In my poor attempt to resuscitate this blog, ladies and gentlemen, I now present (or "re-present") to you-- my bucket list that was created 4 freaking years ago!!! And guess what-- josme, sa kakahiyan eh wala akong halos ma-cross out na masasabi ko namang natupad ko nung mga taong nagdaan. Pero kahit papano naman meron...
1. Magpalipad ng saranggola sa malaking field
2. Magpicnic sa isang scenic hill
Mag-enrol sa following classes:
3. Capoeira
4. Painting
5. Sculpting
6. Pottery-making
7. Culinary
8. Photography
9. Makagawa ng malaking box/trunk na may lock
10. Makagawa ng print sa T-shirt na MATINO
11. Mapag-aralan at ma-perfect gumawa ng jam/marmalade
12. Magkaroon ng food business
13. Magkaroon ng part-time job habang nag-aaral*
14. Maka-graduate ng matiwasay
15. Mag-masters sa World/Art History
16. Makatuklas ng original art technique
17. Makagawa ng isang kumpletong comic book
18. Makagawa ng isang kumpletong novel
19. Ma-make over ang kwarto ko
20. Makapag-aral ng Marine Biology
21. Matutong lumangoy
22. Mangibang-bansa
23. Makapag-scuba dive
24. Makagawa ng conceptual na photoshoot
25. Makabili ng laptop
So there. Yung #13, matagal na at dapat nga eh wala na talaga sa bucket list. Last year, nag-repaint ako ng kwarto at inayos ng slight at naiba naman ang feel kahit papano. Hindi na sya yung signature nanlilimahid look. Yung matutuong lumangoy, sa totoo lang parang ayoko talaga i-cross out (haha) kasi hindi pa naman talaga ako marunong tumagal sa ilalim ng tubig... pero somehow (yes, somehow!) eh nakakasisid na ako ng konti at nakakalangoy, thanks to the Underwater Hockey Lesson na sinalihan ko nung kamakailan lang. Nakabili na rin ako ng bagong laptop dahil sa totoo lang eh napilitan na lang din ako (nanakaw kasi last year yung laptop ko, nasungkit sa bintana ng kwarto ko!), thanks to 0% 12-month installment sa credit card.
Parang may gusto akong baguhin sa Bucket List na 'to pero siguro sa next blog post na lang. At yes, hindi ko na talaga tinapos yung story ko sa Palawan. Nag dedicate na kasi ako ng panibagong blog para sa mga travels ko (saka ko na idi-disclose ang link). At sana nga naman na ngayong pure bum na ako eh m-update ko ng mas madalas 'tong blog kong 'to. Mehgad.