize kong napaka-ganda ng Pilipinas dati, bago ang gyera; nung mga panahong sakop pa tayo ng mga Amerikano. Isa 'to sa mga videos na nakita ko na nagpapakita ng tour sa Manila-- ngayon, nagtataka ako kung nasaan na ang mga magagandang buildings at artworks na dating nakakalat sa buong Manila:



Nasayangan ako sa mga structures na ito na hindi man lang na-preserve ng maayos. Sana man lang nagkaroon ng batas dito sa Pilipinas na pinagbabawal ang pag-demolish sa mga lumang infrastructures para mapanatili natin ang culture natin. Hay.

7/22/09

When Can I Smell Victory?


I just bought this really interesting item sa isang surplus shop kanina: it's an Eastern-inspired oil burner that I scored for 99 pesos. Actually, maraming magagandang oil burners na nakahilera sa shelf pero ito ang pinakagusto ko-- simple, pero chic. Meron din silang scented oil na binebenta sa napakamurang halaga-- 3 phials for 99 pesos, assorted scents na; I bought the pack which includes citrus, 4 fruits and mint. Unfortunately, hindi kabanguhan ang mga scented oil, ano pa nga ba ie-expect ko sa presyo. Overall, not bad for 99 pesos.

Hanggang ngayon, wala parin akong nakikitang part-time na trabaho. Sisiguraduhin kong bukas na bukas, tatanungin ko ang isa kong classmate na manager-in-training sa Figaro kung pwede akong mag-apply dun. Ewan ko ba, gustong-gusto ko magtrabaho sa coffee shop. Hindi ako magsasawang langhapin ang amoy ng roasted coffee beans. Sana lang talaga magkaroon na ako ng work. Nag-aalala narin sila mama at papa. Ayoko namang umasa sa kanila kapag nawalan na talaga ako ng pera.

7/16/09

Random Thoughts: July

Nako. Nadukutan pala ako ng cellphone 2 weeks ago. Nakaka-badtrip; pano ba naman, eh kapapalit ko lang ng housing nun, tapos lagi ko nang nilalagay sa leather casing para hindi na magasgasan tapos biglan ninenok. Gago eh 'no. Ang masama pa nun, sa Pureza pa ako nabiktima, daan papuntang school, mga 7:30 AM, naaalala ko tirik na tirik pa ang haring Pebo. Parang sa ilang taong dumadaan ako rito, ngayon lang nangyari sa'kin 'to. Pero sa totoo lang, hindi ako nagdamdam masyado sa pagkakawala; medyo luma narin kasi ang modelo, nagbabadya yatang kailangan ko na ng bagong cellphone. Buti nalang meron pa akong ipon, dahil sa araw na nawalan ako ng cellphone, diretso ako ng Greenhills pagkatapos ng klase para bumili ng kapalit. Hindi po 'yun kayamanan, utang na loob. Napaka-kritikal lang talaga ng cellphone sa buhay ng estudyante ngayon, lalo na't irregular student ako. Isa pa, low end lang naman ang binili ko.
Anyway. Nag-try pala akong mag-apply sa Starbucks as barista, unfortunately hindi ako pumasa. Ewan ko kung bakit, baka hindi ako pang-barista talaga. Sayang, gusto ko pa naman maging barista. Pero OK lang, baka may mas magandang opportunity para sa akin. Sana nga. Nauubos na ang pera ko; kailangan ko nang pagkakakitaan. Hay.

Onga pala, yang shot na 'yan sa taas, galing sa SLR ko. I think it's my best achievement this year (well, I guess, so far)-- ang makabili ng SLR! Yesss!!! Katas ng backpay! Thank you Lord!!

7/1/09

On Saying Goodbye Over and Over Again

I'm officially a bum again.

Kare-resign ko lang sa Capital IQ kahapon. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman -- naiinis ako na parang natutuwa. Naiinis, dahil sayang ang opportunity na nakapasok ako sa prestihiyosong kumpanya na ito -- sobrang hirap makapasok dito, at isa ako sa mga lucky ones na iyon. Natutuwa, dahil makakabalik na ako sa pag-aaral. Sana matapos ko na ang course ko ng walang problema.

Binabasa ko kanina ang mga previous blog entries ko. Binalikan ko ang mga posts na nagpapa-alala sa akin kung gaano ako ka-excited na malaman ang resulta ng pag-a-apply ko sa kumpanyang 'to. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nagtagal sa kumpanya na iyon. Ayoko nang bumalik sa call center...

Mami-miss ko, higit sa lahat, ang mga taong nakasama ko sa dalawang buwan na pamamalagi ko rito.

Lord, kayo na po bahala sa akin.

