1/30/10

Please Don't Make Me Hate January

Nagising ako kaninang humahagulgol. Nanaginip kasi ako na meron nang taning ang buhay ko-- nakasuot daw ako ng lab gown, medyo nalalagas na ang buhok dahil sa chemotherapy at nakaluhod sa harap ng duktor, umiiyak, at nagmamakaawang huwag na ako gamutin, para hindi na maging pabigat sa pamilya ko.

Palagi kong iniisip na mamamatay na ako sa sakit na ayokong malaman kung ano, pero dahil sa panaginip na 'yon, parang sabi ko kay Lord, 'wag muna po siguro. Marami pa akong pangarap para sa mga tao sa paligid ko.

First morning I felt so low-spirited pa. Kanina, after ng shift, I just learned na two of my closest friends sa team ang hindi na papasok come Monday. Hindi na sila mare-regular dahil sa mababang scorecard. Nalulungkot kami ng sobra.

1/18/10

RANT

Hay. Grabe. Pagkatapos nang napakasayang weekend tour sa Ilocandia, pagdating ko sa Maynila ay talagang hindi na ako tinantanan ng problema. Una, parang nagalit na ang mga ka-grupo ko sa coffee shop operations dahil hindi nila ako madalas makita. Eh anong magagawa ko, irregular student ako at isa pa, may trabaho ako kinagabihan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maintindihan ng ibang tao ang mga pinagdadaanan kong hirap. Or siguro wala talaga silang pakialam. Oo nga naman, sino ba naman kasi ako sa kanila para magkaroon na paki. Nakiki-grupo lang naman ako. At isa pa, nabu-bwisit talaga ako sa mga professor na walang konsiderasyon. Mga tipong parang hindi nagdaan sa pagiging estudyante.

Nung Sabado, nakipag-meet ako sa mga ka-grupo ko para nga mag-meeting tungkol sa operations namin para sa week na 'to. Tumulong gumawa ng decorations and nag-usap tungkol sa mga specifics. Pero pagdating nga ng Lunes (ngayon), biglang wala, FAIL.

Alam ko rin namang mali ko. Hindi ako nagising ng maaga para makapunta sa school ng 5:30AM dahil napasarap ang tulog ko at hindi nag-ring ang alarm. Nakita kong naka-stock ang orasan sa 4:00AM; pakiramdam ko eh pinipilit niyang gisingin ako pero hindi na talaga kaya ng enerhiya ng bateryang nagpapatakbo sa kanya. So ang ending, 7:30 na ako nagising. Dumating ako sa school ng 9AM. Nakita ng professor na may pusong bato, at sinabing hindi na niya raw ako tatanggapin sa pagdu-duty-- bukas nalang daw. At ang parusa ay 3 days ng additional duty sa coffee shop. Haaaaaaaaaaaaay.

More stories. Sobrang nako-conflict ang coffee shop operation ko sa work. Imagine: ang shift ko sa coffee shop ko is 5:30AM-9:00PM, at ang shift ko sa work is 10:45PM-3:45AM. Parang nagsasabing, eto ang cuchillo Resty, dalian mo't saksakin mo nalang sarili mo. Eh baka nga hindi pa ako makaligo man lang sa intervals na 'yun. Nag-try akong mag-file ng leave thru my boss pero wala din s'yang nagawa-- at ang sabi pa, wala daw s'yang magagawa-- kung hindi daw ako papasok sa work, kelangan niyang tuparin ang duty niya bilang supervisor at bigyan ako ng karampatang parusa. HOW ENCOURAGING. Kaya nga tinatanong kung baka gawan niya ng paraan diba.

So naging thankful ako na may sakit ako. Nagpatingin ako sa doctor kahapon at na-diagnose na meron akong Upper Respiratory Tract infection at tonsilitis. Humingi ako ng Med Cert at in-advise-an na magpahinga ng 3-5 days. Syempre masaya ako dahil pwede ko na ma-excuse sarili ko sa work na LEGAL. Pinagusapan naman namin ni boss na kung makakapag-present ako ng Med Cert sa paga-absent ko eh OK lang sa kanya. So ayun, gumawa na ata ng paraan ang sistema ko para makalusot sa problema. Kaso nga, solved na sana, pero na-extend naman ng 3 more days ang paninilbihan ko sa hinayupak na operations. Pahirap talaga. Tapos nalaman ko pang meron pang one more week ng operations sometime in March. Idagdag mo pang Midterms Week namin ngayon. Someone please give me poison.


