8:57 AM.
Pupungas-pungas akong bumangon mula sa pagkakahiga kanina, inaantok pa ako.
Pa'no ba naman, eh alas tres ng madaling araw na ako nakatulog kanina, balak ko talagang magpuyat kanina para makatulog ako sa umaga, dahil may shift na naman ako mamayang gabi.
Pagka-on na pagka-on ko ng computer, nag-ring ang cellphone ko...
"Brother A to Z... Yo, what time is it... doo-doo-doo...."
Tumunog na ang ringtone ko na kanta ni Jason Mraz, "Geek in the Pink."
Landline number ang tumatawag sa'kin, ayaw ko sagutin.
Tapos biglang napa-mura ako: bulong ko sa sarili ko, tangina!!!!
Sabay pulot ng cellphone na nagba-vibrate sa mesa. Bzzzzzt. Pick me up, idiot
"Hello... may I talk to Resty? This is Diane from Capital IQ..."
PAKINAMSHET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pumasa ako!!!
At kinausap nga ako ni Miss Diane. Sinabihan tungkol sa job offer schedule at tinatanong kung magkano daw previous salary ko. Dang. Magkano kaya io-offer sa'kin? Excited na ako!
Pagkatapos ng tawag na 'yun, para akong kunehong umii-skip skip sa kwarto. Para akong tanga, kulang nalang magta-tumbling ako.
Ang saya saya ko.... thank you po Lord!!!!
Worry ko pa nga rin lang 'yung sa school. Sana makapag-enrol parin ako at makapag-aral despite the demands of the job.... 'Di bale. We'll burn the bridge when we get there. Hahahaha!
3/30/09
3/26/09
It's Backpay Time
Ang backpay. Bow.
Napakalupit ng tadhana... (yun o.. emo ka'gad? Dahil lang sa backpay?)
Pagkagaling na pagkagaling ko sa opisina galing shift, na as usual eh wala naman kaming ginawa kung hindi mag-surf sa Internet (hindi pa kasi ready ang mga credentials namin) buong shift, dumiretso nga ako sa dating kumpanya ko sa Makati para ayusin ang tumataginting na backpay. Pitong department ang dapat magpipirma sa aking clearance, at so far dalawa palang ang may pirma. Ilang araw na din ang lumipas, bakit nga ba hindi ko inasikaso yun noon pa, nung mga panahong wala pa akong trabaho? Siguro alam mo na ang sagot d'yan. Tinatamad ako. Hehe.
Masisisi mo ba ako? Kung ang opisina mo e napakalayo. 1 hour FX ride???? Tapos kung mamalasin ka pa eh mata-traffic ka pa sa mga traffic points: Lifehomes, Rosario, Bagong Ilog, C5-Kalayaan Intersection, Buendia, Ayala. Naalala ko tuloy yung one time na pauwi ako galing work: 8AM ang out ko, 11 PM na ako nakauwi! Iritang irita ako sa trapik na yan. Eh pawisin pa naman ako, so kahit aircon ang FX, walang sinabi sa sinag ni Haring Araw lalo na pag pa-tanghali na.
Going back to the story... dumating ako sa office ng 7 AM. Saktong paalis na rin ang mga ex-officemates ko. Konting kwento-kwento at yosi muna sa labas bago ako umakyat at asikasuhin ang clearance. At pagpanhik ko nga, matapos ang diskusyunan with my former supervisor, sabi n'ya unfortunately walang pipirma sa oras na yun. Pffft!!!!! Kasi daw iba-iba ang shift nila. Wooooooooooooooooooow. Bwisit! Resigned na nga ako bibigyan pa nila ako ng problema sa backpay na yan. Bakit naman sa ibang company wala nang ganyan eche-bureche. Isosoli mo lang mga gamit nila, hintay ng ilang buwan bago i-release ang pera. Eh dito, isang buwan mo nga lang hihintayin eh magpapa-balik-balik ka naman para hanapin 'yung mga taong dapat pipirma. Maiintindihan ko kung nag-aasikaso ako ng papeles para bumalik sa pag-aaral eh (mas madali pa nga 'yung sa PUP). Eh ito, sakit ng ulo!!!! Pwede ba!!!
