12/30/08

The Devil is Always On Your Side When You Need Him

Masasabi ko nga na minsan talaga, matigas ulo ko.

Bago pa ako pumasok sa office, alam kong hindi na maganda nararamdaman ko. Sinisinat ako pagka-gising ko. Pano meron na naman akong ubo't sipon, ewan ko ba bakit napaka-hina ng resistensya ko. Makapag-vitamins nga.

Anyway, 'yun nga, pasok ako, masaya kasi mukhang tahimik ngayon, walang nagko-calls (tahimik ang floor kahit na marami nang ahente). Sabi ko, "wow, avail yata(avail, para sa mga 'di nakaka-intindi ng call center lingo, ibig sabihin e walang masyadong tumatawag)." Aba'y pucha pagka-log-in namin ng 10:30PM, biglang umingay!!! Wow, what a year-ender.

Maya-maya, mga 2 hours na nakakaraan, namamaos na 'ko. Taena naman. Pero konting tiis nalang, restday mo narin naman bukas. Hanggang nawala nga boses ko dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga Kano. Nag-message nga ako sa supervisor namin.

"Boss, pwede ba ako magpahinga?"

"OK, aux 1 (aux is a phone status para pansamantala kang titigil sa pagko-calls)"

"Punta ako clinic?"

"Oo. Hindi ka naman basta-basta pwedeng magpahinga."

OK. Sige, akyat sa clinic. Si Miss Nurse may pasyente. Pinaupo muna ako, and after a few minutes, in-attend-an na n'ya ako. Sinabi ko nga sakit ko.

"OK sir, tongue out"

......
....
...

"Sir, namamaga 'yung tonsils mo..."

Patay. Taena naman talaga.

"Ha? Eh parang 2 weeks ago lang meron akong pharyngitis.."

"Ganun talaga sir, lalo na pag may history ka na n'yan. Pwede ma-trigger anytime. Buti 'di ka pa pinapa-tonsillectomy?"

Tonsillectomy, what an odious word.

"'Yun nga rin sabi sakin ng mga doctor. 5th incident in the same year daw dapat ipaalis na 'yung
tonsils. Pero..."

"Oo nga eh. Pero pa-second opinion ka rin. Meron din kasing isang agent na nagpa-opera pero ganun parin, bumabalik pa rin yung throat problem. Gargle ka muna na nito tapos i-candy mo 'to (sabay abot ng Bactidol at Deflam)."

Ayun. Voice rest daw muna ako. Oh god, for friggin' 15 minutes lang? Would that really help?
Bawal daw matatamis, maaasim, maaalat at ma-mantika. Ano nalang natira sa'kin para kainin 'di ba?

Tapos balik sa pagko-calls. Nung lunchbreak, 'di ako kumain, natulog lang ako sa station.

Tuluyan na nga akong nilagnat, pero 'di ko nalang in-apila sa boss. Kasi baka sabihin nag-iinarte lang ako.

Pagod na pagod na ako nung umuwi. Buti nalang, restday na. At in fairness, wala kaming pasok ng New Year. Happy New Year guys.

'Yun nga pag-uwi, gutom na ako, buti nalang may pagkain.

.....Wow. Tuyo, sunny-side up at longanisa. Maalat, mamantika at matamis. Tapos 'yung sawsawan pa ng tuyo na maasim. Wow. Wow na wow.

Eh gutom ako eh...

Bakit ba andaling sumira pero ang hirap gumawa?

12/29/08

Biohazard: My Hero

When we were just little kids, we wanted to create our own superheroes. 'Yung tipong kakaiba, with a unique set of superhuman abilities. When I was browsing the net, I bumped into this website where you can fulfill your childhood dream of creating your own superhero... The Hero Machine! Here's my golem:
Originally, his name is Toxin, pero parang meron na yatang character sa Marvel Universe na ganun ang pangalan... so I changed it into Biohazard (see the text behind his name?)... pero eventually I learned na meron naring isa pang comic book character (Marvel din ata) na ganun ang panagalan.. Arrgghh!! I'll go with this name, anyway 'di ko naman ipa-publish eh.

PROFILE:
Real Name: Johnny Murcielago
Superhero Name: BIOHAZARD
Birthplace: Iloilo, Philippines
Age: 25
Height: 5'8"
Weight: 150 lbs
Abilities: manipulates biological hazard

Johnny Murcielago is an intelligent son of a wealthy couple living in a town called "Oton" in the Western Visayas. He studied Microbiology in a local but prestigious university in Manila, and eventually worked for Department of Environment and Natural Resources as a zoographer. Displaying exceptional expertise in his field, he was hired by a top-secret and elite physics lab in the Philippines to partake in a project called "Project Afra Mors," developing a bioweapon with the help of some Russian scientists.