Ayoko na nga munang i-italicize ang mga English words dito. Wala ako sa mood. :(

1/4/10

At Dahil Hindi Ako Pumasok sa First School Day of the Year...

...ay mag-i-Internet nalang ako maghapon wahehehehe. Gustong-gusto ko talagang pumasok kaso nga lang merong mga bagay na nangyayaring hindi maiiwasan. Kung ano man yun eh nasa evil mind ko nalang for the mean time. Hehehehe. Medyo strikto kasi sa attendance ang professor namin sa Monday/Thursday class from 12PM-1:30PM. Sana lang talaga hindi sya pumasok ngayon dahil aabsenan ko na naman sya next week for the Ilocos tour. Oh no!

Para lang hindi masayang ang araw na 'to, sana may mapuntahan akong magandang lugar na may excellent cityscape view para makapag-practice na ako ng long-exposure shots/night photography dahil nakabili na ako ng tripod at IR remote control para sa camera ko wahahahaha. Try ko nga mamaya.

PLANS FOR BAGONG TAON

Oo nga pala, positive ang vibes ko sa taong 'to sa kadahilanang hindi ko alam. Dahil ba Year of the Tiger, which is my "Year?" Parang andami kong travel plans for this year. Andami kong gusto puntahan at kuhanan ng larawan. Yes, this is me slowly being a photography hobbyist. It all started nung nabili ko ang aking camera last year bwahahahaha. Meron na naman akong bagong listahan (in addition sa Bucket List ko na hanggang ngayon eh isa pa lang ang natutupad) na kelangan ko ma-realize, at eto nga sila:

1. GUMAMIT NG ORGANIZER/PLANNER. Opo, hindi ko na kinolekta ang planner ng Starbucks for this year dahil magastos at isa pa, bumili na ako ng mumurahing planner from National Bookstore for 80 pesos ('yun yung planner sa picture sa baba na may mapa ng Vigan). Pare-pareho lang namang nililistahan ang mga 'yan. Nakakatulong ng malaki ang planner (kung ginagamit) para wala kang ma-miss na mga bagay na dapat gawin, lalo na sa taong tulad ko na andaming pinagkakaabalahan. Siguro yung pagiging spontaneous ko eh nandun paren, pero yung mga importanteng mga bagay dapat pina-planner. :)

2. MAG-QUIT SA YOSI. So far, so good. Hindi pa ako humihithit ng yosi sa taong 'to. Nakatulong ata ang pagkakaroon ko ng pharyngitis bago matapos ang 2009 bwahahahaha. Still, I wish myself good luck. Kelangan ko nalang siguro ng distraction.

3. GUMALA NG GUMALA. In a good way. Gusto ko puntahan ang mga fiesta na malapit lang naman dito sa Manila, para maging worthwhile ang mga restdays ko.

4. CHOCOLATE BUSINESS. Kapag nasakatuparan ko 'to, matse-check-an ko narin yung isang bagay sa kabilang checklist ko wahehehehe.

...and more to come.

1/3/10

Ennui

Haaaay. Meron na namang pasok sa school bukas. Tinatamad pa ako. 'Yaan mo na, konting tiis nalang. Kapag grumadweyt na ako hindi ko na kelangan mamroblema sa mga bagay na pinagsasabay hehehe.

At isa pa, isang linggo nalang, ILOCOS NA!!!

Sa sobrang excitement, bumili pa talaga ako ng mapa. LOL. Loser!!!

1/2/10

Goodbye 2009

...and welcome 2010 -- heck it's another decade! Isa pa, Year of the Tiger na naman... 12 years old na ako bwahahahahahaha!