Nakakainis.
Wala na akong pera eh..... huhuhuhuhu

3/25/09
Welcome to Silent Hill. Enjoy your stay.
At ayun nga.
Nag-start na ako sa Crappy Company, 2nd day ko kanina to date. So far, so so-so (wow that's accidental wordplay). Sa totoo lang, since medyo marami-rami naring centers ang napuntahan ko, so far this is the worst aesthetically; pantry is like a stock room, the production floor is cluttered, the computer's productivity suite (e.g. word processor, spreadsheet, etc) is, err, cheap (actually download-able sa Internet for free), the CR reminds me of Silent Hill, yung elevator parang babagsak anytime, the list goes on. Pero on the brighter side... sobrang petiks ng trabaho dito. 'Di namin nararamdamang nagte-training kami, pa'no iniiwan lang kami ng mentor namin sa stations para magbasa ng online resources. So ano pa nga bang pwedeng gawin 'pag bored na? Internet! Ang Internet dito ay open, walang naka-block. Legal ang Yahoo Messenger dahil 'yun ang communication platform among the employees... so nakakausap ko pa ang mga tao sa labas. Pero may mga activities rin namang pinapagawa sa amin para meron naman kaming idea kung ano talaga ang ginagawa ng mga binabayaran dito. Hehe.
Nae-excite na ako sa results ng exam ko sa Capital IQ. Sana pumasa ako, hehe.
At heto na naman ako sa dilemma ng career ko. Feeling ko, makakapag-enrol nga ako sa school, pero dahil sa stress, mapapasukan ko pa kaya ang mga subjects ko? This April ko na makukuha ang transcript ko.
Sana naman wala akong pagpilian. God, give me a sign please.

3/19/09
Of Interviews and Isaws
Oh Lord patawarin n'yo ako.
Kasa-sign ko lang ng contract sa isang kumpanyang wala naman talaga akong balak karirin. Itago nalang natin siya sa pangalang... uhmm... Crappy Company. Kelangan ko ba mag-explain? Pero kahit the name suggests its office's look, OK naman ang offer sa'kin. Aba, di hamak na mas malaki ang sweldo kumpara sa dating kumpanya ko bago ako napunta sa pinakahuling company na pinasukan ko. Ang gulo no? OK lang, wala naman talaga akong balak i-explain eh. Knowing na hindi ka na makikipag-usap sa mga Kano this time, pero maganda ang pasahod.
'Yun na nga. Crappy Company is located in... one of the business hubs in Manila. The building that houses it looks crappy unsurprisingly, hence the companies inside it. Medyo infamous na nga ang building na 'to sa mga call center people, kesyo nandito daw ang mga bogus na outbound campaigns na mahilig mang-scam. Pero ewan ko. Natakot ako sa elevator, medyo luma na ata, o siguro paranoid lang ako kasi madalas mag-isa lang ako sa loob, kaya naririnig kong "nagrereklamo" na ang mga makinarya. Tapos pagdating sa office mismo, hindi naman sa pangmamaliit, pero sobrang liit din kasi ng opisina. Nandun na ang lahat, sa isang unit; take note, isang unit: production floor, HR, reception. Habang naghihintay sa interview, nakikita mo trabaho ng mga agents.
Pero ang masaya dito ay napaka-laid back ng culture. Lantarang pagi-install ng Yahoo Messenger, kainan sa floor, walang headset, at mababait ang tao.
Pero sa tingin ko hindi rin ako magtatagal dito... pero who knows? Sa Sabado kasi exam ko sa transcriptionist job na gusto ko (pero sa May pa ang start ng training). Kapag pumasa ako sa exam at na-schedule na ako for the training, buh-bye Crappy Company.
Ang sarap ng feeling ng pumapasa sa trabaho. Nakakalaki ng ego. Hahaha yak, ego-trip. Kaya pag-uwi ko, I treated myself sa kanto ng Lifehomes.... Wheels!! Sarap!!

