12/27/13

Early Morning Musings

Akalain mo nga namang lilipas na naman ang isang taon... katatapos lang ng Christmas, at siguro ay for the past 7 years ay netong Pasko ang pinaka-salat ako dahil nga wala akong trabaho nang halos kalahating taon na. Nawalan na talaga ako ng gana mag-contribute sa corporate world. Ayoko na ring suportahan ang pagyaman ng mayayaman na. Sa totoo lang, simple lang naman talaga ang gusto ko sa buhay. Gusto ko yung sustainable living lang din. Tipong may tatanim ka, may mapipitas ka. Matutong mag-alaga ng mga hayop, meron kang pagkukuhanan ng karne. Protektahan ang mga dagat sa mga illegal practices sa pangingisda at meron ka ring pagkukuhanan ng isda. Sa totoo lang, matuto lang naman tayong pangalagaan ang kalikasan natin ay magbibigay naman 'to. Yun nga lang, may tendency talaga ang taong maging masyadong ganid sa kayamanan. Sobrang dami na ngang natatanggap na biyaya, gusto pa rin kumuha ng kumuha at mag-imbak. Parang takot na takot mawalan. Iba talaga ang kompetensya kapag sa tao. Ang mga hayop at halaman sa paligid, nagku-kumpetensya lang naman para mabuhay. Pero tayong mga tao, nagku-kumpetensya para makalamang sa iba. Siguro that's what separates us from them.

Sa ngayon, sa totoo lang, wala talaga akong balak bumalik sa pagtatrabaho. Ayoko nang lokohin ang sarili ko na pagtrabahuhan ang isang bagay na hindi ko naman gustong ginagawa. Masyadong maraming nasasayang na oras at enerhiya. Masasabi ko sigurong netong mga nakaraang buwan ang hibernation period ko. Kelangan ko lang mag-ipon ng lakas (at lakas ng loob) para magsimula nang bagong buhay. Yung hindi umaasa sa sweldo.

Ang hirap mabuhay sa syudad. Andaming expectations ng mga tao sa'yo dito. Sobrang daming standards. Pero natuto na akong hindi pansinin kung ano man ang ine-expect ng iba sa'kin. Ayokong maging robot or puppet ng ibang tao. I wanna live my life the way I want it. Kasabay ng bagong taong papasok ay ang bagong energy para magsimula ulit. Sa ngayon, kahit medyo malabo pa kung anong "business venture" ang aking papasukin ay optimistic ako na balang araw ay hindi ko na kelangan pa pagtrabahuhan ang ipangkakain ko. Tiwala lang.

1 comment:

  1. I come in peace, blasphemous boy! Great to stumble on your blog again. Apparently, nasa blog roll ka ng kung-kelan-lang-maisip-dalawin kong blog. Some of my thoughts digitally penned by your hands. Pasundot sundot, merong mga thoughts of lavish living, but when I catch myself, nililitanyahan ko ang sarili ko. Living luxuriously, nakakatakot. Lalo na kapag nakasanayan mo na. Hindi mo na maimagine kung pano pag wala na yung rangya. And that's when you start to be this monster of a person. You do everything, even the most shameful things, just so no one takes it away from you. Ang buhay ay isang mas malupit na Hunger Games. Hindi lang basta trilogy, ito ay endless. ---- AnB

    ReplyDelete