6/23/09

The Devil and the Deep Blue Sea

Badtrip talaga. Kung kelan pakiramdam mong OK na ang lahat, saka pa darating ang mas malaking problema.

Natapos ko na pala sa wakas ang registration at pagbabayad ng tuition sa school. Opisyal na estudyante na ako uli. Ang problema ko nalang ay ang pagmu-move ng isang subject ko sa Sabado. Pero hindi lang pala iyon ang problema, may mas malaki pa pala.

Kagabi, merong meeting ang buong batch namin with the OM. Napag-usapan ang kung anu-anong bagay na nangyayari sa office. At isa na doon ang bagong schedule.

"OK, starting Monday, you guys will start coming to work at 8 AM."

Wow. Wow. Wow.

Hay. Kala ko pa naman, isang subject lang ang ipapa-move ko sa Sabado. Pati pa pala yung klaseng 7:30-9:00 AM, ipapalipat ko narin sa Sabado. Ang tanong: papayag kaya ang mga professors? At pano sa future, puro nalang ba Sabado ang kukunin kong class? Hindi naman siguro pwede iyon.


Lord, bahala na kayo.

6/18/09

Agnostic

Maaga akong nagising ngayon dahil kelangan ko uli pumunta uli sa school uli para mailipat sa Saturday yung isang subject ko dahil male-late talaga ako sa trabaho. Peste, nanggaling na ako dun kahapon pero walang nangyari; alas-ocho palang, nakapila na ako.

Makalipas ang dalawang oras, guess what? Nakapila parin ako. Shiyet. Para kaming timang dun, na naghihintay sa wala. Nalaman na lang namin na sira daw yung makina na ginagamit pang-validate. WTF??? Pagkatapos ko pumila ng pagkatagal-tagal, ayun, umalis din ako dahil may pasok pa ako sa trabaho ng alas-onse.

Sinubukan kong mag-tren. Sumakay ako sa Pureza ng LRT II, bumaba ng Cubao; takte, mahaba pala ang pila sa bilihan ng magnetic card. Bumaba sa Ortigas station at saka ko na-realize na ang haba pala ng lalakarin ko. Knowing na male-late na talaga ako, dumaan muna ako sa Megamall para bumili ng pagkain, gutom na gutom ako dahil sa letseng school na yan. Buena mano yata ako sa Go Nuts Donuts. Badtrip. Wala na ngang nangyari sa lakad ko, late pa ako.

Moving on.

Minsan, meron na naman akong mga bagay na pinag-iisipan na, ika nga nila, nakakaloko daw. Heto na naman ako, naghihintay na maluto ang ipambabaon ko for lunch, nag-iisip kung ano ba ang silbi ng lahat ng nangyayari sa atin ngayon. Bakit kailangan ko magtrabaho? Bakit kailangan ko suportahan ang pamilya ko? Bakit kailangan ko grumadweyt? Bakit kailangan ko maging mabuting anak? Bakit kailangan kong magkapera? Bakit kelangan ko kumain? Bakit kelangan ko mabuhay? At doon, sa huli, madalas tumitigil ang tanong. Hindi uubra sa akin ang sagot na: "dahil ikaw ang sasagip kay..." o kaya "dahil meron kang gaganaping papel sa buhay ni.." dahil itatanong ko rin kung bakit kailangan ko sagipin ang buhay n'ya o bakit kailangan kong pumapel sa buhay nitong taong 'to, kung alam ko namang sa huli eh lahat tayo mamatay; mawawalan ng saysay ang lahat ng binaon nating dunong sa utak o kaya kinain nating pagkarami-rami, dahil hindi na gagana ang lahat ng bahagi ng katawan natin kapag dedo na tayo.

Hindi ko alam kung anong mga kasagutan dito. Baka nga mali lang ang tanong ko. Pero hindi eh; if God imparted me the concept of this question, there must be an answer. Unfortunately, hindi yata kayang gamayin nang tao ang wisdom na kagaya nito, kung meron mang sagot. Pero siguro, ginawa tayong tao para maiwasan ang complexities ng buhay. Tao ako, dapat ako mag-isip tao.

Maging masaya. Siguro. For the mean time, yun nalang muna ang gagawin ko.

6/12/09

Damnant quod non intelligunt

Kagabi, pumunta kami ni Maan sa Metrowalk to buy DVDs. Pinanuod ko kaagad pagkauwi sa bahay ang mga binili ko, Coraline at Horsemen, respectively, at na-realize kong merong similarity ang dalawa: tungkol sa mga batang hindi pinapansin ng mga magulang, and how they find ways to cope with it.






