Sobrang daming nangyari nung mga nakaraang araw-- merong masaya, meron ding malungkot, meron ding mga pangyayaring hindi ko alam kung paano bigyan ng reaksyon.
Hindi ko makakalimutan ang bagyong Ondoy dahil ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko ang katakot-takot na baha sa kanto ng Lifehomes-- well, lagpas tao lang naman. Pero sa street mismo namin, wala namang baha. Kaso walang kuryente, walang signal ang mga mobile networks at wala ring dial tone ang telepono. Siguro masasabi ko naring maswerte na rin kami kumpara sa mga taong nagpalipas ng gabi sa mga bubungan ng bahay nila-- nilalamig, basa at gutom-- para lang hindi anurin ng delubyong gawa ng bente-kwatro oras na ulan.
Lumipas rin ang birthday ko na parang wala namang nangyari. Hindi ko naramdaman, actually. Maraming taong bumati, siguro nga sapat narin yun-- pero hindi ako nag-celebrate. Or-- hindi pa, pwede namang i-postpone muna, tutal eh may krisis pa naman. Hindi na ata ako sanay na hindi nagse-celebrate, dahil tradisyon ko na ang magkaroon ng maliit na get-together tuwing birthday ko.
Kelan lang din, our high school directress passed away. Maraming nalungkot dahil mahal namin ang aming directress na si Mrs. Brown kahit na uma-umaga kaming sine-sermunan noong high school pa kami. Pumunta kaming magkaka-klase sa wake niya kagabi sa Christ the King para makita sana siya kahit sa huling mga sandali, pero nakasara ang casket niya. Nalungkot talaga ako, dahil hindi na na namin alam kung ano na ang itsura ng Immaculada ngayong wala na si Mrs. Brown-- it will never be the same again.
Marami-rami narin pala akong na-invest para sa camera ko, although mumurahin lang naman... nakabili na ako ng flower lens hood at filter. Isusunod ko nalang yung mga lente, tripod, ilaw at flash. Tapos binigyan ako ng camera bag ni Jas (officemate ko na 16 years nang nagshu-shoot), sobrang thankful ako-- tutal hindi naman daw niya nagagamit, birthday gift n'ya nalang raw sa'kin. Thank you Jas! At sa lahat ng taong bumati sa akin nung birthday ko, salamat po ng marami!
No comments:
Post a Comment