Isang mapait na karanasan, pero pwede pang pumait kung nagkataon.
****************************************************************************************************************
Maulang Sabado iyon, inaasikaso ang enrolment ko sa school para sa nalalapit na pasukan. Galing na ako sa department namin, at sabi ng chairperson namin tignan ko raw sa ibang department kung meron silang ino-offer na gan'tong subjects since inalis na nga nila ang subject na iyon sa curriculum na bago. In short, I will have to cross-enrol sa ibang course. Cool.
Eh 'di lakad ako sa department na nag o-offer nun. Hindi ako nag e-expect na may tao sa office nila since Sabado nga naman. Nakakatakot nga ang school, kulang nalang eh multo para masabi mong haunted talaga yung lugar. So tambay ako sa bulletin board sa harap ng opis ng Mystery Department na 'to, tinignan ang mga schedule na naka-paskil kung meron ba akong pwedeng i-singit sa aking hectic na schedule.
Maya-maya, merong lumapit na matandang lalake, mukhang meron syang susi sa naka-padlock na pinto ng opisina. Tumingin s'ya sa'kin.
"Bag mo ba 'yan?" tinuro n'ya ang bag ko na nakalapag sa sahig, at binuksan ang pinto ng opisina ng Mystery Department.
"Yes sir." sagot ko habang pinapa-pawisan, nagpa-paypay ng cardboard na may advertisement ng cellphone.
"Bakit? Meron ka bang kelangan dito?"
"Tinitignan ko lang ho kung merong gantong subjects na ino-offer dito.." sabay pinakita ko sa kanya ang papel.
"O sige, tara sa loob."
So pasok kami sa opisina.
"Kluck--- click!," tunog ng doorknob at latch na ni-lock na pinto ni sir.
Napa-lunok ako, in-associate ko tuloy 'yun sa pagkulot-kulot ng boses n'ya habang kausap n'ya ako kanina. Pero syempre, think positive muna ako. Malay mo malambing lang talaga magsalita yung tao.
"Tignan mo dun sa mga papel dun, kung meron pang bakanteng sections na pwede kang mag-enrol."
Merong isang kwarto roon na may mga papel na nakalatag sa table. Tinignan ko. Mga subjects. Nakita ko ang subject na hinahanap ko. Unfortunately, nag-iisa na lang ang available at hindi swak sa schedule ko sa work.
Paalis na sana ako, nang lumapit si sir na may dalang papel.
"Eto yung curriculum."
Lumayo talaga ako sa kanya dahil sumasanggi na ang braso nya sa akin.
"Thank you po, pwedeng akin na lang ho 'to?"
"Sige." ibang klase na talaga ang tingin at ngiti ni manong.
Magpapaalam na sana ako, actually nasa pinto na ako at readyng-ready na i-unlock ang pinto, pero andami nyang tinatanong sa'king kung anu-anong mga bagay. "Bakit ka nag-stop? S'an ka nag-work? Anong work mo?" Blah blah blah. Hindi ako bastos sa matanda kaya sinasagot ko naman ng maayos ang sangkatutak na tanong nya, parang labas sa 'kin eh delaying tactics. Bulok na ho yan.
May biglang kumatok sa pinto.
Nag-iba ang mood ng manyakis.
"Iho paki-buksan nga." parang gusto ko sabihin, "I'll be more than happy to!"
Merong mga estudyanteng babaeng pumasok, may tinatanong tungkol sa uniform. Mukhang freshmen.
"Ah wala, hindi dumating yung nagsusukat." nagsusungit na sabi ng matanda.
Nagpaalam narin ako sa wakas. "Sir mauna na ako. Salamat po."
Parang gusto kong habulin si ate at i-treat sya sa Chowking sa sobrang saya ko sa Divine Intervention na iyon. Sobrang pinagpawisan ako. Palabas na 'ko ng impyernong iyon, biglang sabi nya:
"Pahinga ka muna dito o..." sabay turo sa upuan na nakatapat sa electric fan.
"Salamat nalang ho, nagmamadali narin ho kasi ako."
Nanay ko po, halos tumakbo na 'ko sa pag-alis.