Johnny was sent to a cave exploration in Africa to extract a sample of a unique strain of virus belonging to the Biohazard Level 4. After several days of working in a cave experimenting on tragloxenes, he was quarantined and was diagnosed to be infected by a strange illness despite exercising extreme protection, leaving him bed-ridden for weeks...


...Whew! It's so hard coming up with a made-up story! Bahala na kayong dumugtong sa susunod na nangyari... para kasing napaka-stereotypical naman eh.


Cheers!

12/28/08

Fiat Color: Let there be Color

Nakaka-addict pala ang Adobe Photoshop. Isa sa mga pinagkaka-abalahan ko kapag nasa tapat ako ng computer, pero recent lang naman 'to. Dati, nagre-rely ako sa mga website na naka-template na ang effect, kaya parang hindi naman polished ang detalye (like the image on the banner of my Blogspot page). There's a lot of websites offering free tutorials to manipulate your photos and turn a boring portrait to a colorful/dramatic one. Here are my sample works:


This is actually an unfinished work (obvious ba?). Nahirapan ako i-define yung colors kasi 'di ko pa naman kina-career. Hehehe..




Experimented with Ryza's photo, with the Sparkle Trail.



My teammates way back when I was still with Teletech... used the black & white background to enhance the subjects.



This one's kind of shabby though... tried putting the photo on a studio background but it seems pretty obvious na embedded lang, dahil din kasi sa lighting ng subjects eh hindi nagma-match sa background, so I soften the photos a bit. Hi Chantal, sorry ginamit ko picture natin. :)




Eto pa isang nakakatuwang picture. Kung totoong nagsno-snow n'yan, si Pau lang siguro nabuhay sa'min (the guy with the hooded jacket) dahil lahat kami naka-T-shirt lang hehehe. Sa McDo pala 'yan sa Eastwood.


This one's what I love best... the Pop Art style photo. Naka-primary photo pa nga sa Friendster ko 'to eh.


If you want to try out your Photoshop prowess, try going to Photoshop Essentials.com, madali lang intindihin ang instructions na kahit gaano ka pa ka-noob sa gan'to eh makaka-sunod ka.

Goodluck!

12/27/08

What's In My Bag This Year

Marami akong New Year's Resolution. Isa na dun ang pagtigil sa yosi at pagbabawas ng alcohol intake. Gusto ko naring maging organized ang buhay ko ngayong taon, dahil naging masyado akong naging heedless this year. Piniktyuran ko laman ng bag ko, eto 'yung mga tipong mahirap mawala sa loob...

Wow. Cool pala tignan pag nakakalat ang gamit sa labas. Hehehe. Mukhang susyal.

1. BAG. Messenger bag na bigay sa akin ng napaka-espesyal na kaibigan nung Christmas. Naawa yata sa'kin kasi wala daw akong matinong bag (I'm used to carrying around my humongous backpack). Hindi ko na tinanong yung presyo, pero tinignan ko sa botique, napamura ako sabay "Thank You." Hahaha.

2. PLANNER. Wow, saucy, Starbucks. Oo saucy talaga. Wala pang 2009 meron na sa bag (pero yung last year's talaga yung nasa bag ko, panget lang kasi pag 'yun nilagay ko hahaha). But it doesn't mean na madalas akong bumibili ng kape dun dahil bigay lang din sa'kin 'to as a Christmas gift, hahahaha. Etong ngayon, bigay sa akin ng kaibigan kong si Jeric (na laging nasa Starbucks dahil dun nag-aaral) kasi dalawa na daw ganun n'ya. Actually hinarbat ko lang 'to sa kanya, 'di na s'ya pumalag, buti nga hindi n'ya binenta sa 'kin, ang alam ko kasi pwede mo rin i-benta ng isang libo 'yun (OA ata ako). Last year naman kasi produkto ng pang-uuto sa mga kaibigan ko na gamitin 'yung card ko para malagyan ng stickers hahahaha. Hampas-lupa.

3. PSP CASE. Parang malaking lalagyan ng antipara, at nilagyan ko pa talaga ng chamois sa loob para may panlinis. Feeling ko wala ring kwenta 'to eh, puro gasgas na PSP ko, pero overused lang talaga siguro.

4. PSP. Magtaka ka kung may PSP case ako pero wala talaga akong PSP, hahaha. Eto isa sa mga kaibigan ko lalo na kung kailangan kong maghintay. Hindi mawawala ang Tekken d'yan. Hahahaha. Palpak nga lang Memory Stick, madalas nako-corrupt. From Dragon Lord lagi tuloy akong bumabalik sa 9th Kyu (oo na, alam ko hanggang Dragon Lord lang kaya kong rank). Humanda sa'kin 'yung nagbenta sa'kin sa Greenhills, sabi n'ya naman lifetime daw warranty nun.

