5/31/09

Define "Kadiri"

Eeeyyyewwwwww.... *kolehiyala-style*

Isang mapait na karanasan, pero pwede pang pumait kung nagkataon.

****************************************************************************************************************

Maulang Sabado iyon, inaasikaso ang enrolment ko sa school para sa nalalapit na pasukan. Galing na ako sa department namin, at sabi ng chairperson namin tignan ko raw sa ibang department kung meron silang ino-offer na gan'tong subjects since inalis na nga nila ang subject na iyon sa curriculum na bago. In short, I will have to cross-enrol sa ibang course. Cool.

Eh 'di lakad ako sa department na nag o-offer nun. Hindi ako nag e-expect na may tao sa office nila since Sabado nga naman. Nakakatakot nga ang school, kulang nalang eh multo para masabi mong haunted talaga yung lugar. So tambay ako sa bulletin board sa harap ng opis ng Mystery Department na 'to, tinignan ang mga schedule na naka-paskil kung meron ba akong pwedeng i-singit sa aking hectic na schedule.

Maya-maya, merong lumapit na matandang lalake, mukhang meron syang susi sa naka-padlock na pinto ng opisina. Tumingin s'ya sa'kin.

"Bag mo ba 'yan?" tinuro n'ya ang bag ko na nakalapag sa sahig, at binuksan ang pinto ng opisina ng Mystery Department.

"Yes sir." sagot ko habang pinapa-pawisan, nagpa-paypay ng cardboard na may advertisement ng cellphone.

"Bakit? Meron ka bang kelangan dito?"

"Tinitignan ko lang ho kung merong gantong subjects na ino-offer dito.." sabay pinakita ko sa kanya ang papel.

"O sige, tara sa loob."

So pasok kami sa opisina.

"Kluck--- click!," tunog ng doorknob at latch na ni-lock na pinto ni sir.

Napa-lunok ako, in-associate ko tuloy 'yun sa pagkulot-kulot ng boses n'ya habang kausap n'ya ako kanina. Pero syempre, think positive muna ako. Malay mo malambing lang talaga magsalita yung tao.

"Tignan mo dun sa mga papel dun, kung meron pang bakanteng sections na pwede kang mag-enrol."

Merong isang kwarto roon na may mga papel na nakalatag sa table. Tinignan ko. Mga subjects. Nakita ko ang subject na hinahanap ko. Unfortunately, nag-iisa na lang ang available at hindi swak sa schedule ko sa work.

Paalis na sana ako, nang lumapit si sir na may dalang papel.

"Eto yung curriculum."

Lumayo talaga ako sa kanya dahil sumasanggi na ang braso nya sa akin.

"Thank you po, pwedeng akin na lang ho 'to?"

"Sige." ibang klase na talaga ang tingin at ngiti ni manong.

Magpapaalam na sana ako, actually nasa pinto na ako at readyng-ready na i-unlock ang pinto, pero andami nyang tinatanong sa'king kung anu-anong mga bagay. "Bakit ka nag-stop? S'an ka nag-work? Anong work mo?" Blah blah blah. Hindi ako bastos sa matanda kaya sinasagot ko naman ng maayos ang sangkatutak na tanong nya, parang labas sa 'kin eh delaying tactics. Bulok na ho yan.

May biglang kumatok sa pinto.

Nag-iba ang mood ng manyakis.

"Iho paki-buksan nga." parang gusto ko sabihin, "I'll be more than happy to!"

Merong mga estudyanteng babaeng pumasok, may tinatanong tungkol sa uniform. Mukhang freshmen.

"Ah wala, hindi dumating yung nagsusukat." nagsusungit na sabi ng matanda.

Nagpaalam narin ako sa wakas. "Sir mauna na ako. Salamat po."

Parang gusto kong habulin si ate at i-treat sya sa Chowking sa sobrang saya ko sa Divine Intervention na iyon. Sobrang pinagpawisan ako. Palabas na 'ko ng impyernong iyon, biglang sabi nya:

"Pahinga ka muna dito o..." sabay turo sa upuan na nakatapat sa electric fan.

"Salamat nalang ho, nagmamadali narin ho kasi ako."

Nanay ko po, halos tumakbo na 'ko sa pag-alis.

5/27/09

Putres de Mayo

Wow.

