3/24/14

Rainbows Inside the Fridge

Early this morning, I went to the market and decided to stock up on an all-plant grocery list. Sa totoo lang matagal ko na talaga gusto magpaka vegetarian... Yung tipong gusto ko lang din siguro ma-experience yung puro plant-based ang diet ko at kung anong magiging effect sa akin overall. Eventually kapag medyo nakaka-keep up na sa vegetarian diet ang katawan ko, balak ko mag-"rawtarian"-- tipong uncooked talaga yung diet. Pero saka na siguro yun. Ang sarap ng mainit na pagkain eh. At hindi ko pa nga rin maiwasang magutom sa amoy ng nilulutong fried chicken, so medyo hardcore na level na yang rawtarian diet.

Anyway maliit na palengke lang naman pinuntahan ko. So the usual stuff lang din makikita: kamatis, sibuyas, mangga, pipino, bell peppers, kangkong, papaya, singkamas, langka, saging na saba, at kung anu-ano pa. At yung mga nabanggit na mga halaman nga ang laman ng aking reusable bag pagkauwi ng bahay.

Habang nasa season pa ang mangga, talagang as much as possible bumibili ako ng kahit isang kilo lang sa every trip ko sa palengke or grocery man. Today hindi ako nagsising pinag-experiment-uhan ko ang dalawang pirasong mangga at ginawa ko itong mango salsa. Grabe, mas masarap nang hindi hamak sa usual na tomato salsa.




So san nga ba gawa ang mango salsa na ginawa ko? Diced ripe mangoes, pipino, bell pepper at sibuyas na Tagalog (yung puti), isang pirasong minced na siling labuyo, cayenne powder, chili powder, then pinigaan ko ng mga anim na pirasong calamansi at nilagyan ng konting asin at pamintang durog. Pinalamig ng konti, bumili ng taco shells sa grocery (tip: kapag bibili ka ng taco shells/nachos sa grocery, make sure na 100% made of corn para hindi ka ma-disappoint sa lasa... Dahil marami nang naglalabasan na mas mura nga pero gawa naman sa harina lang.. bleh!), hinati-hati ang taco shells sa maliliit na portion para maging nachos, tapos ginawa kong dip yung salsa... Ooooooooh heavenly. Sobrang fresh ng lasa.

Next naman gumawa ako ng usual na pipino-kamatis-sibuyas na ensalada. Staple na rin yata 'to sa ref dahil palagi kong ginagawa, pantanggal umay. Nilagyan ko na lang din ng dash ng EV olive oil (yep dapat extra virgin kapag gagamitin mo as salad dressing), honey at vinegar.. Then salt and pepper. Voila. Easy meal within minutes. Masarap din ipalaman sa tinapay 'to lalo na kapag may cheese. Yummmmmmm!!!!!!



Next, ang favorite nating mga isawsaw sa bagoong singkamas at Indian mango. Naghiwa-hiwa ako ng singkamas (and singkamas is jicama in English just so you know, hindi yung "turnip" na madalas tinuturo sa atin sa school) at nagbalat ng ilang manggang hilaw para may mangangata kapag gusto ko ng snacks or merienda.




Lastly, dahil naparami ang bili ko sa saging na saba (karamihan pa ay mahihinog na), ginawa ko na lang silang minatamis para may dessert akong medyo healthy naman. Pinakuluan ko lang yung saba sa syrup na gawa sa tubig, asukal na muscovado, vanilla extract, cinnamon at nutmeg. Ang bango nito, sobra.



Sa ngayon, ang ganda tignan ng loob ng maliit na ref. Puro gulay at prutas, para tuloy akong may bahaghari sa loob ng ref. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko mapapanindigan 'tong pagpapaka-healthy eating kuno pero I'm hoping for the best. Baka netong mga darating na araw ay mag-post na rin ako ng mga selfies ng aking half-naked body para ma-track ko ang progress ng aking diet... Pero yuck. Umay. Pag-iisipan ko pa.

No comments:

Post a Comment