Sobrang daming nangyari nung mga nakaraang araw-- merong masaya, meron ding malungkot, meron ding mga pangyayaring hindi ko alam kung paano bigyan ng reaksyon.
Hindi ko makakalimutan ang bagyong Ondoy dahil ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko ang katakot-takot na baha sa kanto ng Lifehomes-- well, lagpas tao lang naman. Pero sa street mismo namin, wala namang baha. Kaso walang kuryente, walang signal ang mga mobile networks at wala ring dial tone ang telepono. Siguro masasabi ko naring maswerte na rin kami kumpara sa mga taong nagpalipas ng gabi sa mga bubungan ng bahay nila-- nilalamig, basa at gutom-- para lang hindi anurin ng delubyong gawa ng bente-kwatro oras na ulan.
Lumipas rin ang birthday ko na parang wala namang nangyari. Hindi ko naramdaman, actually. Maraming taong bumati, siguro nga sapat narin yun-- pero hindi ako nag-celebrate. Or-- hindi pa, pwede namang i-postpone muna, tutal eh may krisis pa naman. Hindi na ata ako sanay na hindi nagse-celebrate, dahil tradisyon ko na ang magkaroon ng maliit na get-together tuwing birthday ko.
Kelan lang din, our high school directress passed away. Maraming nalungkot dahil mahal namin ang aming directress na si Mrs. Brown kahit na uma-umaga kaming sine-sermunan noong high school pa kami. Pumunta kaming magkaka-klase sa wake niya kagabi sa Christ the King para makita sana siya kahit sa huling mga sandali, pero nakasara ang casket niya. Nalungkot talaga ako, dahil hindi na na namin alam kung ano na ang itsura ng Immaculada ngayong wala na si Mrs. Brown-- it will never be the same again.
Marami-rami narin pala akong na-invest para sa camera ko, although mumurahin lang naman... nakabili na ako ng flower lens hood at filter. Isusunod ko nalang yung mga lente, tripod, ilaw at flash. Tapos binigyan ako ng camera bag ni Jas (officemate ko na 16 years nang nagshu-shoot), sobrang thankful ako-- tutal hindi naman daw niya nagagamit, birthday gift n'ya nalang raw sa'kin. Thank you Jas! At sa lahat ng taong bumati sa akin nung birthday ko, salamat po ng marami!
10/7/09
9/17/09
Walking Down the Memory Lane
Kahapon, biglang nagtext sa akin si Pops, ang aking bestfriend, na samahan ko daw sya mag-ice cream sa Pasig. Medyo nag-hesitate ako dahil, una, umuulan ng malakas; pangalawa, dahil kulang pa ako sa tulog; pagatlo, bakit sa Pasig ba kailangan kumain nun, at ang huli at pinaka-valid na reason, tinatamad ako. Hehehe. Anyway, nangibabaw parin ang pagiging kaladkarin ko at sinundo niya ako sa dahil wala akong payong.
Dumaan muna kami sa Jollibee at kumain with matching kwentuhan tungkol sa recent visit niya sa Palawan. Diretso kami ng Ice Cream Store para kumain ng ice cream na nilibre niya. At syempre, kwentuhang walang humpay, na kung sa'n-sang topic na kami napunta; from the Old Philippines page sa Facebook hanggang sa mga chismis sa mga high school classmates. At dahil napag-usapan namin ang high school, niyaya ko s'yang dumaan sa aming dating escuelahan (La Immaculada Concepcion School) bago umuwi, dahil bigla naming naalala ang makasaysayang high school life habang nagkwentuhan kami sa tapat ng anino ng Pasig Cathedral.
Habang naglalakad kami sa covered sidewalk, nagpapa-unahan kaming tinuturo ang mga lugar na dating nandoon, na ngayon ay kung hindi sira-sirang bakod ay pinalitan na ng bagong establisyamento. Nagulat din ako sa sarili kong, automatic nang lumalabas sa bibig ko ang pangalan ng mga lugar na higit anim na taon ko nang nilisan, samantalang si Pops ay nag-iisip pa. Dito kami unang nagkakilala ni Pops, at sampung taon naming pinanday ang pagkakaibigan namin sa paaralang 'to.
Tinuro namin ang mga lugar kung san kami kumakain, kung sang gate kami lumalabas, ang mga secret pathways, ang binibilhang mga tindahan after class-- mga lugar na parang kahapon lang ay nandoon pa. Sabay naming pinagtatawanan ang mga masasaya at malulungkot na alaalang nakaukit narin sa mga konkretong pader na naghihiwalay sa amin at sa aming mga classrooms habang kami ay nasa labas.
Saka namin na-realize na andami naming na-miss.

