6/18/09

Agnostic

Maaga akong nagising ngayon dahil kelangan ko uli pumunta uli sa school uli para mailipat sa Saturday yung isang subject ko dahil male-late talaga ako sa trabaho. Peste, nanggaling na ako dun kahapon pero walang nangyari; alas-ocho palang, nakapila na ako.

Makalipas ang dalawang oras, guess what? Nakapila parin ako. Shiyet. Para kaming timang dun, na naghihintay sa wala. Nalaman na lang namin na sira daw yung makina na ginagamit pang-validate. WTF??? Pagkatapos ko pumila ng pagkatagal-tagal, ayun, umalis din ako dahil may pasok pa ako sa trabaho ng alas-onse.

Sinubukan kong mag-tren. Sumakay ako sa Pureza ng LRT II, bumaba ng Cubao; takte, mahaba pala ang pila sa bilihan ng magnetic card. Bumaba sa Ortigas station at saka ko na-realize na ang haba pala ng lalakarin ko. Knowing na male-late na talaga ako, dumaan muna ako sa Megamall para bumili ng pagkain, gutom na gutom ako dahil sa letseng school na yan. Buena mano yata ako sa Go Nuts Donuts. Badtrip. Wala na ngang nangyari sa lakad ko, late pa ako.

Moving on.

Minsan, meron na naman akong mga bagay na pinag-iisipan na, ika nga nila, nakakaloko daw. Heto na naman ako, naghihintay na maluto ang ipambabaon ko for lunch, nag-iisip kung ano ba ang silbi ng lahat ng nangyayari sa atin ngayon. Bakit kailangan ko magtrabaho? Bakit kailangan ko suportahan ang pamilya ko? Bakit kailangan ko grumadweyt? Bakit kailangan ko maging mabuting anak? Bakit kailangan kong magkapera? Bakit kelangan ko kumain? Bakit kelangan ko mabuhay? At doon, sa huli, madalas tumitigil ang tanong. Hindi uubra sa akin ang sagot na: "dahil ikaw ang sasagip kay..." o kaya "dahil meron kang gaganaping papel sa buhay ni.." dahil itatanong ko rin kung bakit kailangan ko sagipin ang buhay n'ya o bakit kailangan kong pumapel sa buhay nitong taong 'to, kung alam ko namang sa huli eh lahat tayo mamatay; mawawalan ng saysay ang lahat ng binaon nating dunong sa utak o kaya kinain nating pagkarami-rami, dahil hindi na gagana ang lahat ng bahagi ng katawan natin kapag dedo na tayo.

Hindi ko alam kung anong mga kasagutan dito. Baka nga mali lang ang tanong ko. Pero hindi eh; if God imparted me the concept of this question, there must be an answer. Unfortunately, hindi yata kayang gamayin nang tao ang wisdom na kagaya nito, kung meron mang sagot. Pero siguro, ginawa tayong tao para maiwasan ang complexities ng buhay. Tao ako, dapat ako mag-isip tao.

Maging masaya. Siguro. For the mean time, yun nalang muna ang gagawin ko.

No comments:

Post a Comment