9/26/11

Ugh, Sunday.

Sa totoo lang, ayoko mag Sunday. Although walang pasok sa araw na 'to, pinapaalala nito ang araw kinabukasan, the dreaded first day of the work week: Monday. As much as possible, ayokong nasasayang ang Linggo ko. So nung madaling-araw ng Linggo (bago ako matulog), niyaya ko si Pops na pumunta sa isang religious shrine, kesyo Catholic church pa yun or Taoist temple OK lang, basta tahimik. Pero bago yun, niyaya ko muna syang kunin ang free pizza ko sa Angel's Pizza sa Citygolf (Valle Verde area) para may pang merienda kami. Usapan namin 5 PM sa Starbucks Home Depot, pero as usual, Japan Time ang timezone ng kaibigan ko: 6 PM na sya dumating. Oh well! Napa-order pa tuloy ako ng frap ng wala sa oras. Pagdating pa nya, paghalungkat ko sa bag ko nung vouchers, aba, WALA! Nakalimutan ko yata sa bahay, jusko po. So and ending, wala kaming pizza. Pumunta na lang kami ng Megamall para mag-dinner.



Sa Food Court kami tumambay para sabi ko kamo, may free Wi-Fi, para maturuan ko na syang butingtingin ang bagong phone nya. Kumain muna kami (um-order sya ng pasta plate sa World Chicken at ako naman ng La Paz batchoy at chicken barbecue meal sa Inasal Joe) just to find out na, makaka-connect nga kami sa network pero hindi naman maka-browse. Geez. Nagyaya tuloy magkape si Pops at nag-suggest akong mag-Bo's na lang dahil mabilis ang Internet connection dun.

 
Nilibre ako ni Pops ng isang malaking White Chocolate Frocino, um-order sya ng Chocolate Chip Frocino na pareho namang OK. Um-order din sya ng slice ng Sansrival na I doubt ay authentic. Hindi ko natikman, na-enjoy masyado ni Pops yung dessert nya hehehe. AT! This time, nakaka-connect nga kami at nakaka-browse, pero intermittent naman! Susme, ang malas ni Pops. Kaya pinasakit lang namin ang tiyan namin dahil minadali namin ang pag-inom dahil pupunta na lang kami sa Cyberzone area para i-try ang connection dun. Wala ring kwenta! Pumasok pa kami mismo sa loob ng Samsung store para i-try din ang connection dun (LOL) pero wala rin. Hahaha! Ang ending, hindi na namin hinintay na magsara ang mall at dumiretso na lang sa katedral ng Pasig para mag-offer ng prayer sa aming favorite spot, sa gilid ng adoration chapel, sa tirikan ng mga kandila. Nag-register na lang kami sa Powersurf at tumambay sa little park sa labas ng simbahan para maturuan ko na sya at last, at para narin makapagkwentuhan.


No comments:

Post a Comment