I love beaches. Kapag nakaupo ako sa buhangin sa tabi ng dagat, nawawala lahat ng pagod, puyat at problema ko. Nakaka-kalma ang tunog ng alon na pumapalo sa buhanginan, ang preskong simoy ng hangin at ang bughaw na langit na nakikipagtagpo sa bughaw ding tubig ng karagatan.
Enough of the Balagtasan style of writing.
Sobrang saya ko na I was able to hit two beaches in just one month, namely Aurora and Zambales. At gusto ko pa uling pumunta sa beach! Mukhang mapapadalas ang dalaw ko sa dagat dahil sobrang nag-enjoy ako kasama ang mga kaibigan ko, pero minsan ita-try ko ring magpunta sa dagat ng mag-isa. Ano kayang feeling nun? :)
So eto ang listahan ng mga dagat na nasa Luzon lang na gusto ko puntahan. 'Wag muna sa Visayas at Mindanao dahil malaki-laking ipunan yun hehehe.
1. CALAGUAS ISLAND, Camarines Norte.
(photo from rycerocks.multiply.com)
2. CAGBALETE ISLAND, Quezon Province.(photo from gurlastig.files.wordpress.com)
3. JOMALIG ISLAND, Quezon Province.
(photo from expat-blog.com)
4. MAGALAWA ISLAND, Zambales.
(photo from flickr.com/vinson010986)
5. BALAKI ISLAND, Pangasinan
(photo from lantaw.blogspot.com)
So hindi nyo naman napansin na gusto ko sa mga pulo no? Hehe. So what are you waiting for? If you wanna go to these places, just hit me up and let's plan our trip LOL
No comments:
Post a Comment