3/24/14

Testing

Nag-download ako ng Blogger importer app sa aking smartphone para mas madaling makapag-post. Mas madalas kasi, lumalabas ang creative and intelligent juices sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan katulad na lamang ng habang dumudumi ka at naglalaro ng Dead Trigger sa'yong cellphone. Naisip ko na mas maiging mailathala ko kaagad ang mga nilalaman ng isip ko sa aking blog para naman hindi ko na makalimutan dahil madalas, kahit kating-kati ka na isulat ang mga thoughts mo at nasa harap ka na ng iyong computer ay wala nang lumalabas. Wala na kasi yung momentum. Sa ngayon... Curious lang din ako kung ano kalalabasan netong blog post ko na 'to na ginawa ko sa aking cellphone. Malamang hindi nito susundin yung tipikal na ginagamit kong font dahil parang kelangan ay may dunong ka sa HTML/CSS para maisingit mo yang mga settings na yan, pero who knows...

No comments:

Post a Comment