Tapos bumili ako ng Lucky Me! Pansit Canton Sweet and Spicy, itlog, Cheesecake ng Lemon Square at C2 Apple. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay (around 3 AM na siguro), nilagay ko na sa saucepan na may tubig ang itlog at binuksan ang pakete ng pansit Canton only to find out na walang gas. Arrrrgggghhh!!!
Si Lord talaga. Punishing Teng one karma at a time.
Ang aga naman! :(

3/10/09
Natty, Nick, Ako
Hay.
Dalawang araw na akong may tinik sa lalamunan. Hep, hindi po 'yun figure of speech, literal ang ibig kong sabihin. Pagkatapos ko lapain yung isdang kulay blue ang tinik. Sabi ko pa, wow, ang weird neto ha, tapos lunok lang ata ako ng lunok. Parang siraulo.
Yung isda lang at gulay na sahog ang kinain ko nung araw na 'yun; pano, feeling ko tumataba na ako kaya low-carb diet muna. Hiwa-hiwa na yung isda sa "pansigang cuts" kaya 'di ko nakita kung ano talaga itsura ng isdang may kasalanan kung bakit ako natinik (wow, sinisi ang isda). Nagtataka nga rin ako, bakit yung ulo ng isda wala dun? Nai-imagine ko tuloy, baka angler fish na 'tong kinakain ko.
Shete. Ini-imagine ko nalang na nasa plato ko yang halimaw na 'yan, parang gusto ko nalang maging vegetarian.
Anyway, dahil masyado akong curious, tinanong ko si Mama.
"Ma, anong isda 'to? Sarap ha..."
"Ah, ano 'yan, yung... ano..."
"???? Hindi ba 'to 'yung isda na nakakalason yung buntot?," I asked na pa-biro.
"Hindi ah..."
Wala rin akong nakuhang sagot. Lumalim tuloy ang suspicion ko na panget ang itsura ng isdang 'to. Pero ano nga bang sabi ng mga desperado, "OK lang na panget, basta masarap." Hahahaha...
Nakarami rin ako ng isda. Masarap kasi talaga ang laman, soft and creamy. Entertaining pa, kasi nga blue-boned. Hanggang sa uminom ako ng tubig, na parang may little surges of pain sa lalamunan ko. Wow. Natinik ako.
Walang saging. Mansanas nalang. Onting nguya lang, nilulunok ko na, para sana sumama 'yung hinayupak na tinik. Naubos ko na ang apple nandyan parin ang tinik. Nag-try akong sungkitin ang lalamunan ko pero nakakasuka. Ayoko naman i-suka yung pagkain ko, sayang. Ano ako, bulimic? Aba, nice idea ha... joke.
Ilang beses ko na tina-try i-wash sa pag-inom ng maraming liquid, wala talaga. Lumunok ako ng marshmallows na buo, ayaw parin. Sana matunaw nalang ng enzymes ng laway ko ang tinik na 'yan.
Try ko kaya kumain ng siopao? May pusa naman 'yun diba? Hehehehe.... Corny.
Akalain mo nga namang sampung araw na akong bum. Of course, I'm not proud. Pero masaya pala ah? Hehehe. Walang iniisip para bukas or mamaya. Wala. Wala ring pera. Sana makuha ko na yung backpay ko. Good luck, 'di ko pa inaasikaso ang clearance ko.
May nakita na akong bagong work, transcriptionist nga. Walang kwenta 'yung in-applyan ko last time, fly-by-night ata. Walang sumasagot sa tawag ko, buti nalang 'di ko tinuloy. Anyway, this new job is located in Ortigas, dun sa building na pinagtrabahuhan ko back when I was still with Telus (which is then known as Ambergris Solutions). Capital IQ ang name ng company, transcriptionist ang nature ng work pero gamit mo parin ang boses mo sa pagta-type. Meaning, magsasalita ka tapos mare-recognize ng software ang boses mo at magta-type sa screen. Wow, high-tech. Voice parin, pero at least wala ng irate at stupid callers. Sa May 11 pa ang training... hahaha... hindi ako pwede maghintay ng ganun katagal. Kelangan ko na magkaroon ng temporary work na pwede pagkakitaan bago ko pasukan 'yun. Teka, ang feeling ko naman, eh sa March 21 pa ang exam ko dun. Hehe. Pero at least tapos na ako sa dalawang katakot-takot na interview, luckily, pumasa naman ako. Thank you Lord!