Coraline is originally a book by
Neil Gaiman na ginawang animated film. The Horsemen is based on the Four Horseman of the Apocalypse (kaya nga binili ko, mahilig ako sa mga gantong klaseng tema). I don't want to spoil it so I suggest na panuorin n'yo nalang, lalo na yung Coraline. Isa pa tinatamad akong mag-type, kagigising ko lang. Alas-kwatro na ng madaling araw ako nakatulog, tapos alas-ocho ng umaga ako nagising. OK lang. Friday naman eh. Yay!!!!








Ang masasabi ko lang:

We should not expect that everyone could understand us.


Happy Independence Day pala!

6/8/09

Madamot

Gourmet?

Sardinas lang yan. Ligo. Talagang bestfriend ko na ang sardinas, for better or for worse. Hehe. Hay. Lumalabas na naman pagiging frustrated food stylist ko. LOL.

Sana makabili na ako ng SLR ko this year. Malapit ko narin makuha ang backpay ko, sana malaki makuha ko para naman madali nalang ako makapag-ipon.

Minsan, pakiramdam ko napaka-selfish ko. Lagi nalang sarili ko iniitindi ko. Sarili kong kaligayahan. Samantalang yung mga kapatid ko sa bahay, hindi na magkaugaga kung san kukuha ng perang ipambabayad sa uniporme para sa school.

Sorry Lord. Babawi ako. Promise.


P.S. Para sa akin mas masarap ang lemon sa sardinas kesa kalamansi.

6/1/09

Random Thoughts: June

Hay.

First day ng June, malapit na talaga magpasukan uli. Umuulan-ulan ng umuwi ako, and as usual, sobrang gusto kong naglalakad sa ambon. Iba ang feeling, nakaka-relax. Napaka-lungkot ng feeling, pero I'm enjoying it. Ewan ko, weird ba? Lahat naman yata tayo may mga peculiarities.

Sobrang nahapo kaming lahat sa ginawa namin sa opis, knowing na first day palang ng work week. Na-stress kami masyado sa mga exams na kung hindi ko binagsak eh sobrang baba ng grado ko. Nakakahiya, lumabas na naman tuloy ang faux-inferiority complex ko.

Anyway, dahil sobrang sawa na ako sa lahat ng pwedeng inuming kape (mapa-black, with cream, cappuccino, mocha, latte, brewed) at tea (yellow peckoe, peppermint, cranberry/raspberry/strawberry, green) sa pantry, naisipan kong mag-imbento ng inumin para naman maiba. Naglagay ako ng isang teabag ng Peppermint sa isang tasa ng mainit na mocha. Parang Starbucks ang labas! Mocha na may mint, sarap! Try n'yo :D

Kelangan ko pa gumising ng maaga bukas para magbayad ng matrikula. Good night.

5/31/09

Define "Kadiri"

Eeeyyyewwwwww.... *kolehiyala-style*

Isang mapait na karanasan, pero pwede pang pumait kung nagkataon.

****************************************************************************************************************

Maulang Sabado iyon, inaasikaso ang enrolment ko sa school para sa nalalapit na pasukan. Galing na ako sa department namin, at sabi ng chairperson namin tignan ko raw sa ibang department kung meron silang ino-offer na gan'tong subjects since inalis na nga nila ang subject na iyon sa curriculum na bago. In short, I will have to cross-enrol sa ibang course. Cool.

Eh 'di lakad ako sa department na nag o-offer nun. Hindi ako nag e-expect na may tao sa office nila since Sabado nga naman. Nakakatakot nga ang school, kulang nalang eh multo para masabi mong haunted talaga yung lugar. So tambay ako sa bulletin board sa harap ng opis ng Mystery Department na 'to, tinignan ang mga schedule na naka-paskil kung meron ba akong pwedeng i-singit sa aking hectic na schedule.

Maya-maya, merong lumapit na matandang lalake, mukhang meron syang susi sa naka-padlock na pinto ng opisina. Tumingin s'ya sa'kin.

"Bag mo ba 'yan?" tinuro n'ya ang bag ko na nakalapag sa sahig, at binuksan ang pinto ng opisina ng Mystery Department.

"Yes sir." sagot ko habang pinapa-pawisan, nagpa-paypay ng cardboard na may advertisement ng cellphone.

"Bakit? Meron ka bang kelangan dito?"

"Tinitignan ko lang ho kung merong gantong subjects na ino-offer dito.." sabay pinakita ko sa kanya ang papel.

"O sige, tara sa loob."

So pasok kami sa opisina.

"Kluck--- click!," tunog ng doorknob at latch na ni-lock na pinto ni sir.

Napa-lunok ako, in-associate ko tuloy 'yun sa pagkulot-kulot ng boses n'ya habang kausap n'ya ako kanina. Pero syempre, think positive muna ako. Malay mo malambing lang talaga magsalita yung tao.

