9/20/11

Random Rambling on a Tuesday Morning

I love the view of the Pasig River at the break of dawn. Iba yung feeling-- nare-relax ako. The rising sun on the horizon gives me the feeling of hope, the feeling of a new life. It kind of tells me that everything will be OK soon.

Kanina after work, niyaya ako ni Pops na dumaan sa simbahan ng Pasig. Syempre, the kaladkarin that I am, sumama ako and even told her to drop by our high school muna para kunin ko yung year book na 6 years in the making. Napaka-nostalgic ng feeling pagpasok namin sa loob.

Nakaka-disappoint lang na eto lang ang picture na nakuha namin sa quadrangle ng LICS (La Immaculada Concepcion School) nung nakatambay kami sa cashier area. Si manong guard naman kasi, umaaligid sa amin na para bang mangingidnap kami ng bata. Marami na ring nagbago sa pagkakaayos, pero it's the same four corners of our former school, wala naman masyadong reconstruction na naganap. We even saw some of our teachers pero mukhang hindi nila kami namumukhaan, so nginingitian na lang namin sila.

Eto ang street sa labas ng school namin na punung-puno ng masasayang memories. I was transported back in time habang nagre-reminisce na naman (ginawa na namin ni Pops 'to before). Wala na ang LICS Food Center, ang tambayan naming café after class; wala na rin ang LICS Hair Center (the official school salon LOL), at mga vendors sa paligid.


We ended the day saying a little prayer sa tirikan ng mga kandila sa gilid ng Pasig Cathedral.

No comments:

Post a Comment