At sa wakas ay natapos na ang mga kalbaryo ko sa school. Pasencia na ma'am Tina, pero hindi na po ako aako ng isang mabigat na responsibilidad next time hehehe. Mahirap talagang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, kaya sa mga estudyanteng balak umalis sa pag-aaral at gusto na lang magtrabaho, THINK AGAIN! I learned it all the hard way.
Medyo nae-excite na ako sa Hotel Practicum namin sa darating na 2nd sem. At the same time, nalulungkot din ako dahil iiwan ko ang isang trabahong naging second home ko for a year. Yes, I will have to say goodbye again. Ilang beses na nga ba akong nagpaalam sa mga taong natutunan ko nang pahalagahan? Ganun yata talaga ang buhay, wala talagang nagtatagal. Pero syempre, hindi matatapos ang pagkakaibigan namin sa resignation ko hehehe. We'll see to it na may mga gala kami every once in a while.
Masyado pa yatang maaga para mag-emo....
ano ba yan Teng...drama mo. hahaha...buti ok ka na...ikaw talaga, dapat nagpacheck up ka parin noh! tandaan, health is wealth.
ReplyDeleteano ba yan Teng...drama mo. hahaha...buti ok ka na...ikaw talaga, dapat nagpacheck up ka parin noh! tandaan, health is wealth.
ReplyDeleteYeah, I already did. Nothing serious about the findings so far, pro kapag nagtagal pa raw ng another 3 days yung lagnat ko while taking the prescribed meds, kelangan ko na magpa- CBC. Thanks!
ReplyDelete"Ganun yata talaga ang buhay, wala talagang nagtatagal. Pero syempre, hindi matatapos ang pagkakaibigan namin sa resignation ko hehehe."
ReplyDeleteAhem! Parang yung saten natapos na. Charot! Hahhaha. Malamang asar ka na. Kakagatong namen sayo. Oist, what's the epistaxis about!?! Konting kain ng ampalaya saka atay tsong.
Pinag-eemailan lang natin to sa training dati, now ito na nakaraos ka na at konti nalang. So proud of you boy_friend! Nawa'y matuloy na yung foodography naten. Text text!
@Maan: LOL. Hindi ah! Eto naman matampuhin hahahaha! Syempre hindi matatapos dun ang adventures natin. Ewan ko ba, bakit ganto feeling minsan, parte nga yata talaga ng QLC 'to.
ReplyDeleteAnd I'm very thankful na bago man lang ako bumalik sa school, I met you guys. Salamat sa lahat ng suporta, and oo nga, sana matuloy na yung food adventure naten. Keep in touch!