Nae-excite na ako mag back-to-school. Bakit kaya? Eh halos wala na nga akong kakilala sa darating na school year. In fact, prof na doon ang isa kong classmate dati. So malaki ang chance na maging prof ko sya sa isa sa mga subjects ko hahaha.

Anyway, natapos na pala ang paghihirap ko sa pagiging returnee. Masaklap pa sa buhay ni Sisa ang dinanas ko sa pag-aasikaso ng bwakanangenang re-admission. Umaga palang, nasa school na ako (school's name is not mentioned to protect its employees, LOL), sabay hapon pa dumating yung mag i-interview. Sabay nung ako na yung kinakausap ng nagi-interview eh sobrang dami pa nyang pinagawa sa'kin, umabot tuloy ng alas-otso ng GABI. Well at least natapos ko. Thank you Lord!

Tapos sabay balitaan ba ako ng mga ka-opisina ko na may FINAL WARNING na daw ako sa work. Aba, ayos ha, dahil um-absent ako at may sakit kinabukasan! Huwow. Sobrang nainis ako at gusto ko nang maghanap ng ibang trabahong malilipatan. Iniisip kong mangapit-kumpanya (Thomson Reuters, LOL). Pano ba naman kasi, training palang, meron kagad ganun???

Pagkatapos kong mag-senti ng nag-uumapaw, sabi sakin ni Maan,



JOKE LANG.



Wahahahaha. 'Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Pero syempre natuwa ako. Ayus!!!

5/5/09

The Heaven that is the Cordilleras


Egad
. Kagagaling ko lang ng Sagada at Banaue and I should say, napakaganda ng lugar na 'yun. Sooooooooooper, as in undescribable. Kaming dalawa lang ni Jeric ang natuloy sa backpacking trip na 'to, but we really had a great time sa bulubundukin ng Cordillera. Yung girls, di sumama dahil may "bagyo" daw, yeah right. Tignan n'yo nalang ang sinag ng araw sa mga pictures dito kung umulan. Anyway. Dumating kami sa Victory Liner sa Cubao ng 1 AM, at sobrang nagulat ako sa dami nang taong aakyat ng Baguio (well, dapat prinesume na namin 'to dahil long weekend nga naman). Sabi sa'min, 5:00 AM pa raw yung pwede namin masakyan; so lipat kami sa kabilang station, may nakita kaming bus na walang ticket booth, tipong sa bus ka na magbabayad (I forgot the name of the bus line). We waited sa pila for a couple of hours, then 3:30 AM ay nakasakay na kami at last. Nakatulog sa bus, at pagkagising ay nasa Baguio na kami (wow, di namin napansin ang stop-overs hahahaha). Pagdating ng Baguio, taxi kami to Dangwa station and boarded a non-airconditioned bus (kung meron mang aircon bus, I recommend na sa ordinary nalang dahil mag-eenjoy ka ng sobra sa open-air na view ng mountains at super lamig ng hangin). Konting stop-overs sa mga major towns, kain, yosi of course to keep us warm and tuloy tuloy na to Sagada. Doon ko na-realize na sisiw pala ang long and winding road ng Baguio compared sa daan papuntang Sagada; halos wala nang mga harang ang bangin, hehehehe. Pagkadating namin ng Sagada, napa-wow talaga ako sa surroundings... lahat ng tignan mong view ay scenic.

Eto ang view sa likod ng tinuluyan naming bahay, around 6AM

Dumating kami ng Sagada around 4:30 PM, nag-stay sa Kanip-aw Pine Lodge (thanks kuya Wencel and Dorothy aka Domyang!) binisita namin ang Lemon Pie House na sobrang lapit lang (no sarcasm there, as in tatawid ka lang ng kalsada at onting lakad lang) para makatikim ng lemon pie at super sarap na lemon tea.

relax muna bago magpahinga

Kinabukasan, maaga kaming nagising para kumain ng breakfast sa Lemon Pie House (sarap ng sausage ha) at sumugod sa office ng SAGGAS (tour guides) para mag-inquire about the tours. Na-meet namin si Manong Jacob ('di ko alam ang native name n'ya) at nag-hire ng jeep para dalhin kami sa mga dapat namin puntahan. Dalawa lang ang pinuntahan naming major spots sa Sagada pero sobrang nakakapagod at saya. First destination: trekking to Bomod-Ok Falls.