"Tignan mo dun sa mga papel dun, kung meron pang bakanteng sections na pwede kang mag-enrol."

Merong isang kwarto roon na may mga papel na nakalatag sa table. Tinignan ko. Mga subjects. Nakita ko ang subject na hinahanap ko. Unfortunately, nag-iisa na lang ang available at hindi swak sa schedule ko sa work.

Paalis na sana ako, nang lumapit si sir na may dalang papel.

"Eto yung curriculum."

Lumayo talaga ako sa kanya dahil sumasanggi na ang braso nya sa akin.

"Thank you po, pwedeng akin na lang ho 'to?"

"Sige." ibang klase na talaga ang tingin at ngiti ni manong.

Magpapaalam na sana ako, actually nasa pinto na ako at readyng-ready na i-unlock ang pinto, pero andami nyang tinatanong sa'king kung anu-anong mga bagay. "Bakit ka nag-stop? S'an ka nag-work? Anong work mo?" Blah blah blah. Hindi ako bastos sa matanda kaya sinasagot ko naman ng maayos ang sangkatutak na tanong nya, parang labas sa 'kin eh delaying tactics. Bulok na ho yan.

May biglang kumatok sa pinto.

Nag-iba ang mood ng manyakis.

"Iho paki-buksan nga." parang gusto ko sabihin, "I'll be more than happy to!"

Merong mga estudyanteng babaeng pumasok, may tinatanong tungkol sa uniform. Mukhang freshmen.

"Ah wala, hindi dumating yung nagsusukat." nagsusungit na sabi ng matanda.

Nagpaalam narin ako sa wakas. "Sir mauna na ako. Salamat po."

Parang gusto kong habulin si ate at i-treat sya sa Chowking sa sobrang saya ko sa Divine Intervention na iyon. Sobrang pinagpawisan ako. Palabas na 'ko ng impyernong iyon, biglang sabi nya:

"Pahinga ka muna dito o..." sabay turo sa upuan na nakatapat sa electric fan.

"Salamat nalang ho, nagmamadali narin ho kasi ako."

Nanay ko po, halos tumakbo na 'ko sa pag-alis.

5/27/09

Putres de Mayo

Wow.

Nae-excite na ako mag back-to-school. Bakit kaya? Eh halos wala na nga akong kakilala sa darating na school year. In fact, prof na doon ang isa kong classmate dati. So malaki ang chance na maging prof ko sya sa isa sa mga subjects ko hahaha.

Anyway, natapos na pala ang paghihirap ko sa pagiging returnee. Masaklap pa sa buhay ni Sisa ang dinanas ko sa pag-aasikaso ng bwakanangenang re-admission. Umaga palang, nasa school na ako (school's name is not mentioned to protect its employees, LOL), sabay hapon pa dumating yung mag i-interview. Sabay nung ako na yung kinakausap ng nagi-interview eh sobrang dami pa nyang pinagawa sa'kin, umabot tuloy ng alas-otso ng GABI. Well at least natapos ko. Thank you Lord!

Tapos sabay balitaan ba ako ng mga ka-opisina ko na may FINAL WARNING na daw ako sa work. Aba, ayos ha, dahil um-absent ako at may sakit kinabukasan! Huwow. Sobrang nainis ako at gusto ko nang maghanap ng ibang trabahong malilipatan. Iniisip kong mangapit-kumpanya (Thomson Reuters, LOL). Pano ba naman kasi, training palang, meron kagad ganun???

Pagkatapos kong mag-senti ng nag-uumapaw, sabi sakin ni Maan,



JOKE LANG.



Wahahahaha. 'Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Pero syempre natuwa ako. Ayus!!!

5/5/09

The Heaven that is the Cordilleras


Egad
. Kagagaling ko lang ng Sagada at Banaue and I should say, napakaganda ng lugar na 'yun. Sooooooooooper, as in undescribable. Kaming dalawa lang ni Jeric ang natuloy sa backpacking trip na 'to, but we really had a great time sa bulubundukin ng Cordillera. Yung girls, di sumama dahil may "bagyo" daw, yeah right. Tignan n'yo nalang ang sinag ng araw sa mga pictures dito kung umulan. Anyway. Dumating kami sa Victory Liner sa Cubao ng 1 AM, at sobrang nagulat ako sa dami nang taong aakyat ng Baguio (well, dapat prinesume na namin 'to dahil long weekend nga naman). Sabi sa'min, 5:00 AM pa raw yung pwede namin masakyan; so lipat kami sa kabilang station, may nakita kaming bus na walang ticket booth, tipong sa bus ka na magbabayad (I forgot the name of the bus line). We waited sa pila for a couple of hours, then 3:30 AM ay nakasakay na kami at last. Nakatulog sa bus, at pagkagising ay nasa Baguio na kami (wow, di namin napansin ang stop-overs hahahaha). Pagdating ng Baguio, taxi kami to Dangwa station and boarded a non-airconditioned bus (kung meron mang aircon bus, I recommend na sa ordinary nalang dahil mag-eenjoy ka ng sobra sa open-air na view ng mountains at super lamig ng hangin). Konting stop-overs sa mga major towns, kain, yosi of course to keep us warm and tuloy tuloy na to Sagada. Doon ko na-realize na sisiw pala ang long and winding road ng Baguio compared sa daan papuntang Sagada; halos wala nang mga harang ang bangin, hehehehe. Pagkadating namin ng Sagada, napa-wow talaga ako sa surroundings... lahat ng tignan mong view ay scenic.

