I've been such a dork for the past few months. Hay, what a fucked up season ('scuse my French). So here I am, 3:00 AM na, hindi ako makatulog. Dinadaya ang sarili na papatulugin ako ng isang mug ng Milo na tinimpla ko, na sa totoo lang eh alak naman talaga ang hinahanap ng lalamunan ko. Yes, goddamnit. Napapansin ko lang na medyo nagiging dependent na ako sa alak. I've been drinking every night for more or less a week now. Hindi ako makatulog ng normal recently, and I find solace with a nightly dose of alcohol. But hell yeah, not a good excuse. So, yaman nalang din naman na hindi ako makatulog, kayo nalang ang papatulugin ko sa pamamagitan ng sobrang tedious na istorya ng buhay ko noong mga nakaraang buwan LOL.
Last day ng October naging effective ang resignation ko sa aking huling trabaho. Wala na akong pasok, swak na swak sa All Saints' Day. Sa unang araw palang ng buwan ng Nobyembre ay meron na akong drive para maghanap ng hotel na pwede pag-practicum-an, cross my heart and hope to die. Well, confident ako na ipapasok ako ni Papa sa Manila Pen since naging ulirang empleyado naman sya dun, kumbaga meron na akong backer. So nagbigay ako ng résumé ke Papa, naghintay ng ilang araw... ilang linggo... umabot pa ng ilang buwan-- pero walang nangyari. Nakita ko naman at naramdaman ang effort ni Papa na i-follow up ang dokumento pero parang mahina na yata sya sa mga tao sa loob ng hotel. In any case, very good naman si Papa, medyo nakakatampo lang sa dati nyang mga katrabaho since parang ilang years palang naman syang nagre-retire eh parang hindi na sya pinagbibigyan. Pero ang bottom line neto, hindi dapat ako umaasa sa mga ganitong bagay. Hindi por que me backer eh dun nalang ako aasa. So sinubukan kong magpasa sa ibang hotel.
Sa totoo lang, ako naman talaga ang may kasalanan sa mga nangyayari sa akin ngayon. Napaka-choosy ko kasi, sasabihin ko sa'yo. Ang yabang at ambisyoso ko kasi. Ayokong maglalagay ng cheap-ass na hotel sa résumé ko. Gusto ko, kung magpa-practicum nalang din ako eh yung dun na sa bigatin. So nag-try akong magpasa sa ibang hotels na big time tulad ng Shangri-La at Marriott, pero wala ring tumawag sa'kin. Mala-tambiolo ang odds na makapasok ako sa mga hotel na 'yon. At recently lang eh nawalan na talaga ako ng pag-asa dahil nga kahit dun sa isang modest na hotel na in-apply-an ko sa Cubao eh hindi parin ako tinatawagan. Sabi ngclassmate ko (na doon nag-practicum), ready na daw ako for hiring kaso wala pang slots para sa mga lalake. Nakakawala ng gana at dangal. Hay, buhay nga naman.
So eto ako. Wala akong kinaiba sa mga tambay sa kanto na naghihilamos ng gin tuwing umaga.But don't get me wrong, hindi ako nagse-self-pity, Dios mio. This is the painful truth, ladies and gentlemen.
Sa lahat ng kamalasang naranasan ko noong mga nakaraang buwan, masasabi ko naman sa sarili kong wala akong pinagsisihan. Na kesyo merong mga araw na isang buong araw lang ako nakasubsob sa screen ng laptop ko, na tipong hindi ako nasisinagan ng araw, OK lang; na merong mga araw na wala akong ginawa sa buhay ko kundi magpunta kung saan-saan at kumuha ng litrato ng kung anu-ano, OK lang; na minsang sobrang gulo ng isip ko at nag-decide akong mag-impromptu trip sa Baguio mag-isa para lang mag-relax at magpaka-emo, OK lang; na minsang walang mintis gabi-gabi ang pagbarek ko ng alak mag-isa man o isang batalyon ang kasama, OK lang-- pinili kong gawin ang mga bagay na 'yon, at alam ko kung saan ako magiging masaya. I am oblivious to regrets.
Ngayon, nararamdaman ko nang paunti-unti na hindi na ako nagiging masaya sa pagiging hedonista ko, kaya't kikilos na ako at hindi ko pabubulukin ang sarili ko, naghihintay sa isang milagro na hindi naman talaga mangyayari. Most importantly, wala na akong pera. What could be a better motivator to fucking haul ass. I fucking want to get out of this parasitical dreamworld. I fucking need a distraction.
Makapag-yosi na nga lang muna. And oh, Happy Valentines' Day sucka.