Masaya akong naayos na 'tong hinayupak na PC na 'to. Sa totoo lang, isang dahilan kung bakit hindi na ako madalas makapag-blog ay dahil sa pagkasira nitong computer ko. Buti naman at sinipag akong pumunta ng Gilmore para magpagawa. Thank God hindi na ako mabo-bore ule dito sa bahay [at thank you papa, sinamahan mo ako sa Gilmore :)]

Anyway, sa sobrang daming nangyari sa buhay ko noong mga nakaraang buwan ay hindi ko na yata alam kung san magsisimula. Simulan nalang natin ng Pasko, tutal eh iyon naman ang isa sa mga pinaka-recent kaya medyo fresh pa sa aking isip. Well, hindi ko naman first time mag-Pasko sa office, kaya OK lang na nandoon ako't may sakbit na headset sa ulo ko-- wala namang calls, isa pa, double pay naman. Pangalawa, hindi naman talaga namin masyadong sine-celebrate ang Pasko sa bahay. Ang masakit lang talaga ay nag-celebrate ako ng Bagong Taon sa office.

Pag-alis palang ng bahay, andami nang paputok na nagkalat sa kalsada at kulang nalang eh mapraning ako kung saan titingin at iiwas. Habang makakasalubong mo ang mga kapitbahay mo sa labas na nagkakantahan at nagbabatian na may dalang pagkain para ipan-trade sa kabilang bahay, ayun ka, nakikipagpatentero sa mga batang me ihahagis na piccolo sa daan. Sa kanto palang wala na akong masakyang tricycle palabas, so bumalik ako sa bahay at nagpahatid kay papa gamit ang motor papunta sa kanto ng Lifehomes. Maswerte nalang din siguro akong naka-tyempo ng FX na pa-Ayala at nakasakay kagad ako. Nag e-emo pa yung manong driver ng FX na parang nagso-soliloquy na kesyo kung aabot ba daw sya sa bahay nang alas-dose, ina-appreciate ang magagarbong fireworks na makikita sa langit habang binabagtas ang halos walang sasakyan na C5 Road.

Hindi naman nagbago ang ending. Walang magical moment na tipong merong early log out na naganap at happy ever after ang ending na nagme-Media Noche kaming mga kawawang ahente sa bahay kasama ang aming mga pamilya. First time ko mag New Year nang wala sa bahay in 23 years. Siguro nga eh parte na ng buhay call center agent 'to; siguro nga talaga ay ma-swerte lang ako sa mga past few years ko sa trabaho na nagkakataong restdays ko kapag may mga ganitong holidays especially New Year. So ayun nga, hindi naman namin sinira ang gabi naman at meron naman kaming pinagsaluhan-- potluck ang setting. Isa-isa kaming nagdala (hati pala kami ng seatmate kong si Megs sa cake) ng mga pagkain na pinagsaluhan namin sa Media Noche. Meron pa kaming paputok (party poppers lang naman) na supot naman ang sabog kaya medyo corny. Ang pinaka-bwisit na part lang talaga eh yung saktong alas-dose dito sa Manila eh saktong buhos din ng calls mula doon sa kabilang hemisphere na tinatawag nating Amerika. Pero OK na rin siguro; bagong karanasan, bagong lesson. Hindi ko naman kelangan sirain ang gabi ko dahil lang doon. There are so many ways to make yourself happy, at tama nga silang choice mo 'yon. And we chose to be happy, although may mga girls sa team namin na umiyak nung sumapit ang batian ng "Happy New Year!" sa floor.


Nagkaroon nga ng balitang merong Blue Moon daw nung gabi ng New Year. So pagka-out ko namin ng office, napansin ko ang reflection ng buwan sa salamin ng building sa tapat-- malaki. Hinanap namin ang buwan dahil natatakpan 'yon ng nagtataasang mga buildings sa Makati, at nung makita namin eh medyo na-disappoint kami dahil mukha lang naman 'yong normal. Ho-hum. So eto namang si Paula, nag-trip at sinabi sa aking gusto n'ya magpa-Kodak sa pedestrian lane tutal dala ko naman ang aking "girlfriend." Nako, ako pa ang niyaya niya rito eh game na game naman ako sa mga ganitong kabaliwan. So nung nag-red ang stoplight sa Ayala-Buendia intersection, takbo si Paula sa daan at humiga sa pedestrian lane.

Oo nga pala. Pupunta kaming magka-kaibigan sa Ilocos next week. Sobrang nae-excite na ako dahil gusto ko na uli dagdagan ang koleskyon ko ng pictures ng colonial churches!


'Nuff said.