Eto ang view sa likod ng tinuluyan naming bahay, around 6AM

Dumating kami ng Sagada around 4:30 PM, nag-stay sa Kanip-aw Pine Lodge (thanks kuya Wencel and Dorothy aka Domyang!) binisita namin ang Lemon Pie House na sobrang lapit lang (no sarcasm there, as in tatawid ka lang ng kalsada at onting lakad lang) para makatikim ng lemon pie at super sarap na lemon tea.

relax muna bago magpahinga

Kinabukasan, maaga kaming nagising para kumain ng breakfast sa Lemon Pie House (sarap ng sausage ha) at sumugod sa office ng SAGGAS (tour guides) para mag-inquire about the tours. Na-meet namin si Manong Jacob ('di ko alam ang native name n'ya) at nag-hire ng jeep para dalhin kami sa mga dapat namin puntahan. Dalawa lang ang pinuntahan naming major spots sa Sagada pero sobrang nakakapagod at saya. First destination: trekking to Bomod-Ok Falls.

welcome to Sagada

lovely landscape. meron silang mini rice terraces dito

konti nalang Jeric... kita na ang falls!

we're here at last. iced water ata meron dyan sa falls na yan, sobrang lamig

Sobrang haba ng nilakad namin. Puro pababa, pero nakakapagod paren knowing na sobrang layo ng nilakbay namin. You'll literally have to climb up and down the mountain. Inabutan kami ng lunch, kumain muna sa Salt and Pepper's ng sobrang laking manok (ayus pala serving ng food dito, pang mountaineers talaga). Then off to Sumaguing "Porn" caves to do spelunking. Isa pa 'tong sobrang sayang trip! Maliban nalang sa paghawak mo sa guano (bat shit) every now and then dahil kelangan mo talaga minsan gumapang sa bato.

pababa ng kweba

one of the most interesting finds, shell fossils (I'm assuming they are of marine origine) na naka-embed sa walls ng cave

basang basa at lamig na lamig, kaya may jacket paren hehe

paakyat!!

Sobrang nakakahingal ang caving. Buti nalang napaka-helpful at infomative ng guide namin. Galing mo sir Jacob! Dumidilim na kaya dumiretso na kami sa lodge para magpahinga at mag-dinner. Hindi na kami nakadaan ng Echo Valley para sa Hanging Coffins, oh well. Kinabukasan kasi aalis na kami ng maaga so baka next time nalang 'yun (sana nga may next time hehehe).

So 6 AM, punta kami sa terminal ng jeep sa kanto para sumakay ng byaheng Bontoc. 1 hour daw ang byahe. Pagdating sa Bontoc, we boarded the bus bound for Banaue. International ang old-school na bus na yun, kasama namin ay iba't ibang foreign backpackers. At kung walang binatbat ang long and winding road ng Baguio sa Sagada, panis silang lahat sa byaheng Banaue dahil one-way lang ang daan sa gilid ng bundok; sobrang nipis ng daanan with matching thick fog pa.

example ng daanan na binagtas namin from Bontoc to Banaue

stopover muna... parang eto ang bayan ng Silent Hill (wow hindi naman ako masyadong na-hook sa Silent Hill franchise no?)

Tumingin-tingin ako sa mga tao sa loob ng bus, parang, wala lang, habang yung bus na sinasakyan namin eh gumegewang-gewang sa daan dahil sa winding mountainside road. Buti nalang, hindi maulan, foggy lang; pero medyo madulas parin ang ibang daan dahil sa moisture. After prolly 8 hours, we're finally in Banaue. Whew!

UNESCO World Heritage Site Ifugao Rice Terraces

Ang ganda pala talaga ng Rice Terraces ng Ifugao. I was dumbfounded when I saw this scene. I fell in love with the Cordilleras. Babalik ako dito, promise. Marami pa akong na-miss sa Sagada!!!

