Hay. Grabe. Pagkatapos nang napakasayang weekend tour sa Ilocandia, pagdating ko sa Maynila ay talagang hindi na ako tinantanan ng problema. Una, parang nagalit na ang mga ka-grupo ko sa coffee shop operations dahil hindi nila ako madalas makita. Eh anong magagawa ko, irregular student ako at isa pa, may trabaho ako kinagabihan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maintindihan ng ibang tao ang mga pinagdadaanan kong hirap. Or siguro wala talaga silang pakialam. Oo nga naman, sino ba naman kasi ako sa kanila para magkaroon na paki. Nakiki-grupo lang naman ako. At isa pa, nabu-bwisit talaga ako sa mga professor na walang konsiderasyon. Mga tipong parang hindi nagdaan sa pagiging estudyante.
Nung Sabado, nakipag-meet ako sa mga ka-grupo ko para nga mag-meeting tungkol sa operations namin para sa week na 'to. Tumulong gumawa ng decorations and nag-usap tungkol sa mga specifics. Pero pagdating nga ng Lunes (ngayon), biglang wala, FAIL.
Alam ko rin namang mali ko. Hindi ako nagising ng maaga para makapunta sa school ng 5:30AM dahil napasarap ang tulog ko at hindi nag-ring ang alarm. Nakita kong naka-stock ang orasan sa 4:00AM; pakiramdam ko eh pinipilit niyang gisingin ako pero hindi na talaga kaya ng enerhiya ng bateryang nagpapatakbo sa kanya. So ang ending, 7:30 na ako nagising. Dumating ako sa school ng 9AM. Nakita ng professor na may pusong bato, at sinabing hindi na niya raw ako tatanggapin sa pagdu-duty-- bukas nalang daw. At ang parusa ay 3 days ng additional duty sa coffee shop. Haaaaaaaaaaaaay.
More stories. Sobrang nako-conflict ang coffee shop operation ko sa work. Imagine: ang shift ko sa coffee shop ko is 5:30AM-9:00PM, at ang shift ko sa work is 10:45PM-3:45AM. Parang nagsasabing, eto ang cuchillo Resty, dalian mo't saksakin mo nalang sarili mo. Eh baka nga hindi pa ako makaligo man lang sa intervals na 'yun. Nag-try akong mag-file ng leave thru my boss pero wala din s'yang nagawa-- at ang sabi pa, wala daw s'yang magagawa-- kung hindi daw ako papasok sa work, kelangan niyang tuparin ang duty niya bilang supervisor at bigyan ako ng karampatang parusa. HOW ENCOURAGING. Kaya nga tinatanong kung baka gawan niya ng paraan diba.
So naging thankful ako na may sakit ako. Nagpatingin ako sa doctor kahapon at na-diagnose na meron akong Upper Respiratory Tract infection at tonsilitis. Humingi ako ng Med Cert at in-advise-an na magpahinga ng 3-5 days. Syempre masaya ako dahil pwede ko na ma-excuse sarili ko sa work na LEGAL. Pinagusapan naman namin ni boss na kung makakapag-present ako ng Med Cert sa paga-absent ko eh OK lang sa kanya. So ayun, gumawa na ata ng paraan ang sistema ko para makalusot sa problema. Kaso nga, solved na sana, pero na-extend naman ng 3 more days ang paninilbihan ko sa hinayupak na operations. Pahirap talaga. Tapos nalaman ko pang meron pang one more week ng operations sometime in March. Idagdag mo pang Midterms Week namin ngayon. Someone please give me poison.
Ayoko na nga munang i-italicize ang mga English words dito. Wala ako sa mood. :(
No comments:
Post a Comment