7/1/09

On Saying Goodbye Over and Over Again

I'm officially a bum again.

Kare-resign ko lang sa Capital IQ kahapon. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman -- naiinis ako na parang natutuwa. Naiinis, dahil sayang ang opportunity na nakapasok ako sa prestihiyosong kumpanya na ito -- sobrang hirap makapasok dito, at isa ako sa mga lucky ones na iyon. Natutuwa, dahil makakabalik na ako sa pag-aaral. Sana matapos ko na ang course ko ng walang problema.

Binabasa ko kanina ang mga previous blog entries ko. Binalikan ko ang mga posts na nagpapa-alala sa akin kung gaano ako ka-excited na malaman ang resulta ng pag-a-apply ko sa kumpanyang 'to. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nagtagal sa kumpanya na iyon. Ayoko nang bumalik sa call center...

Mami-miss ko, higit sa lahat, ang mga taong nakasama ko sa dalawang buwan na pamamalagi ko rito.

Lord, kayo na po bahala sa akin.

2 comments:

  1. awwww.... kauuwi ko lang from allan's... na miss ka namin sobra...

    ReplyDelete
  2. I'll hang out with you guys sometimes. Miss ko narin kayo :(

    ReplyDelete