Egad. Kagagaling ko lang ng Sagada at Banaue and I should say, napakaganda ng lugar na 'yun. Sooooooooooper, as in undescribable. Kaming dalawa lang ni Jeric ang natuloy sa backpacking trip na 'to, but we really had a great time sa bulubundukin ng Cordillera. Yung girls, di sumama dahil may "bagyo" daw, yeah right. Tignan n'yo nalang ang sinag ng araw sa mga pictures dito kung umulan. Anyway. Dumating kami sa Victory Liner sa Cubao ng 1 AM, at sobrang nagulat ako sa dami nang taong aakyat ng Baguio (well, dapat prinesume na namin 'to dahil long weekend nga naman). Sabi sa'min, 5:00 AM pa raw yung pwede namin masakyan; so lipat kami sa kabilang station, may nakita kaming bus na walang ticket booth, tipong sa bus ka na magbabayad (I forgot the name of the bus line). We waited sa pila for a couple of hours, then 3:30 AM ay nakasakay na kami at last. Nakatulog sa bus, at pagkagising ay nasa Baguio na kami (wow, di namin napansin ang stop-overs hahahaha). Pagdating ng Baguio, taxi kami to Dangwa station and boarded a non-airconditioned bus (kung meron mang aircon bus, I recommend na sa ordinary nalang dahil mag-eenjoy ka ng sobra sa open-air na view ng mountains at super lamig ng hangin). Konting stop-overs sa mga major towns, kain, yosi of course to keep us warm and tuloy tuloy na to Sagada. Doon ko na-realize na sisiw pala ang long and winding road ng Baguio compared sa daan papuntang Sagada; halos wala nang mga harang ang bangin, hehehehe. Pagkadating namin ng Sagada, napa-wow talaga ako sa surroundings... lahat ng tignan mong view ay scenic.
Eto ang view sa likod ng tinuluyan naming bahay, around 6AM
relax muna bago magpahinga
Kinabukasan, maaga kaming nagising para kumain ng breakfast sa Lemon Pie House (sarap ng sausage ha) at sumugod sa office ng SAGGAS (tour guides) para mag-inquire about the tours. Na-meet namin si Manong Jacob ('di ko alam ang native name n'ya) at nag-hire ng jeep para dalhin kami sa mga dapat namin puntahan. Dalawa lang ang pinuntahan naming major spots sa Sagada pero sobrang nakakapagod at saya. First destination: trekking to Bomod-Ok Falls.
Sobrang haba ng nilakad namin. Puro pababa, pero nakakapagod paren knowing na sobrang layo ng nilakbay namin. You'll literally have to climb up and down the mountain. Inabutan kami ng lunch, kumain muna sa Salt and Pepper's ng sobrang laking manok (ayus pala serving ng food dito, pang mountaineers talaga). Then off to Sumaguing "Porn" caves to do spelunking. Isa pa 'tong sobrang sayang trip! Maliban nalang sa paghawak mo sa guano (bat shit) every now and then dahil kelangan mo talaga minsan gumapang sa bato.
Dumating kami ng Sagada around 4:30 PM, nag-stay sa Kanip-aw Pine Lodge (thanks kuya Wencel and Dorothy aka Domyang!) binisita namin ang Lemon Pie House na sobrang lapit lang (no sarcasm there, as in tatawid ka lang ng kalsada at onting lakad lang) para makatikim ng lemon pie at super sarap na lemon tea.
relax muna bago magpahinga
Kinabukasan, maaga kaming nagising para kumain ng breakfast sa Lemon Pie House (sarap ng sausage ha) at sumugod sa office ng SAGGAS (tour guides) para mag-inquire about the tours. Na-meet namin si Manong Jacob ('di ko alam ang native name n'ya) at nag-hire ng jeep para dalhin kami sa mga dapat namin puntahan. Dalawa lang ang pinuntahan naming major spots sa Sagada pero sobrang nakakapagod at saya. First destination: trekking to Bomod-Ok Falls.
konti nalang Jeric... kita na ang falls!
we're here at last. iced water ata meron dyan sa falls na yan, sobrang lamig
we're here at last. iced water ata meron dyan sa falls na yan, sobrang lamig
Sobrang haba ng nilakad namin. Puro pababa, pero nakakapagod paren knowing na sobrang layo ng nilakbay namin. You'll literally have to climb up and down the mountain. Inabutan kami ng lunch, kumain muna sa Salt and Pepper's ng sobrang laking manok (ayus pala serving ng food dito, pang mountaineers talaga). Then off to Sumaguing "Porn" caves to do spelunking. Isa pa 'tong sobrang sayang trip! Maliban nalang sa paghawak mo sa guano (bat shit) every now and then dahil kelangan mo talaga minsan gumapang sa bato.
one of the most interesting finds, shell fossils (I'm assuming they are of marine origine) na naka-embed sa walls ng cave
basang basa at lamig na lamig, kaya may jacket paren hehe
paakyat!!
basang basa at lamig na lamig, kaya may jacket paren hehe
paakyat!!
Sobrang nakakahingal ang caving. Buti nalang napaka-helpful at infomative ng guide namin. Galing mo sir Jacob! Dumidilim na kaya dumiretso na kami sa lodge para magpahinga at mag-dinner. Hindi na kami nakadaan ng Echo Valley para sa Hanging Coffins, oh well. Kinabukasan kasi aalis na kami ng maaga so baka next time nalang 'yun (sana nga may next time hehehe).
So 6 AM, punta kami sa terminal ng jeep sa kanto para sumakay ng byaheng Bontoc. 1 hour daw ang byahe. Pagdating sa Bontoc, we boarded the bus bound for Banaue. International ang old-school na bus na yun, kasama namin ay iba't ibang foreign backpackers. At kung walang binatbat ang long and winding road ng Baguio sa Sagada, panis silang lahat sa byaheng Banaue dahil one-way lang ang daan sa gilid ng bundok; sobrang nipis ng daanan with matching thick fog pa.

stopover muna... parang eto ang bayan ng Silent Hill (wow hindi naman ako masyadong na-hook sa Silent Hill franchise no?)
Tumingin-tingin ako sa mga tao sa loob ng bus, parang, wala lang, habang yung bus na sinasakyan namin eh gumegewang-gewang sa daan dahil sa winding mountainside road. Buti nalang, hindi maulan, foggy lang; pero medyo madulas parin ang ibang daan dahil sa moisture. After prolly 8 hours, we're finally in Banaue. Whew!
UNESCO World Heritage Site Ifugao Rice TerracesAng ganda pala talaga ng Rice Terraces ng Ifugao. I was dumbfounded when I saw this scene. I fell in love with the Cordilleras. Babalik ako dito, promise. Marami pa akong na-miss sa Sagada!!!
No comments:
Post a Comment