8/29/09
The Number 9
Ugh, ano kayang meron sa numerong "9" at tatlong movies ang ipapalabas this year na may pangalang merong "9?" Dahil ba year 2009 ngayon? Crazy, crazy, crazy.
Nine (Musical) - sorry, bawal daw i-embed.
http://www.youtube.com/watch?v=y_5_lzags3I
9 (Animation) - bawal din daw i-embed. Anyway, 9/9/09 daw ipapalabas 'to. Ugh.
http://www.youtube.com/watch?v=OnoJecu9e7c
at
District 9 - at least ito pwedeng i-embed ang official movie trailer.
Uhmm, excited? More ugh.
EDITED: September 4, 2009/6:44 AM
'Yun lang. Tinanggal din ang trailer ng District 9. Come on and rain on my parade.

8/19/09
Colzenerring Agen
Hay salamat, sa wakas at may trabaho na ako. Kararating ko lang from work, at sobrang natakot ako sa pagdaan sa underpass ng Gil Puyat-Ayala kaninang alas-dos ng madaling-araw. Wala man lang sumabay sa akin kahit pusa. Kung anu-ano tuloy nai-imagine kong makasalubong sa paglalakad, kumaripas tuloy ako ng takbo.
Anyway, sa isang call center ako nagte-train ngayon (pero ayon sa kanila, contact center daw sila, hindi lang call center.) Opo. Call center uli. Matapos kong kamuhian ang trabahong ito a couple of months ago (see older blog posts LOL). Wala naman akong choice, palagay ko pa nga ay mapalad ako kasi nakakita ako ng call center na at least 4 hours ka lang makikipag-gaguhan sa mga kano. Isa pa, hindi nga raw "average Joe" na mga kano ang makakausap namin kundi mga bigwigs ng iba't-ibang kumpanya sa US, so at least hindi na madalas eng-eng ang makakausap ko. Hindi ko muna sasabihin ang detalye sa ngayon.
Nag-enjoy ako sa mga di-ni-scuss sa amin nung orientation: may smoking area sa bawat floor (lumundag sa galak ang baga ko sa tuwa), may libreng gym, may shower room, malaki ang offer sa'kin kahit na per hour ang rate, pwedeng mag-shorts pagpasok sa work at higit sa lahat, 4 hours lang ang minimum na oras na pwede mong gugulin sa pagtatrabaho, so kaya ko pa talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. On the darker side (para maiba naman), malayo ang Makati from my home/school, wala kaming health benefits (ang mga kawawang part-timers), may bayad na piso ang kape (haha, demanding ba ako masyado?), CRT monitors ang katapat namin, ampanget ng shift ko ngayon (10PM-2AM) at pang-horror ang underpass na kelangan ko daanan sa gabi-gabing ginawa ng Diyos. Siguro halatang-halata na kung anong contact center 'tong tinutukoy ko, kung galing ka man rito.
Pero sobrang thankful ako kay Lord na may trabaho na ako. Ang sweldo ko sa apat na oras sa trabahong 'to ay malamang katumbas ng 8 hours na sweldo kung nag-fast food ako. For now, I'll devour this ounce of semi-sweet chocolate bar I bought from Baker's Depot.

8/12/09
My Bucket List
Ok, so ngayon ko officially ili-list down ang mga bagay na gusto ko gawin para maging mas meaningful ang buhay ko. Isa-isa ko silang iko-cross out kapag nagawa ko na, at syempre ikukwento ko narin kung ano nangyari. May mga bagay na mukhang malayong magawa, pero hopefully magawa ko parin in the future. Meron akong aalisin, merong idadagdag, depende sa takbo ng utak ko.
1. Magpalipad ng saranggola sa malaking field
2. Magpicnic sa isang scenic hill
Mag-enrol sa following classes:
3. Capoeira
4. Painting
5. Sculpting
6. Pottery-making
7. Culinary
8. Photography
9. Makagawa ng malaking box/trunk na may lock
10. Makagawa ng print sa T-shirt na MATINO
11. Mapag-aralan at ma-perfect gumawa ng jam/marmalade
12. Magkaroon ng food business
13. Magkaroon ng part-time job habang nag-aaral*
14. Maka-graduate ng matiwasay
15. Mag-masters sa World/Art History
16. Makatuklas ng original art technique
17. Makagawa ng isang kumpletong comic book
18. Makagawa ng isang kumpletong novel
19. Ma-make over ang kwarto ko
20. Makapag-aral ng Marine Biology
21. Matutong lumangoy
22. Mangibang-bansa
23. Makapag-scuba dive
24. Makagawa ng conceptual na photoshoot
25. Makabili ng laptop
...at marami pang iba. Hehehe. Let the kabaliwan begin!
UPDATE:
Aug 23, 2009
13. Magkaroon ng part-time job habang nag-aaral - CHECK!!!! Yay!