4/11/09

Random Thoughts: April

At eto nga ang itsura ng hallway ng building na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Parang anytime eh mabubulok nalang ang walls, ceiling at floor neto at kakainin nalang ako ng buhay (Silent Hill style). Lalo na't Black Saturday ngayon; parang anytime eh may lalabas na maligno sa mga salamin. Ang masaklap pa, walang katao-tao sa buong building; parang ang floor lang namin ang may tao. Eerie, kasi walang background music, kaya lahat ng footsteps eh maririnig mo. Anyway, 4 days nalang at sweldo na! Yay!!!Anyway, my discovery of this pineapple is the highlight of my day. Kanina, nagyo-yosi at umiinom ako ng juice sa rooftop namin, naglalakad-lakad sa "little garden" ni mama at nakita ko ang pinya na 'to, seated on its glorious throne surrounded with spikey leaves. Maliit palang, mga 7 inches siguro. It's just surprising to see this lovely fruit in an urban neighborhood.

4/7/09

Like, I Suddenly Hate You

Your face
Like water seeping into the ground
Imbibed by my heart

Moments with you
Like cherry blossoms in autumn
Faded away so soon

Tears like rain
Gathered on sundews
Memories of you lingered

Like a pine
Tried to live happy during the winter
Cones are budding

You're back;
Like an ironwood tree so high
I suddenly hate you


- Haiku in Melancholia Humor, pallida Mors

3/30/09

March 30: The Feast Day of the Goddess Salus

8:57 AM.

Pupungas-pungas akong bumangon mula sa pagkakahiga kanina, inaantok pa ako.

Pa'no ba naman, eh alas tres ng madaling araw na ako nakatulog kanina, balak ko talagang magpuyat kanina para makatulog ako sa umaga, dahil may shift na naman ako mamayang gabi.

Pagka-on na pagka-on ko ng computer, nag-ring ang cellphone ko...

"Brother A to Z... Yo, what time is it... doo-doo-doo...."

Tumunog na ang ringtone ko na kanta ni Jason Mraz, "Geek in the Pink."

Landline number ang tumatawag sa'kin, ayaw ko sagutin.

Tapos biglang napa-mura ako: bulong ko sa sarili ko, tangina!!!!

Sabay pulot ng cellphone na nagba-vibrate sa mesa. Bzzzzzt. Pick me up, idiot
"Hello... may I talk to Resty? This is Diane from Capital IQ..."

PAKINAMSHET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pumasa ako!!!

At kinausap nga ako ni Miss Diane. Sinabihan tungkol sa job offer schedule at tinatanong kung magkano daw previous salary ko. Dang. Magkano kaya io-offer sa'kin? Excited na ako!

Pagkatapos ng tawag na 'yun, para akong kunehong umii-skip skip sa kwarto. Para akong tanga, kulang nalang magta-tumbling ako.

Ang saya saya ko.... thank you po Lord!!!!

Worry ko pa nga rin lang 'yung sa school. Sana makapag-enrol parin ako at makapag-aral despite the demands of the job.... 'Di bale. We'll burn the bridge when we get there. Hahahaha!

3/26/09

It's Backpay Time

Ang backpay. Bow.

Napakalupit ng tadhana... (yun o.. emo ka'gad? Dahil lang sa backpay?)

Pagkagaling na pagkagaling ko sa opisina galing shift, na as usual eh wala naman kaming ginawa kung hindi mag-surf sa Internet (hindi pa kasi ready ang mga credentials namin) buong shift, dumiretso nga ako sa dating kumpanya ko sa Makati para ayusin ang tumataginting na backpay. Pitong department ang dapat magpipirma sa aking clearance, at so far dalawa palang ang may pirma. Ilang araw na din ang lumipas, bakit nga ba hindi ko inasikaso yun noon pa, nung mga panahong wala pa akong trabaho? Siguro alam mo na ang sagot d'yan. Tinatamad ako. Hehe.

Masisisi mo ba ako? Kung ang opisina mo e napakalayo. 1 hour FX ride???? Tapos kung mamalasin ka pa eh mata-traffic ka pa sa mga traffic points: Lifehomes, Rosario, Bagong Ilog, C5-Kalayaan Intersection, Buendia, Ayala. Naalala ko tuloy yung one time na pauwi ako galing work: 8AM ang out ko, 11 PM na ako nakauwi! Iritang irita ako sa trapik na yan. Eh pawisin pa naman ako, so kahit aircon ang FX, walang sinabi sa sinag ni Haring Araw lalo na pag pa-tanghali na.

