3/2/12

Haymbekkkkkkkkkkkkkk!!!!

After a veeeeeery long hiatus, I'm back! Grabe o, tignan naman kung kelan ang last post ko: September 2011. Bakit nga ba ang tagal ko bago nag-post uli ng entry, at seemingly patay ang aking bloglife? Ang baduy ng bloglife ah. Well actually hindi ko rin alam ang sanhi ng matagal-tagal na pause na ito sa aking blogging activity. Halos nakalimutan kong meron pala akong blog, kung hindi pa ako nagising ng untimely kanina dahil sobrang init. Eto mahirap kapag magsa-summer na eh, struggle ang pagtulog, tsk.

Anyway ano nga ang mga kaganapan noong mga nakaraang buwan? October. Birthday month ko. Bumilang na naman ako ng isang taon at hindi na ako nalalayo sa dulo ng kalendaryo. Well eto lang naman masasabi ko dyan: I don't feel it LOL. Parang tingin ko nga eh lalo pa akong bumabata. Sa pag-iisip, at the very least. Parang hinihintay ko na lang yung Down Syndrome na yung level ng youthful regression ng pag-iisip ko. After na parang-wala-namang-nangyaring birthday ko, sinamahan ako ni Megs sa kanyang neighborhood sa Marikina na halos walking distance lang sa kanila pero tinaxi parin namin. Well justifiable naman ang fiasco na ito dahil kalilipat lang ni Megs sa Marikina nung mga panahong iyon. Finally I learned how to properly meditate, Zen style! Zazen ang tawag sa session, at zendo naman ang tawag sa meditation hall. Ngayon as much as possible pagkagising, na-adopt ko ang mga techniques kung paano mag-meditate para mas masaya ang araw ko. Or feeling ko lang yun. :)


November was a field trip month. Naimbitahin kami ng aming kaibigan sa Talisay, Batangas para ma-experience ang pyesta, old-school way! Naranasan ko rin naman yun nung kabataan ko, pero iba ang pyesta sa probinsya! Sobrang na-enjoy ko ang short trek papunta sa Hathienda Sarigumba, boodle fight over dahon ng saging, swimming at inuman by the Taal lake. At syempre walang katapusang kainan! As in every once in a while pinapakain ka na parang walang bukas.



 Noong Thanksgiving season naman sa Amerika, bilang wala kaming pasok sa opisina ng Thursday November 24 ay nag-leave ako ng Friday para makapaggala. Pumunta kami ni Pops, Leo at Rayzan sa Calaguas, Camarines Norte. Napakagandang lugar pala neto! Worth it ang tatlong oras na byaheng bangka sa maalon na karagatan. Parang Anchors Away in real life lang. Buwis buhay talaga.



Masaya naman ang December ko dahil hindi man buo ang pamilya namin nung Christmas ay kumpleto kami nung New Year's Eve celebration! Simpleng handaan lang naman, at doon kami sa rooftop nag-celebrate para makita ang mga fireworks. Hindi ako masyadong nakabili ng paputok, unlike last year na sa Bocaue pa talaga ako nakabili dahil dumaan kami doon nung galing kami ng Subic.



 And the rest of the months consisted basically of little foodie adventures. Sa taon na ito napukaw ang voracious feeder (AKA foodie) inside me. Kung saan-saang kakaibang hole-in-the-wall restos ako kumakain with my friends, at madalas pa! So far nae-enjoy ko sya at hanggang ngayon ay nagagawa ko parin naman. Onga pala, hindi na ako nagyoyosi at umiinom! Kung meron mang mga nakaw na sandali ay sobrang untraceable naman, parang pera lang sa wallet ko ngayon. I'm also thinking of adopting a softcore vegetarian diet and enrolling sa aming gym privilege sa office.

I dedicate the rest of the year 2012 to my health and wellness, bilang magugunaw na daw ang mundo by December at wala pa akong picture sa beach na meron akong abs. At dahil na rin siguro na-ospital ako kamakailan lang dahil sa low platelet count at na-trauma sa swero ng Medical City. LOL.

P.S.

R.I.P. Kipot, our 8 year-old dog. We love you. The whole family is missing you so much.



No comments:

Post a Comment