Hay salamat, sa wakas at may trabaho na ako. Kararating ko lang from work, at sobrang natakot ako sa pagdaan sa underpass ng Gil Puyat-Ayala kaninang alas-dos ng madaling-araw. Wala man lang sumabay sa akin kahit pusa. Kung anu-ano tuloy nai-imagine kong makasalubong sa paglalakad, kumaripas tuloy ako ng takbo.
Anyway, sa isang call center ako nagte-train ngayon (pero ayon sa kanila, contact center daw sila, hindi lang call center.) Opo. Call center uli. Matapos kong kamuhian ang trabahong ito a couple of months ago (see older blog posts LOL). Wala naman akong choice, palagay ko pa nga ay mapalad ako kasi nakakita ako ng call center na at least 4 hours ka lang makikipag-gaguhan sa mga kano. Isa pa, hindi nga raw "average Joe" na mga kano ang makakausap namin kundi mga bigwigs ng iba't-ibang kumpanya sa US, so at least hindi na madalas eng-eng ang makakausap ko. Hindi ko muna sasabihin ang detalye sa ngayon.
Nag-enjoy ako sa mga di-ni-scuss sa amin nung orientation: may smoking area sa bawat floor (lumundag sa galak ang baga ko sa tuwa), may libreng gym, may shower room, malaki ang offer sa'kin kahit na per hour ang rate, pwedeng mag-shorts pagpasok sa work at higit sa lahat, 4 hours lang ang minimum na oras na pwede mong gugulin sa pagtatrabaho, so kaya ko pa talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. On the darker side (para maiba naman), malayo ang Makati from my home/school, wala kaming health benefits (ang mga kawawang part-timers), may bayad na piso ang kape (haha, demanding ba ako masyado?), CRT monitors ang katapat namin, ampanget ng shift ko ngayon (10PM-2AM) at pang-horror ang underpass na kelangan ko daanan sa gabi-gabing ginawa ng Diyos. Siguro halatang-halata na kung anong contact center 'tong tinutukoy ko, kung galing ka man rito.
Pero sobrang thankful ako kay Lord na may trabaho na ako. Ang sweldo ko sa apat na oras sa trabahong 'to ay malamang katumbas ng 8 hours na sweldo kung nag-fast food ako. For now, I'll devour this ounce of semi-sweet chocolate bar I bought from Baker's Depot.
No comments:
Post a Comment