welcome to Sagada

lovely landscape. meron silang mini rice terraces dito

konti nalang Jeric... kita na ang falls!

we're here at last. iced water ata meron dyan sa falls na yan, sobrang lamig

Sobrang haba ng nilakad namin. Puro pababa, pero nakakapagod paren knowing na sobrang layo ng nilakbay namin. You'll literally have to climb up and down the mountain. Inabutan kami ng lunch, kumain muna sa Salt and Pepper's ng sobrang laking manok (ayus pala serving ng food dito, pang mountaineers talaga). Then off to Sumaguing "Porn" caves to do spelunking. Isa pa 'tong sobrang sayang trip! Maliban nalang sa paghawak mo sa guano (bat shit) every now and then dahil kelangan mo talaga minsan gumapang sa bato.

pababa ng kweba

one of the most interesting finds, shell fossils (I'm assuming they are of marine origine) na naka-embed sa walls ng cave

basang basa at lamig na lamig, kaya may jacket paren hehe

paakyat!!

Sobrang nakakahingal ang caving. Buti nalang napaka-helpful at infomative ng guide namin. Galing mo sir Jacob! Dumidilim na kaya dumiretso na kami sa lodge para magpahinga at mag-dinner. Hindi na kami nakadaan ng Echo Valley para sa Hanging Coffins, oh well. Kinabukasan kasi aalis na kami ng maaga so baka next time nalang 'yun (sana nga may next time hehehe).

So 6 AM, punta kami sa terminal ng jeep sa kanto para sumakay ng byaheng Bontoc. 1 hour daw ang byahe. Pagdating sa Bontoc, we boarded the bus bound for Banaue. International ang old-school na bus na yun, kasama namin ay iba't ibang foreign backpackers. At kung walang binatbat ang long and winding road ng Baguio sa Sagada, panis silang lahat sa byaheng Banaue dahil one-way lang ang daan sa gilid ng bundok; sobrang nipis ng daanan with matching thick fog pa.

example ng daanan na binagtas namin from Bontoc to Banaue

stopover muna... parang eto ang bayan ng Silent Hill (wow hindi naman ako masyadong na-hook sa Silent Hill franchise no?)

Tumingin-tingin ako sa mga tao sa loob ng bus, parang, wala lang, habang yung bus na sinasakyan namin eh gumegewang-gewang sa daan dahil sa winding mountainside road. Buti nalang, hindi maulan, foggy lang; pero medyo madulas parin ang ibang daan dahil sa moisture. After prolly 8 hours, we're finally in Banaue. Whew!

UNESCO World Heritage Site Ifugao Rice Terraces

Ang ganda pala talaga ng Rice Terraces ng Ifugao. I was dumbfounded when I saw this scene. I fell in love with the Cordilleras. Babalik ako dito, promise. Marami pa akong na-miss sa Sagada!!!

4/11/09

Random Thoughts: April

At eto nga ang itsura ng hallway ng building na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Parang anytime eh mabubulok nalang ang walls, ceiling at floor neto at kakainin nalang ako ng buhay (Silent Hill style). Lalo na't Black Saturday ngayon; parang anytime eh may lalabas na maligno sa mga salamin. Ang masaklap pa, walang katao-tao sa buong building; parang ang floor lang namin ang may tao. Eerie, kasi walang background music, kaya lahat ng footsteps eh maririnig mo. Anyway, 4 days nalang at sweldo na! Yay!!!Anyway, my discovery of this pineapple is the highlight of my day. Kanina, nagyo-yosi at umiinom ako ng juice sa rooftop namin, naglalakad-lakad sa "little garden" ni mama at nakita ko ang pinya na 'to, seated on its glorious throne surrounded with spikey leaves. Maliit palang, mga 7 inches siguro. It's just surprising to see this lovely fruit in an urban neighborhood.

4/7/09

Like, I Suddenly Hate You

Your face
Like water seeping into the ground
Imbibed by my heart

Moments with you
Like cherry blossoms in autumn
Faded away so soon

Tears like rain
Gathered on sundews
Memories of you lingered

Like a pine
Tried to live happy during the winter
Cones are budding

You're back;
Like an ironwood tree so high
I suddenly hate you


- Haiku in Melancholia Humor, pallida Mors

3/30/09

March 30: The Feast Day of the Goddess Salus

8:57 AM.

