2/22/10

Simba-simbahan

Sa wakas, sa tinagal-tagal ng nilalagi ko sa Manila ay na-Kodakan ko na ang napaka-kontrobersyal na San Sebastian Church sa San Miguel. Actually sinamahan ko lang magsimba si Megs dito dahil gusto nya rin makita ang loob. Ang masasabi ko lang-- wow. Walang katulad sa buong Pilipinas ang all-steel Neo-Gothic architectural style ng simbahang 'to. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong retratuhan ang loob ng simbahan kaso boloks naman kaya hindi ko nalang ipo-post LOL. At nag-attempt din akong kunan ang simbahan ng San Agustin dahil sa dinami-dami ng beses ko nang napuntahan 'yun, wala parin akong matinong picture. Resulta? Wala paren hahaha. Hindi talaga photogenic ang lola ng lahat ng simbahan sa Pinas-- pero masasabi kong ito so far ang pinakamaganda sa lahat (lalo na ang Baroque style neto sa loob) ng simbahang nakita ko.

It's such a shame na nagawa ko ngang HDR ang picture ko ng San Sebastian sa taas pero yung "pseudo" effect naman. Hindi ko parin matantsa ang conversion gamit ang multi-bracketed photos. Aaaarrrggh somebody help me!

Sana may furnace yun tutuluyan namin sa Baguio this coming weekend. Parang trip ko yung fireside kwentuhan at inuman with matching lutuan ng DIY smores. Yumm!

No comments:

Post a Comment