8/7/09
Tita Cory: More Than a Political Icon
We were required to make an essay for the former president Cory Aquino who just recently passed away, as tribute to her heroism. Kahapon namin pinasa, at sa gulat ko, nagustuhan ng professor namin kahit na mali ang format na nagawa ko: dapat nakasulat sa yellow paper at written in Filipino, samantalang ang ginawa ko ay pina-print ko sa bond paper at English ang lenggwahe. Bigla nalang ako tinawag at pinabasa ang gawa ko sa harap ng klase na halos ikamatay ko sa hiya.
Sa totoo lang, hindi ko talaga kilala si Tita Cory hanggang sa marinig ko ang mga speech na ginawa ng mga tao at nabasa ko ang mga articles tungkol sa kanya. Saka ko nalang na-realize na isang malaking kawalan si Tita Cory, hindi lang as an icon of democracy but also as a mother. Anyway, here's a copy of the essay I made for Tita Cory, may she rest in peace with Ninoy.
More than a Political Icon
I woke up on a cold and rainy Saturday morning; I thought it was just a couple of minutes past five, and the dawn is still breaking. While the obscurity was still lording over this part of the Earth outside my window, the monitor gleam like the sun the moment I turned the computer on, hurting my still dreamy eyes— and hurting it more when I learned about a bad news, which is sadly forethought save for a miracle. Still unknown to most as they were still snug in their blankets, I figured that while it was the first day in the month of August, it was the last in the life of a person venerated by many Filipinos.
The whole nation mourns for the loss of Corazon Aquino, a strong woman who succumbed to a relentless disease which also plagued her mother. After more than a year of battle with the vile colon cancer, she now rests in peace, and hopefully is somewhere out there with Ninoy who I am sure she missed so much.
Cory Aquino was nominated for a Nobel Peace Prize but lost to Elie Wiesel, a Romanian Holocaust survivor; nevertheless, she was hailed “Woman of the Year” by Time Magazine in 1986 when she, admittedly a non-political person, led the Filipino nation to a bloodless revolution and overthrew the autocratic Marcos regime.
To me, with all honesty, Cory was just another figure in my history book. I blame that to the fact that I was still being conceived when she showcased her diplomatic feat. As I was taught on how marvelous the deeds of this wonder woman were, I eventually learned that she is the icon of Philippine democracy. Unfortunately, it stopped there. I felt no emotional attachment to a hero I grew up with. I am saddened, yes; but I was not grieving.
Then there came the time I realized that Cory is more than a political icon.
I’ve had the chance to watch her requiem mass on TV, where her remains laid inside the Manila Cathedral. To be laid inside this majestic shrine of our culture and religion is especially reserved to the deceased archbishops. The fact that such a privilege was given to a lay woman like Cory shows how amazingly loved this woman is. I learned how devout to the Almighty she was. When I heard the eulogies declared for her, I realized that as a counsel, she was prudent; and as a leader, she was meek. I was moved on how her children, her friends and relatives lament over her loss as they hardly stop crying. What made her a treasure to me is not only because she became a tool to reshape the country’s fate, but also because she was a great mother to her children, and an epitome of kindness among the people.
She was more than just another President in the pages of our history book. She was more than just another political figure. To many, if not most of us, she was a trusted friend, a reliable ally, a beloved leader, and a caring mother, not just to his children, but to the rest of the Filipino people as well. The yellow ribbons scattered all around the Metro is a manifestation of how lucky we were to have her even for just a while, and that the Philippines will never have another Tita Cory.
To Tita Cory, who is watching us from up above, I’ll raise my Laban sign up in the air, and say “Ipagpapatuloy ko.” And we, the youth of the nation, will continue to fight and defend the democracy you have bestowed upon the Filipino people.
requiescat in pace,
Maria Corazon "Cory" Sumulong Cojuangco Aquino
(January 25, 1933 – August 1, 2009)

7/29/09
I Wish I Lived in Old Manila
Trip na trip ko ngayong tignan ang mga pictures at panuoirin ang videos ng Old Philippines sa Facebook at YouTube. Na-realize kong napaka-ganda ng Pilipinas dati, bago ang gyera; nung mga panahong sakop pa tayo ng mga Amerikano. Isa 'to sa mga videos na nakita ko na nagpapakita ng tour sa Manila-- ngayon, nagtataka ako kung nasaan na ang mga magagandang buildings at artworks na dating nakakalat sa buong Manila:
Nasayangan ako sa mga structures na ito na hindi man lang na-preserve ng maayos. Sana man lang nagkaroon ng batas dito sa Pilipinas na pinagbabawal ang pag-demolish sa mga lumang infrastructures para mapanatili natin ang culture natin. Hay.