Pupungas-pungas akong bumangon mula sa pagkakahiga kanina, inaantok pa ako.

Pa'no ba naman, eh alas tres ng madaling araw na ako nakatulog kanina, balak ko talagang magpuyat kanina para makatulog ako sa umaga, dahil may shift na naman ako mamayang gabi.

Pagka-on na pagka-on ko ng computer, nag-ring ang cellphone ko...

"Brother A to Z... Yo, what time is it... doo-doo-doo...."

Tumunog na ang ringtone ko na kanta ni Jason Mraz, "Geek in the Pink."

Landline number ang tumatawag sa'kin, ayaw ko sagutin.

Tapos biglang napa-mura ako: bulong ko sa sarili ko, tangina!!!!

Sabay pulot ng cellphone na nagba-vibrate sa mesa. Bzzzzzt. Pick me up, idiot
"Hello... may I talk to Resty? This is Diane from Capital IQ..."

PAKINAMSHET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pumasa ako!!!

At kinausap nga ako ni Miss Diane. Sinabihan tungkol sa job offer schedule at tinatanong kung magkano daw previous salary ko. Dang. Magkano kaya io-offer sa'kin? Excited na ako!

Pagkatapos ng tawag na 'yun, para akong kunehong umii-skip skip sa kwarto. Para akong tanga, kulang nalang magta-tumbling ako.

Ang saya saya ko.... thank you po Lord!!!!

Worry ko pa nga rin lang 'yung sa school. Sana makapag-enrol parin ako at makapag-aral despite the demands of the job.... 'Di bale. We'll burn the bridge when we get there. Hahahaha!

3/26/09

It's Backpay Time

Ang backpay. Bow.

Napakalupit ng tadhana... (yun o.. emo ka'gad? Dahil lang sa backpay?)

Pagkagaling na pagkagaling ko sa opisina galing shift, na as usual eh wala naman kaming ginawa kung hindi mag-surf sa Internet (hindi pa kasi ready ang mga credentials namin) buong shift, dumiretso nga ako sa dating kumpanya ko sa Makati para ayusin ang tumataginting na backpay. Pitong department ang dapat magpipirma sa aking clearance, at so far dalawa palang ang may pirma. Ilang araw na din ang lumipas, bakit nga ba hindi ko inasikaso yun noon pa, nung mga panahong wala pa akong trabaho? Siguro alam mo na ang sagot d'yan. Tinatamad ako. Hehe.

Masisisi mo ba ako? Kung ang opisina mo e napakalayo. 1 hour FX ride???? Tapos kung mamalasin ka pa eh mata-traffic ka pa sa mga traffic points: Lifehomes, Rosario, Bagong Ilog, C5-Kalayaan Intersection, Buendia, Ayala. Naalala ko tuloy yung one time na pauwi ako galing work: 8AM ang out ko, 11 PM na ako nakauwi! Iritang irita ako sa trapik na yan. Eh pawisin pa naman ako, so kahit aircon ang FX, walang sinabi sa sinag ni Haring Araw lalo na pag pa-tanghali na.

Going back to the story... dumating ako sa office ng 7 AM. Saktong paalis na rin ang mga ex-officemates ko. Konting kwento-kwento at yosi muna sa labas bago ako umakyat at asikasuhin ang clearance. At pagpanhik ko nga, matapos ang diskusyunan with my former supervisor, sabi n'ya unfortunately walang pipirma sa oras na yun. Pffft!!!!! Kasi daw iba-iba ang shift nila. Wooooooooooooooooooow. Bwisit! Resigned na nga ako bibigyan pa nila ako ng problema sa backpay na yan. Bakit naman sa ibang company wala nang ganyan eche-bureche. Isosoli mo lang mga gamit nila, hintay ng ilang buwan bago i-release ang pera. Eh dito, isang buwan mo nga lang hihintayin eh magpapa-balik-balik ka naman para hanapin 'yung mga taong dapat pipirma. Maiintindihan ko kung nag-aasikaso ako ng papeles para bumalik sa pag-aaral eh (mas madali pa nga 'yung sa PUP). Eh ito, sakit ng ulo!!!! Pwede ba!!!

