8/11/10

Random Thoughts: August

Kelan lang, nagkaroon ako ng lagnat na nag-last for 5 days. Akala ko nga dengue na, dahil bukod pa sa on-and-off na lagnat ay nagdugo pa ang ilong ko nung nakasakay ako sa LRT papuntang school, nakakahiya tuloy. Buti nalang na ngayon, OK na ako. Pangalawang araw ko nang walang lagnat, at dahil dun hindi na ako nagpa-check up sa doctor. Sana nga eh simpleng trangkaso lang yun dahil sa pabago-bagong panahon.

At sa wakas ay natapos na ang mga kalbaryo ko sa school. Pasencia na ma'am Tina, pero hindi na po ako aako ng isang mabigat na responsibilidad next time hehehe. Mahirap talagang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, kaya sa mga estudyanteng balak umalis sa pag-aaral at gusto na lang magtrabaho, THINK AGAIN! I learned it all the hard way.

Medyo nae-excite na ako sa Hotel Practicum namin sa darating na 2nd sem. At the same time, nalulungkot din ako dahil iiwan ko ang isang trabahong naging second home ko for a year. Yes, I will have to say goodbye again. Ilang beses na nga ba akong nagpaalam sa mga taong natutunan ko nang pahalagahan? Ganun yata talaga ang buhay, wala talagang nagtatagal. Pero syempre, hindi matatapos ang pagkakaibigan namin sa resignation ko hehehe. We'll see to it na may mga gala kami every once in a while.

Masyado pa yatang maaga para mag-emo....