5. WALLET. Eto ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa'kin. Mawala na lahat ng mga 'yan (pero 'wag naman sana) wag lang ang wallet kong 'to. Canvas lang yan na mumurahin, in-arbor ko pa kay Royce at ilang taon ko narin gamit. It houses my treasures: resibo, discount coupons, ID pictures, school and company IDs, cards tulad ng ATM, Timezone, WOF, Powerstation, Laking National, health card, library card, et cetera at syempre my filthy lucre.

6. CELLPHONE. Sino bang walang cellphone ngayon? Ewan ko ha, pero napaka-halaga ng cellphone para sa'kin, hindi ka kasi updated pag wala kang nito. Hindi na ata ako magugulat pag may pinanganak na may cellphone na naka-attach sa kamay n'ya, yung tipong may blood vessels at nerves papuntang utak mo 'yung wires (wow Sci-Fi). Pag may cellphone ka kasi +1 sa lahat ng stats mo. Meron pang isang time na baliw na baliw ako sa cellphone ko na nag-risk pa talaga akong mawala ang warranty mai-alter lang ang mga default icons, fonts and capabilities. Parang tanga.

7. THUMB DRIVE. Marami silang tawag dito eh: USB, flash disk, flash drive. Simpleng thumb drive na binili ko sa CD-R King, pero bakit ako may ganto? Haha. Laman lang nito eh mga back-up na installer, ISO (para sa PSP ko) at résumé para ready-to-print na pag may ibang trabahong gusto pag-apply-an bwahahahaha (evil laugh).

8. BALLPEN. May planner ka nga, wala ka namang ballpen. Anong pansusulat mo, laway? Hehe. Minsan din pag may mga moments na furor scribendi, yung tipong gusto mo lang magsulat tungkol sa kung ano-anong bagay (parang pen-and-paper version nitong blog).


Hindi pala ako mahilig sa black 'no... pansin n'yo ba?

Ah, Pasko. Ano 'yun?

Wow, katatapos lang ng Christmas. Parang, "ay, nag-Christmas pala, parang 'di ko naman napansin?" Hehehe. Well, totoo naman eh. Habang tumatanda tayo, nawawalan na ng thrill ang Christmas, 'yun ang experience ko d'yan. Siguro dahil habang tumatagal eh naghihirap na ang buhay? O dahil habang tumatagal eh hindi na exciting kasi wala ka nang mare-receive na regalo, ikaw pa kamo magreregalo. Feeling ko, pambata lang talaga ang Christmas. Tignan mo ako, nag-celebrate ng Christmas sa office. Wow na wow talaga. First time ko nag-Pasko na wala sa bahay, tapos hindi pa gaano ka-petiks dahil walang pahinga sa kai-Internet mga Kano. Well, ganun talaga. Pero ayos naman eh, nakakain kami ng libre at nakapag-exchange gifts pa kami. Pero iba parin ang nasa bahay pag Pasko, kano man ka-boring.

Se-celebrate-celebrate tayo ng Christmas, eh parang wala naman tayong pakialam sa celebrant. Oo, birthday daw ni Jesus. Karamihan sa'tin, ang alam lang eh uminom at magpaka-bochog tuwing Pasko.

Alam n'yo ba na dati sa ancient Rome, meron silang festival tuwing December na tinatawag na Saturnalia at Sol Invictus?

Saturnalia is a feast to honor the Roman god Saturn, the god of agriculture. Sine-celebrate nila ito starting December 17 onwards. At dahil harvest-god si Saturn, foodtrip ang mga paganong Romano. Meron din silang gift-giving at special markets, na parang Pasko. May speculations nga na dito nalang sinet ng mga early Christians ang Christmas season para daw maka-adapt kagad ang mga pagano tutal 'di naman daw talaga alam ang eksaktong araw na pinanganak si Jesus. Parang hindi naman daw kasi December talaga, pano malamig daw sa Jerusalem tuwing ganung panahon, maulan at posibleng nagsn-snow pa, tapos swaddling clothes lang ang binalot kay baby Jesus? Sa bagay may powers naman si Jesus hehehe...

Pero most apt daw ang Pasko sa December 25, kung kelan ino-observe nila ang Sol Invictus or Unconquerable Sun. Eh madalas pa namang ina-allude kay Jesus ang araw.

O diba para tayong mga Romano pag nag-celebrate ng Christmas?

Actually marami pang paganic influence ang Pasko eh. Ang Christmas Tree, Santa Claus, Yule log, etc., may roots from several non-Christian traditions. Pero hindi na-importante 'yun. Ang mahalaga, dapat alam natin kung bakit natin sine-celebrate ang isang holiday.

Wow, nagsalita ang nagsimba nung Pasko! Hahahaha.

Smile!






...
Yuck, bakit parang ang nerd ko.