Lord, pakialis naman 'tong tinik o, please?
Dalawang araw na akong may tinik sa lalamunan. Hep, hindi po 'yun figure of speech, literal ang ibig kong sabihin. Pagkatapos ko lapain yung isdang kulay blue ang tinik. Sabi ko pa, wow, ang weird neto ha, tapos lunok lang ata ako ng lunok. Parang siraulo.
Yung isda lang at gulay na sahog ang kinain ko nung araw na 'yun; pano, feeling ko tumataba na ako kaya low-carb diet muna. Hiwa-hiwa na yung isda sa "pansigang cuts" kaya 'di ko nakita kung ano talaga itsura ng isdang may kasalanan kung bakit ako natinik (wow, sinisi ang isda). Nagtataka nga rin ako, bakit yung ulo ng isda wala dun? Nai-imagine ko tuloy, baka angler fish na 'tong kinakain ko.
Shete. Ini-imagine ko nalang na nasa plato ko yang halimaw na 'yan, parang gusto ko nalang maging vegetarian.Anyway, dahil masyado akong curious, tinanong ko si Mama.
"Ma, anong isda 'to? Sarap ha..."
"Ah, ano 'yan, yung... ano..."
"???? Hindi ba 'to 'yung isda na nakakalason yung buntot?," I asked na pa-biro.
"Hindi ah..."
Wala rin akong nakuhang sagot. Lumalim tuloy ang suspicion ko na panget ang itsura ng isdang 'to. Pero ano nga bang sabi ng mga desperado, "OK lang na panget, basta masarap." Hahahaha...
Nakarami rin ako ng isda. Masarap kasi talaga ang laman, soft and creamy. Entertaining pa, kasi nga blue-boned. Hanggang sa uminom ako ng tubig, na parang may little surges of pain sa lalamunan ko. Wow. Natinik ako.
Walang saging. Mansanas nalang. Onting nguya lang, nilulunok ko na, para sana sumama 'yung hinayupak na tinik. Naubos ko na ang apple nandyan parin ang tinik. Nag-try akong sungkitin ang lalamunan ko pero nakakasuka. Ayoko naman i-suka yung pagkain ko, sayang. Ano ako, bulimic? Aba, nice idea ha... joke.
Ilang beses ko na tina-try i-wash sa pag-inom ng maraming liquid, wala talaga. Lumunok ako ng marshmallows na buo, ayaw parin. Sana matunaw nalang ng enzymes ng laway ko ang tinik na 'yan.
Try ko kaya kumain ng siopao? May pusa naman 'yun diba? Hehehehe.... Corny.
Akalain mo nga namang sampung araw na akong bum. Of course, I'm not proud. Pero masaya pala ah? Hehehe. Walang iniisip para bukas or mamaya. Wala. Wala ring pera. Sana makuha ko na yung backpay ko. Good luck, 'di ko pa inaasikaso ang clearance ko.
May nakita na akong bagong work, transcriptionist nga. Walang kwenta 'yung in-applyan ko last time, fly-by-night ata. Walang sumasagot sa tawag ko, buti nalang 'di ko tinuloy. Anyway, this new job is located in Ortigas, dun sa building na pinagtrabahuhan ko back when I was still with Telus (which is then known as Ambergris Solutions). Capital IQ ang name ng company, transcriptionist ang nature ng work pero gamit mo parin ang boses mo sa pagta-type. Meaning, magsasalita ka tapos mare-recognize ng software ang boses mo at magta-type sa screen. Wow, high-tech. Voice parin, pero at least wala ng irate at stupid callers. Sa May 11 pa ang training... hahaha... hindi ako pwede maghintay ng ganun katagal. Kelangan ko na magkaroon ng temporary work na pwede pagkakitaan bago ko pasukan 'yun. Teka, ang feeling ko naman, eh sa March 21 pa ang exam ko dun. Hehe. Pero at least tapos na ako sa dalawang katakot-takot na interview, luckily, pumasa naman ako. Thank you Lord!
Lord, pakialis naman 'tong tinik o, please?