Going back to the story... dumating ako sa office ng 7 AM. Saktong paalis na rin ang mga ex-officemates ko. Konting kwento-kwento at yosi muna sa labas bago ako umakyat at asikasuhin ang clearance. At pagpanhik ko nga, matapos ang diskusyunan with my former supervisor, sabi n'ya unfortunately walang pipirma sa oras na yun. Pffft!!!!! Kasi daw iba-iba ang shift nila. Wooooooooooooooooooow. Bwisit! Resigned na nga ako bibigyan pa nila ako ng problema sa backpay na yan. Bakit naman sa ibang company wala nang ganyan eche-bureche. Isosoli mo lang mga gamit nila, hintay ng ilang buwan bago i-release ang pera. Eh dito, isang buwan mo nga lang hihintayin eh magpapa-balik-balik ka naman para hanapin 'yung mga taong dapat pipirma. Maiintindihan ko kung nag-aasikaso ako ng papeles para bumalik sa pag-aaral eh (mas madali pa nga 'yung sa PUP). Eh ito, sakit ng ulo!!!! Pwede ba!!!

Nakakainis.

Wala na akong pera eh..... huhuhuhuhu

3/25/09

Welcome to Silent Hill. Enjoy your stay.

At ayun nga.

Nag-start na ako sa Crappy Company, 2nd day ko kanina to date. So far, so so-so (wow that's accidental wordplay). Sa totoo lang, since medyo marami-rami naring centers ang napuntahan ko, so far this is the worst aesthetically; pantry is like a stock room, the production floor is cluttered, the computer's productivity suite (e.g. word processor, spreadsheet, etc) is, err, cheap (actually download-able sa Internet for free), the CR reminds me of Silent Hill, yung elevator parang babagsak anytime, the list goes on. Pero on the brighter side... sobrang petiks ng trabaho dito. 'Di namin nararamdamang nagte-training kami, pa'no iniiwan lang kami ng mentor namin sa stations para magbasa ng online resources. So ano pa nga bang pwedeng gawin 'pag bored na? Internet! Ang Internet dito ay open, walang naka-block. Legal ang Yahoo Messenger dahil 'yun ang communication platform among the employees... so nakakausap ko pa ang mga tao sa labas. Pero may mga activities rin namang pinapagawa sa amin para meron naman kaming idea kung ano talaga ang ginagawa ng mga binabayaran dito. Hehe.

Nae-excite na ako sa results ng exam ko sa Capital IQ. Sana pumasa ako, hehe.

At heto na naman ako sa dilemma ng career ko. Feeling ko, makakapag-enrol nga ako sa school, pero dahil sa stress, mapapasukan ko pa kaya ang mga subjects ko? This April ko na makukuha ang transcript ko.

Sana naman wala akong pagpilian. God, give me a sign please.

3/19/09

Of Interviews and Isaws

Oh Lord patawarin n'yo ako.

Kasa-sign ko lang ng contract sa isang kumpanyang wala naman talaga akong balak karirin. Itago nalang natin siya sa pangalang... uhmm... Crappy Company. Kelangan ko ba mag-explain? Pero kahit the name suggests its office's look, OK naman ang offer sa'kin. Aba, di hamak na mas malaki ang sweldo kumpara sa dating kumpanya ko bago ako napunta sa pinakahuling company na pinasukan ko. Ang gulo no? OK lang, wala naman talaga akong balak i-explain eh. Knowing na hindi ka na makikipag-usap sa mga Kano this time, pero maganda ang pasahod.

'Yun na nga. Crappy Company is located in... one of the business hubs in Manila. The building that houses it looks crappy unsurprisingly, hence the companies inside it. Medyo infamous na nga ang building na 'to sa mga call center people, kesyo nandito daw ang mga bogus na outbound campaigns na mahilig mang-scam. Pero ewan ko. Natakot ako sa elevator, medyo luma na ata, o siguro paranoid lang ako kasi madalas mag-isa lang ako sa loob, kaya naririnig kong "nagrereklamo" na ang mga makinarya. Tapos pagdating sa office mismo, hindi naman sa pangmamaliit, pero sobrang liit din kasi ng opisina. Nandun na ang lahat, sa isang unit; take note, isang unit: production floor, HR, reception. Habang naghihintay sa interview, nakikita mo trabaho ng mga agents.

Pero ang masaya dito ay napaka-laid back ng culture. Lantarang pagi-install ng Yahoo Messenger, kainan sa floor, walang headset, at mababait ang tao.

Pero sa tingin ko hindi rin ako magtatagal dito... pero who knows? Sa Sabado kasi exam ko sa transcriptionist job na gusto ko (pero sa May pa ang start ng training). Kapag pumasa ako sa exam at na-schedule na ako for the training, buh-bye Crappy Company.