7/22/09
When Can I Smell Victory?
I just bought this really interesting item sa isang surplus shop kanina: it's an Eastern-inspired oil burner that I scored for 99 pesos. Actually, maraming magagandang oil burners na nakahilera sa shelf pero ito ang pinakagusto ko-- simple, pero chic. Meron din silang scented oil na binebenta sa napakamurang halaga-- 3 phials for 99 pesos, assorted scents na; I bought the pack which includes citrus, 4 fruits and mint. Unfortunately, hindi kabanguhan ang mga scented oil, ano pa nga ba ie-expect ko sa presyo. Overall, not bad for 99 pesos.
Hanggang ngayon, wala parin akong nakikitang part-time na trabaho. Sisiguraduhin kong bukas na bukas, tatanungin ko ang isa kong classmate na manager-in-training sa Figaro kung pwede akong mag-apply dun. Ewan ko ba, gustong-gusto ko magtrabaho sa coffee shop. Hindi ako magsasawang langhapin ang amoy ng roasted coffee beans. Sana lang talaga magkaroon na ako ng work. Nag-aalala narin sila mama at papa. Ayoko namang umasa sa kanila kapag nawalan na talaga ako ng pera.
7/16/09
Random Thoughts: July
Nako. Nadukutan pala ako ng cellphone 2 weeks ago. Nakaka-badtrip; pano ba naman, eh kapapalit ko lang ng housing nun, tapos lagi ko nang nilalagay sa leather casing para hindi na magasgasan tapos biglan ninenok. Gago eh 'no. Ang masama pa nun, sa Pureza pa ako nabiktima, daan papuntang school, mga 7:30 AM, naaalala ko tirik na tirik pa ang haring Pebo. Parang sa ilang taong dumadaan ako rito, ngayon lang nangyari sa'kin 'to. Pero sa totoo lang, hindi ako nagdamdam masyado sa pagkakawala; medyo luma narin kasi ang modelo, nagbabadya yatang kailangan ko na ng bagong cellphone. Buti nalang meron pa akong ipon, dahil sa araw na nawalan ako ng cellphone, diretso ako ng Greenhills pagkatapos ng klase para bumili ng kapalit. Hindi po 'yun kayamanan, utang na loob. Napaka-kritikal lang talaga ng cellphone sa buhay ng estudyante ngayon, lalo na't irregular student ako. Isa pa, low end lang naman ang binili ko.
Anyway. Nag-try pala akong mag-apply sa Starbucks as barista, unfortunately hindi ako pumasa. Ewan ko kung bakit, baka hindi ako pang-barista talaga. Sayang, gusto ko pa naman maging barista. Pero OK lang, baka may mas magandang opportunity para sa akin. Sana nga. Nauubos na ang pera ko; kailangan ko nang pagkakakitaan. Hay.
Onga pala, yang shot na 'yan sa taas, galing sa SLR ko. I think it's my best achievement this year (well, I guess, so far)-- ang makabili ng SLR! Yesss!!! Katas ng backpay! Thank you Lord!!

7/1/09
On Saying Goodbye Over and Over Again
I'm officially a bum again.
Kare-resign ko lang sa Capital IQ kahapon. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman -- naiinis ako na parang natutuwa. Naiinis, dahil sayang ang opportunity na nakapasok ako sa prestihiyosong kumpanya na ito -- sobrang hirap makapasok dito, at isa ako sa mga lucky ones na iyon. Natutuwa, dahil makakabalik na ako sa pag-aaral. Sana matapos ko na ang course ko ng walang problema.
Binabasa ko kanina ang mga previous blog entries ko. Binalikan ko ang mga posts na nagpapa-alala sa akin kung gaano ako ka-excited na malaman ang resulta ng pag-a-apply ko sa kumpanyang 'to. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nagtagal sa kumpanya na iyon. Ayoko nang bumalik sa call center...
Mami-miss ko, higit sa lahat, ang mga taong nakasama ko sa dalawang buwan na pamamalagi ko rito.
Lord, kayo na po bahala sa akin.

Subscribe to:
Posts (Atom)