Nakakainis.

Wala na akong pera eh..... huhuhuhuhu

3/25/09

Welcome to Silent Hill. Enjoy your stay.

At ayun nga.

Nag-start na ako sa Crappy Company, 2nd day ko kanina to date. So far, so so-so (wow that's accidental wordplay). Sa totoo lang, since medyo marami-rami naring centers ang napuntahan ko, so far this is the worst aesthetically; pantry is like a stock room, the production floor is cluttered, the computer's productivity suite (e.g. word processor, spreadsheet, etc) is, err, cheap (actually download-able sa Internet for free), the CR reminds me of Silent Hill, yung elevator parang babagsak anytime, the list goes on. Pero on the brighter side... sobrang petiks ng trabaho dito. 'Di namin nararamdamang nagte-training kami, pa'no iniiwan lang kami ng mentor namin sa stations para magbasa ng online resources. So ano pa nga bang pwedeng gawin 'pag bored na? Internet! Ang Internet dito ay open, walang naka-block. Legal ang Yahoo Messenger dahil 'yun ang communication platform among the employees... so nakakausap ko pa ang mga tao sa labas. Pero may mga activities rin namang pinapagawa sa amin para meron naman kaming idea kung ano talaga ang ginagawa ng mga binabayaran dito. Hehe.

Nae-excite na ako sa results ng exam ko sa Capital IQ. Sana pumasa ako, hehe.

At heto na naman ako sa dilemma ng career ko. Feeling ko, makakapag-enrol nga ako sa school, pero dahil sa stress, mapapasukan ko pa kaya ang mga subjects ko? This April ko na makukuha ang transcript ko.

Sana naman wala akong pagpilian. God, give me a sign please.

3/19/09

Of Interviews and Isaws

Oh Lord patawarin n'yo ako.

Kasa-sign ko lang ng contract sa isang kumpanyang wala naman talaga akong balak karirin. Itago nalang natin siya sa pangalang... uhmm... Crappy Company. Kelangan ko ba mag-explain? Pero kahit the name suggests its office's look, OK naman ang offer sa'kin. Aba, di hamak na mas malaki ang sweldo kumpara sa dating kumpanya ko bago ako napunta sa pinakahuling company na pinasukan ko. Ang gulo no? OK lang, wala naman talaga akong balak i-explain eh. Knowing na hindi ka na makikipag-usap sa mga Kano this time, pero maganda ang pasahod.

'Yun na nga. Crappy Company is located in... one of the business hubs in Manila. The building that houses it looks crappy unsurprisingly, hence the companies inside it. Medyo infamous na nga ang building na 'to sa mga call center people, kesyo nandito daw ang mga bogus na outbound campaigns na mahilig mang-scam. Pero ewan ko. Natakot ako sa elevator, medyo luma na ata, o siguro paranoid lang ako kasi madalas mag-isa lang ako sa loob, kaya naririnig kong "nagrereklamo" na ang mga makinarya. Tapos pagdating sa office mismo, hindi naman sa pangmamaliit, pero sobrang liit din kasi ng opisina. Nandun na ang lahat, sa isang unit; take note, isang unit: production floor, HR, reception. Habang naghihintay sa interview, nakikita mo trabaho ng mga agents.

Pero ang masaya dito ay napaka-laid back ng culture. Lantarang pagi-install ng Yahoo Messenger, kainan sa floor, walang headset, at mababait ang tao.

Pero sa tingin ko hindi rin ako magtatagal dito... pero who knows? Sa Sabado kasi exam ko sa transcriptionist job na gusto ko (pero sa May pa ang start ng training). Kapag pumasa ako sa exam at na-schedule na ako for the training, buh-bye Crappy Company.

Ang sarap ng feeling ng pumapasa sa trabaho. Nakakalaki ng ego. Hahaha yak, ego-trip. Kaya pag-uwi ko, I treated myself sa kanto ng Lifehomes.... Wheels!! Sarap!!


Tapos bumili ako ng Lucky Me! Pansit Canton Sweet and Spicy, itlog, Cheesecake ng Lemon Square at C2 Apple. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay (around 3 AM na siguro), nilagay ko na sa saucepan na may tubig ang itlog at binuksan ang pakete ng pansit Canton only to find out na walang gas. Arrrrgggghhh!!!

