Recently, I just realized na mahina na ang "studently" powers ko. Hindi na ako masyadong matalas sa memorization unlike before. Kahapon kasi, nagkaroon kami ng weekend exam, it was a pain in the ass memorizing a big number of newly-introduced terms in a span of 5 days. Walang pumapasok sa isip ko masyado habang nagka-cram; siguro dahil na rin merong mga distractions lately, pero hindi ko muna babanggitin dito dahil masyadong personal.
After shift, it is our (Leo, Pops and me) usual routine na magkita-kita sa pantry para manuod ng Mythbusters habang hinihintay na mag-die down ang crowd na nakapila sa elevator pababa. Nung isang araw, nagyaya si Megs na mag-breakfast pagka-out namin, tutal daw eh may scheduled syang salon activity by 8 AM sa Victor Ortega sa Mandaluyong. So nagkape muna kami sa pantry at konting kwentuhan habang hinihintay si Megs.
Onga pala, finally nag-decide na si Pops na bumili ng bagong cell phone. Ang guess what? Samsung Galaxy Ace din ang binili nya LOL. So ang ending, pare-pareho kaming tatlo ng cellphone. Mukhang na-engganyo na si Pops sa mga oohs and aahs namin over our Android babies. Nagpapaturo ng basics si Pops at natutuwa sya sa features and functions. Buti naman at nagustuhan nya na rin ang Samsung, dahil nung una suklam na suklam sya sa brand na yun.
Gusto nga sana namin kumain sa Soms or at least sa Chic-Boy sa Boni man lang, kaso dahil alas-siete pa lang ng umaga nun, napunta kami sa R&J's Bulaluhan (na long-time favorite ko na rin naman). Catching up over lotsa food!
After the hefty breakfast, pumunta kami sa Bean Perk sa tapat ng RTU para magkape/dessert. It was my first time visiting the coffee shop and I thought it was so-so. OK naman sya, hindi kasing ganda aesthetically like the usual coffee shop but it has its own unique charm.
Ang weird-good din ng mga pangalan ng kape (Choc-nut Frappe, Kahlua Java, White Night in Venice, etc.) and they tasted fine. Pero hindi sya mura ah. 150 pesos for a Grande drink? The Wi-Fi is free pero nung panahon na yun, hindi gumagana ang Internet connection, excited pa naman kaming install-an ng maraming apps ang new toy ni Pops.
Na-mention nga namin na nami-miss na naming mag out-of-town. Sa ngayon wala pa kaming plano dahil sobrang busy pa namin. Hope we can schedule kahit a quick getaway real soon!
-magkakaofficemates na pla lahat kau? nice. ang gala nio, i cant imagine, mas magiging outrageous ngyon kasi mas madali na kayo makakapag schedule ng trippings nyo! arxxx! ansaya. :)
ReplyDeletey deactivated FB mo Teng hehehe
ReplyDelete