Lunch.
Nguya, nguya.
Ako lang nanananghalian. Hindi pala kumakain sila mama at papa sa tanghalian ng madalas. Kaya hindi nagluto ng ulam for lunch. Eto tuloy nginangata ko ngayon, kanin, ulam ay isang plato ng longanisa. Nakakasuya. Walang sabaw.
Nguya, nguya.
Enough.
'Di ko na kayang eto lang ang ulam. Sawang sawang na'ko sa longanisang to. Kahit anong imagination ang gawin ko dito kesyo bratwurst, Italian o chorizo kunwari ang kinakain ko, 'di na talaga kaya. Kelangan ng panabla.
Buti nalang may tindahan si mama. Hehe. San pa nga ba ako titingin (kung hindi sa mga softdrinks), eh di sa mga de lata.
Corned beef? Nai-imagine ko parin yung dagang kinarne ng aso namin dating si Brownie. Sobrang gigil ng aso sa daga, nagkalat ang innards (eeew) ng kawawang vermin sa garahe. Nagmukhang corned beef tuloy. Next.
Pork and beans? Pork lang kakainin ko dyan. Hindi ako mahilig sa beans, sayang.
Tuna!! Adobo... Menudo... Lechong Paksiw... Asado... Laing (hayuf na ang mga flavors ng tuna ngayon ha)... tae, walang Flakes in Oil. Ano pa ba...
Hindi ko pinapansin 'yung mga latang either green lang or red. Minsan may orange or yellow.
Calamares en su tinta kaya? Kaso 'di ko trip lasa nyan pag nakalata eh. Lasang kalawang yung pusit.
Di narin naman uso ang Mackerel ngayon.
Hay, di bale na nga.
Pero bago ako umalis, tumingin ako uli sa stack ng lata na kapansin-pansing pinakamarami sa lahat ng latang naka-display dun.
....................
Sa rooftop namin, may hanging gardens si mama. May mga flowering plants, fruits and veggies. Pumitas ako ng mga kalamansi.
Masarap talaga ang sardinas pag may squeeze of something citric. Natatanggal ang lansa. Nguya, nguya, nguya. Wow, sarap. Na-miss ko lasa ng sardinas ha. Saka ko na-realize na siguro talagang napaka-sarap ng sardinas, because it's just one of the few fish species na na-ilata.
2/20/09
2/3/09
What's for February? Random thoughts
Wow ha. Ang tagal ko na palang hindi naka-post ng entry dito hehehe. 'Di naman ako busy, siguro nawala lang ako sa mood... Anyway.
Nakapagpasa na pala ako ng resignation letter kagabi. Sa totoo lang, hindi alam nila mama na may balak na ako mag-resign. May palagay-lagay pa ako dun na "...with the approval of my family," eh 'di naman talaga ako nagsabi hehehe. Pero parang may konting panghihinayang nga lang din, sayang yung perang kinikita ko. I admit that we're earning more moolah than the typical call centers in the metro (naks ang yabang). Pero I really had enough of this stress.
Bukas pala, may interview ako sa ibang company as transcriptionist. At least hindi na ako magko-calls if ever ma-tanggap, medyo malaki din naman ang sweldo. Goodluck pala sa akin, kasi 65 wpm ang requirement as typing speed. Eh huling test ko dyan 45 wpm lang ako. Hahahahaha...
Maganda pala gising ko kaninang umaga (kasi sa ibang bahay ako natulog hehehe). Pagka-uwi ko, meron akong nakitang tindahan ng cookies. Bumili ako ng isang malaking pack na chocolate chip cookies para sa bunso namin. Habang naglalakad ako pauwi. may nakita akong patay na pusa sa gilid ng kalsada. Tipong malaki na tiyan. Siguro alam mo na kung bakit?? Biglang nag-switch yung mood ko from jovial to saturnine.
'Di naman ako PETA or nagpapaka-PETA pero awang-awa talaga 'ko. Hay.
Gala muna kami sa mall ng bestfriend ko. Naka-vacation leave ako the whole week, yehey!!! Exhaust muna lahat ng pwede i-exhaust bago mag-resign.

Subscribe to:
Posts (Atom)