2/20/09
Canned Nostalgia
Lunch.
Nguya, nguya.
Ako lang nanananghalian. Hindi pala kumakain sila mama at papa sa tanghalian ng madalas. Kaya hindi nagluto ng ulam for lunch. Eto tuloy nginangata ko ngayon, kanin, ulam ay isang plato ng longanisa. Nakakasuya. Walang sabaw.
Nguya, nguya.
Enough.
'Di ko na kayang eto lang ang ulam. Sawang sawang na'ko sa longanisang to. Kahit anong imagination ang gawin ko dito kesyo bratwurst, Italian o chorizo kunwari ang kinakain ko, 'di na talaga kaya. Kelangan ng panabla.
Buti nalang may tindahan si mama. Hehe. San pa nga ba ako titingin (kung hindi sa mga softdrinks), eh di sa mga de lata.
Corned beef? Nai-imagine ko parin yung dagang kinarne ng aso namin dating si Brownie. Sobrang gigil ng aso sa daga, nagkalat ang innards (eeew) ng kawawang vermin sa garahe. Nagmukhang corned beef tuloy. Next.
Pork and beans? Pork lang kakainin ko dyan. Hindi ako mahilig sa beans, sayang.
Tuna!! Adobo... Menudo... Lechong Paksiw... Asado... Laing (hayuf na ang mga flavors ng tuna ngayon ha)... tae, walang Flakes in Oil. Ano pa ba...
Hindi ko pinapansin 'yung mga latang either green lang or red. Minsan may orange or yellow.
Calamares en su tinta kaya? Kaso 'di ko trip lasa nyan pag nakalata eh. Lasang kalawang yung pusit.
Di narin naman uso ang Mackerel ngayon.
Hay, di bale na nga.
Pero bago ako umalis, tumingin ako uli sa stack ng lata na kapansin-pansing pinakamarami sa lahat ng latang naka-display dun.
....................
Sa rooftop namin, may hanging gardens si mama. May mga flowering plants, fruits and veggies. Pumitas ako ng mga kalamansi.
Masarap talaga ang sardinas pag may squeeze of something citric. Natatanggal ang lansa. Nguya, nguya, nguya. Wow, sarap. Na-miss ko lasa ng sardinas ha. Saka ko na-realize na siguro talagang napaka-sarap ng sardinas, because it's just one of the few fish species na na-ilata.

2/3/09
What's for February? Random thoughts
Wow ha. Ang tagal ko na palang hindi naka-post ng entry dito hehehe. 'Di naman ako busy, siguro nawala lang ako sa mood... Anyway.
Nakapagpasa na pala ako ng resignation letter kagabi. Sa totoo lang, hindi alam nila mama na may balak na ako mag-resign. May palagay-lagay pa ako dun na "...with the approval of my family," eh 'di naman talaga ako nagsabi hehehe. Pero parang may konting panghihinayang nga lang din, sayang yung perang kinikita ko. I admit that we're earning more moolah than the typical call centers in the metro (naks ang yabang). Pero I really had enough of this stress.
Bukas pala, may interview ako sa ibang company as transcriptionist. At least hindi na ako magko-calls if ever ma-tanggap, medyo malaki din naman ang sweldo. Goodluck pala sa akin, kasi 65 wpm ang requirement as typing speed. Eh huling test ko dyan 45 wpm lang ako. Hahahahaha...
Maganda pala gising ko kaninang umaga (kasi sa ibang bahay ako natulog hehehe). Pagka-uwi ko, meron akong nakitang tindahan ng cookies. Bumili ako ng isang malaking pack na chocolate chip cookies para sa bunso namin. Habang naglalakad ako pauwi. may nakita akong patay na pusa sa gilid ng kalsada. Tipong malaki na tiyan. Siguro alam mo na kung bakit?? Biglang nag-switch yung mood ko from jovial to saturnine.
'Di naman ako PETA or nagpapaka-PETA pero awang-awa talaga 'ko. Hay.
Gala muna kami sa mall ng bestfriend ko. Naka-vacation leave ako the whole week, yehey!!! Exhaust muna lahat ng pwede i-exhaust bago mag-resign.