Ang sarap ng feeling ng pumapasa sa trabaho. Nakakalaki ng ego. Hahaha yak, ego-trip. Kaya pag-uwi ko, I treated myself sa kanto ng Lifehomes.... Wheels!! Sarap!!


Tapos bumili ako ng Lucky Me! Pansit Canton Sweet and Spicy, itlog, Cheesecake ng Lemon Square at C2 Apple. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay (around 3 AM na siguro), nilagay ko na sa saucepan na may tubig ang itlog at binuksan ang pakete ng pansit Canton only to find out na walang gas. Arrrrgggghhh!!!

Si Lord talaga. Punishing Teng one karma at a time.

Ang aga naman! :(

3/10/09

Natty, Nick, Ako

Hay.

Dalawang araw na akong may tinik sa lalamunan. Hep, hindi po 'yun figure of speech, literal ang ibig kong sabihin. Pagkatapos ko lapain yung isdang kulay blue ang tinik. Sabi ko pa, wow, ang weird neto ha, tapos lunok lang ata ako ng lunok. Parang siraulo.

Yung isda lang at gulay na sahog ang kinain ko nung araw na 'yun; pano, feeling ko tumataba na ako kaya low-carb diet muna. Hiwa-hiwa na yung isda sa "pansigang cuts" kaya 'di ko nakita kung ano talaga itsura ng isdang may kasalanan kung bakit ako natinik (wow, sinisi ang isda). Nagtataka nga rin ako, bakit yung ulo ng isda wala dun? Nai-imagine ko tuloy, baka angler fish na 'tong kinakain ko.Shete. Ini-imagine ko nalang na nasa plato ko yang halimaw na 'yan, parang gusto ko nalang maging vegetarian.


Anyway, dahil masyado akong curious, tinanong ko si Mama.

"Ma, anong isda 'to? Sarap ha..."

"Ah, ano 'yan, yung... ano..."

"???? Hindi ba 'to 'yung isda na nakakalason yung buntot?," I asked na pa-biro.

"Hindi ah..."

Wala rin akong nakuhang sagot. Lumalim tuloy ang suspicion ko na panget ang itsura ng isdang 'to. Pero ano nga bang sabi ng mga desperado, "OK lang na panget, basta masarap." Hahahaha...

Nakarami rin ako ng isda. Masarap kasi talaga ang laman, soft and creamy. Entertaining pa, kasi nga blue-boned. Hanggang sa uminom ako ng tubig, na parang may little surges of pain sa lalamunan ko. Wow. Natinik ako.

Walang saging. Mansanas nalang. Onting nguya lang, nilulunok ko na, para sana sumama 'yung hinayupak na tinik. Naubos ko na ang apple nandyan parin ang tinik. Nag-try akong sungkitin ang lalamunan ko pero nakakasuka. Ayoko naman i-suka yung pagkain ko, sayang. Ano ako, bulimic? Aba, nice idea ha... joke.

Ilang beses ko na tina-try i-wash sa pag-inom ng maraming liquid, wala talaga. Lumunok ako ng marshmallows na buo, ayaw parin. Sana matunaw nalang ng enzymes ng laway ko ang tinik na 'yan.

Try ko kaya kumain ng siopao? May pusa naman 'yun diba? Hehehehe.... Corny.

Akalain mo nga namang sampung araw na akong bum. Of course, I'm not proud. Pero masaya pala ah? Hehehe. Walang iniisip para bukas or mamaya. Wala. Wala ring pera. Sana makuha ko na yung backpay ko. Good luck, 'di ko pa inaasikaso ang clearance ko.

May nakita na akong bagong work, transcriptionist nga. Walang kwenta 'yung in-applyan ko last time, fly-by-night ata. Walang sumasagot sa tawag ko, buti nalang 'di ko tinuloy. Anyway, this new job is located in Ortigas, dun sa building na pinagtrabahuhan ko back when I was still with Telus (which is then known as Ambergris Solutions). Capital IQ ang name ng company, transcriptionist ang nature ng work pero gamit mo parin ang boses mo sa pagta-type. Meaning, magsasalita ka tapos mare-recognize ng software ang boses mo at magta-type sa screen. Wow, high-tech. Voice parin, pero at least wala ng irate at stupid callers. Sa May 11 pa ang training... hahaha... hindi ako pwede maghintay ng ganun katagal. Kelangan ko na magkaroon ng temporary work na pwede pagkakitaan bago ko pasukan 'yun. Teka, ang feeling ko naman, eh sa March 21 pa ang exam ko dun. Hehe. Pero at least tapos na ako sa dalawang katakot-takot na interview, luckily, pumasa naman ako. Thank you Lord!

Lord, pakialis naman 'tong tinik o, please?