Si Lord talaga. Punishing Teng one karma at a time.

Ang aga naman! :(

3/10/09

Natty, Nick, Ako

Hay.

Dalawang araw na akong may tinik sa lalamunan. Hep, hindi po 'yun figure of speech, literal ang ibig kong sabihin. Pagkatapos ko lapain yung isdang kulay blue ang tinik. Sabi ko pa, wow, ang weird neto ha, tapos lunok lang ata ako ng lunok. Parang siraulo.

Yung isda lang at gulay na sahog ang kinain ko nung araw na 'yun; pano, feeling ko tumataba na ako kaya low-carb diet muna. Hiwa-hiwa na yung isda sa "pansigang cuts" kaya 'di ko nakita kung ano talaga itsura ng isdang may kasalanan kung bakit ako natinik (wow, sinisi ang isda). Nagtataka nga rin ako, bakit yung ulo ng isda wala dun? Nai-imagine ko tuloy, baka angler fish na 'tong kinakain ko.Shete. Ini-imagine ko nalang na nasa plato ko yang halimaw na 'yan, parang gusto ko nalang maging vegetarian.


Anyway, dahil masyado akong curious, tinanong ko si Mama.

"Ma, anong isda 'to? Sarap ha..."

"Ah, ano 'yan, yung... ano..."

"???? Hindi ba 'to 'yung isda na nakakalason yung buntot?," I asked na pa-biro.

"Hindi ah..."

Wala rin akong nakuhang sagot. Lumalim tuloy ang suspicion ko na panget ang itsura ng isdang 'to. Pero ano nga bang sabi ng mga desperado, "OK lang na panget, basta masarap." Hahahaha...

Nakarami rin ako ng isda. Masarap kasi talaga ang laman, soft and creamy. Entertaining pa, kasi nga blue-boned. Hanggang sa uminom ako ng tubig, na parang may little surges of pain sa lalamunan ko. Wow. Natinik ako.

Walang saging. Mansanas nalang. Onting nguya lang, nilulunok ko na, para sana sumama 'yung hinayupak na tinik. Naubos ko na ang apple nandyan parin ang tinik. Nag-try akong sungkitin ang lalamunan ko pero nakakasuka. Ayoko naman i-suka yung pagkain ko, sayang. Ano ako, bulimic? Aba, nice idea ha... joke.

Ilang beses ko na tina-try i-wash sa pag-inom ng maraming liquid, wala talaga. Lumunok ako ng marshmallows na buo, ayaw parin. Sana matunaw nalang ng enzymes ng laway ko ang tinik na 'yan.

Try ko kaya kumain ng siopao? May pusa naman 'yun diba? Hehehehe.... Corny.

Akalain mo nga namang sampung araw na akong bum. Of course, I'm not proud. Pero masaya pala ah? Hehehe. Walang iniisip para bukas or mamaya. Wala. Wala ring pera. Sana makuha ko na yung backpay ko. Good luck, 'di ko pa inaasikaso ang clearance ko.

May nakita na akong bagong work, transcriptionist nga. Walang kwenta 'yung in-applyan ko last time, fly-by-night ata. Walang sumasagot sa tawag ko, buti nalang 'di ko tinuloy. Anyway, this new job is located in Ortigas, dun sa building na pinagtrabahuhan ko back when I was still with Telus (which is then known as Ambergris Solutions). Capital IQ ang name ng company, transcriptionist ang nature ng work pero gamit mo parin ang boses mo sa pagta-type. Meaning, magsasalita ka tapos mare-recognize ng software ang boses mo at magta-type sa screen. Wow, high-tech. Voice parin, pero at least wala ng irate at stupid callers. Sa May 11 pa ang training... hahaha... hindi ako pwede maghintay ng ganun katagal. Kelangan ko na magkaroon ng temporary work na pwede pagkakitaan bago ko pasukan 'yun. Teka, ang feeling ko naman, eh sa March 21 pa ang exam ko dun. Hehe. Pero at least tapos na ako sa dalawang katakot-takot na interview, luckily, pumasa naman ako. Thank you Lord!

Lord, pakialis naman 'tong tinik o, please?