1/3/09
Balut
Maaga ako nagising para maghanap na naman ng ibang trabaho sa Internet. 'Di na naman kasi ako nakapasok sa trabaho dahil dito sa tonsillopharyngitis ko. Kahapon nga pumunta na naman ako sa Medical City para makakuha ng med-cert dahil siguradong may Show Cause Memo na naman ako 'pag wala ako 'nun. Posible pang ma-suspend.
Nasa tapat na naman ng computer, alas-singko ng umaga. Bestfriend ko na nga ang Google search engine. Keywords: non-voice call center, chat/email support, homebased, blah blah blah...
Timpla nga muna ako ng Milo. Bawal daw kape, sabi ng nurse. OK, mas masarap naman Milo. Kaso bawal din daw matamis, pwes 'onting asukal lang. Isang heaping tablespoon nalang compared to the usual 2 tablespoons. Haha, dugas.
Ang hirap parin talaga maghanap ng trabaho sa Internet, lalo na kung alam mo kung ano talaga gusto mo. Sobrang daming basurang websites na kung tutuusin eh hindi naman relevant sa search mo. Filter. May nakakawala parin.
Ang aga-aga, pagod na 'ko. Sabay nagising na sila mama. Alas-syete na pala.
"Kinain mo 'yung balut mo?" bumababa si Mama sa hagdan.
"Ha? Meron ba?" sagot ako. Parang naghanap tuloy ng balut ang katawan ko, umagang-umaga. Oo nga naman, sanay pala ang katawan kong ang normal na umaga ay tulugan time for us call center people. My biological clock has adapted well.
"Meron ha..."
Naalala ko nga, kagabi. Tulog na kasi ako nun, kala ko tuloy nananaginip lang ako. Ginigising pala ako ni Royce nun, naalimpungatan ako, sabi ko ilapag nya na lang sa lamesa ng kwatro ko.
Akyat nga ako sa kwarto, at nandun nga ang mahiwagang itlog. Binanlian ko nga ng mainit na tubig.
Tapos balik uli sa harap ng monitor para mag-Google.
I always, always have to sort out the poor duckling from the rest of the egg, I really hate the idea of biting the poor animal's head. Awwww. But the rest of the balut is incredibly yummy.
"Dapat lagi kang kumakain n'yan para masustansya." hirit ni Mama. "Para hindi ka lagi magkasakit"
"Sus. Sa trabaho ko talaga nakukuha 'tong sakit na 'to, sabi ni doc."
"'Yaan mo, this year nalang 'yan, aral ka na uli this coming school year."
.......
Did I hear it right???
Wow, sana totoo na nga 'to.
Imagine, balik skwela na 'ko? Wow. At least may plano na ako ngayong 2009. Viva 2009!!! Kala ko forever na ako sa impyernong 'to... kain nga muna ako ng breakfast.
Nasa tapat na naman ng computer, alas-singko ng umaga. Bestfriend ko na nga ang Google search engine. Keywords: non-voice call center, chat/email support, homebased, blah blah blah...
Timpla nga muna ako ng Milo. Bawal daw kape, sabi ng nurse. OK, mas masarap naman Milo. Kaso bawal din daw matamis, pwes 'onting asukal lang. Isang heaping tablespoon nalang compared to the usual 2 tablespoons. Haha, dugas.
Ang hirap parin talaga maghanap ng trabaho sa Internet, lalo na kung alam mo kung ano talaga gusto mo. Sobrang daming basurang websites na kung tutuusin eh hindi naman relevant sa search mo. Filter. May nakakawala parin.
Ang aga-aga, pagod na 'ko. Sabay nagising na sila mama. Alas-syete na pala.
"Kinain mo 'yung balut mo?" bumababa si Mama sa hagdan.
"Ha? Meron ba?" sagot ako. Parang naghanap tuloy ng balut ang katawan ko, umagang-umaga. Oo nga naman, sanay pala ang katawan kong ang normal na umaga ay tulugan time for us call center people. My biological clock has adapted well.
"Meron ha..."
Naalala ko nga, kagabi. Tulog na kasi ako nun, kala ko tuloy nananaginip lang ako. Ginigising pala ako ni Royce nun, naalimpungatan ako, sabi ko ilapag nya na lang sa lamesa ng kwatro ko.
Akyat nga ako sa kwarto, at nandun nga ang mahiwagang itlog. Binanlian ko nga ng mainit na tubig.
Tapos balik uli sa harap ng monitor para mag-Google.
I always, always have to sort out the poor duckling from the rest of the egg, I really hate the idea of biting the poor animal's head. Awwww. But the rest of the balut is incredibly yummy."Dapat lagi kang kumakain n'yan para masustansya." hirit ni Mama. "Para hindi ka lagi magkasakit"
"Sus. Sa trabaho ko talaga nakukuha 'tong sakit na 'to, sabi ni doc."
"'Yaan mo, this year nalang 'yan, aral ka na uli this coming school year."
.......
Did I hear it right???
Wow, sana totoo na nga 'to.
Imagine, balik skwela na 'ko? Wow. At least may plano na ako ngayong 2009. Viva 2009!!! Kala ko forever na ako sa impyernong 'to... kain nga muna ako ng breakfast.
1/1/09
Happy New Yea... Ay tangina, brownout!
Please excuse my French.
I think the title pretty much explains what happened on my New Year' eve, but of course there's more fun in telling the whole story.
......
I was really excited na mag-New Year. Bagong taon. Higit pa sa pagpapalit ng kalendaryo, dahil umikot na naman ng buo ang mundo natin sa araw. Kaya bagong buhay, bagong plano, bagong simula.
Lahat ng tao sa bahay, bising-busy na naghahanda para sa Media Noche. Nagluluto ng mga pagkain si Mama, si Rosette (kapatid kong babae na mas bata pa sa akin) naghahanda ng dessert, nagpa-litson ng ulo ng baboy si Papa (ulo lang, mahal na pag buo), tapos inaaaya ko si kuya na bumili ng paputok.
Punta nga kami sa bilihan, one kyaw (isang libo) ang budget. Marami-rami rin naman kami nabili pero yung mga simpleng pa-ilaw lang.
Sobrang ingay ng buong street namin just a few hours until New Year's eve. Lahat yata ng bahay naka-full volume ang speakers. Party kung party.
Mga ilang minuto nalang bago mag-alas dose, marami na ang nagsisindi ng paputok. May supot, may sumasabog, may maliwanag, may nababasa (note: medyo corny nga ang New Year ngayon kasi umuulan, pero kahit na umuulan, nasa labas parin lahat ng tao). Nung sumapit ang hatinggabi, full-blast na ang putukan, sobrang liwanag na ng langit dahil sa mkukulay na pyrotechnics (napansin ko lang din, kala ko ba naghihirap na ang Pilipinas, bakit ang mamahal na ata ng mga nakikita kong pinapa-putok sa ere, 'yung mga tipong makikita mo sa Enchanted Kingdom), at sobrang usok na sa paligid, amoy sunog na pulbura. Hmmm... bango.
HAPPY NEW YEAR!!!!!
Tapos biglang namatay mga ilaw ng mga bahay.
Nawala ang mga bumabayong sounds.
Pati 'yung mga videoke machines, dead.
"Shet, brwan awt!!!"
Tsk. Sabi ko, siguro 'yung sensitive na poste 'dun sa kanto nahagip ng kwitis.
...pero kahit na ganun, tuloy parin ang celebration. Aba, maliwanag naman sa labas.
Wow. Napa-wow talaga ako. Bakit ngayon pa? Sabi pa ng iba, hindi magandang umpisahan ang bagong taon ng masamang pangyayari, kasi buong taon daw magiging ganun.
The hell with that. Magbiro ka na sa ibang bagay, 'wag lang sa walang kuryente sa isang taon.
Badtrip. Pero why should I dwell in remorse, if I can make my day happy?
So inuman kami ng bestfriend ko, si Shiela. Kapitbahay lang namin kaya madali lang maaya.
Magtitimpla kami ng Boracay ('yung alak na may halong Milo at condensed milk) at nagluto ng sisig. Yum.
Naging masaya naman ang Bagong Taon ko kahit papano. Kasi may alak. Hehehe. Mga 3 hours later, bumalik na rin ang ilaw sa wakas.
Pero 'di ko talaga makakalimutan 'yung ginawa ni Shiela nung may brown-out, habang nagpapainit kami ng tubig sa bahay nila.
Sinaksak n'ya yung airpot ('yung pampainit ng tubig) sa plug. After a few minutes, sumigaw ako, "Yesss!!! May ilaw na!!!"
Sabay lapit s'ya sakin.
"Buti nalang tanga, nagsaksak ako ng airpot wala palang kuryente kanina hahahaha."
Tawa kami ng tawa.
Masyado na talaga tayong dumedepende sa kuryente.

12/30/08
The Devil is Always On Your Side When You Need Him
Masasabi ko nga na minsan talaga, matigas ulo ko.
Bago pa ako pumasok sa office, alam kong hindi na maganda nararamdaman ko. Sinisinat ako pagka-gising ko. Pano meron na naman akong ubo't sipon, ewan ko ba bakit napaka-hina ng resistensya ko. Makapag-vitamins nga.
Anyway, 'yun nga, pasok ako, masaya kasi mukhang tahimik ngayon, walang nagko-calls (tahimik ang floor kahit na marami nang ahente). Sabi ko, "wow, avail yata(avail, para sa mga 'di nakaka-intindi ng call center lingo, ibig sabihin e walang masyadong tumatawag)." Aba'y pucha pagka-log-in namin ng 10:30PM, biglang umingay!!! Wow, what a year-ender.
Maya-maya, mga 2 hours na nakakaraan, namamaos na 'ko. Taena naman. Pero konting tiis nalang, restday mo narin naman bukas. Hanggang nawala nga boses ko dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga Kano. Nag-message nga ako sa supervisor namin.
"Boss, pwede ba ako magpahinga?"
"OK, aux 1 (aux is a phone status para pansamantala kang titigil sa pagko-calls)"
"Punta ako clinic?"
"Oo. Hindi ka naman basta-basta pwedeng magpahinga."
OK. Sige, akyat sa clinic. Si Miss Nurse may pasyente. Pinaupo muna ako, and after a few minutes, in-attend-an na n'ya ako. Sinabi ko nga sakit ko.
"OK sir, tongue out"
......
....
...
"Sir, namamaga 'yung tonsils mo..."
Patay. Taena naman talaga.
"Ha? Eh parang 2 weeks ago lang meron akong pharyngitis.."
"Ganun talaga sir, lalo na pag may history ka na n'yan. Pwede ma-trigger anytime. Buti 'di ka pa pinapa-tonsillectomy?"
Tonsillectomy, what an odious word.
"'Yun nga rin sabi sakin ng mga doctor. 5th incident in the same year daw dapat ipaalis na 'yung
tonsils. Pero..."
"Oo nga eh. Pero pa-second opinion ka rin. Meron din kasing isang agent na nagpa-opera pero ganun parin, bumabalik pa rin yung throat problem. Gargle ka muna na nito tapos i-candy mo 'to (sabay abot ng Bactidol at Deflam)."
Ayun. Voice rest daw muna ako. Oh god, for friggin' 15 minutes lang? Would that really help?
Bawal daw matatamis, maaasim, maaalat at ma-mantika. Ano nalang natira sa'kin para kainin 'di ba?
Tapos balik sa pagko-calls. Nung lunchbreak, 'di ako kumain, natulog lang ako sa station.
Tuluyan na nga akong nilagnat, pero 'di ko nalang in-apila sa boss. Kasi baka sabihin nag-iinarte lang ako.
Pagod na pagod na ako nung umuwi. Buti nalang, restday na. At in fairness, wala kaming pasok ng New Year. Happy New Year guys.
'Yun nga pag-uwi, gutom na ako, buti nalang may pagkain.
.....Wow. Tuyo, sunny-side up at longanisa. Maalat, mamantika at matamis. Tapos 'yung sawsawan pa ng tuyo na maasim. Wow. Wow na wow.
Eh gutom ako eh...
Bakit ba andaling sumira pero ang hirap gumawa?

Subscribe to:
Posts (Atom)