7/16/09

Random Thoughts: July

Nako. Nadukutan pala ako ng cellphone 2 weeks ago. Nakaka-badtrip; pano ba naman, eh kapapalit ko lang ng housing nun, tapos lagi ko nang nilalagay sa leather casing para hindi na magasgasan tapos biglan ninenok. Gago eh 'no. Ang masama pa nun, sa Pureza pa ako nabiktima, daan papuntang school, mga 7:30 AM, naaalala ko tirik na tirik pa ang haring Pebo. Parang sa ilang taong dumadaan ako rito, ngayon lang nangyari sa'kin 'to. Pero sa totoo lang, hindi ako nagdamdam masyado sa pagkakawala; medyo luma narin kasi ang modelo, nagbabadya yatang kailangan ko na ng bagong cellphone. Buti nalang meron pa akong ipon, dahil sa araw na nawalan ako ng cellphone, diretso ako ng Greenhills pagkatapos ng klase para bumili ng kapalit. Hindi po 'yun kayamanan, utang na loob. Napaka-kritikal lang talaga ng cellphone sa buhay ng estudyante ngayon, lalo na't irregular student ako. Isa pa, low end lang naman ang binili ko.
Anyway. Nag-try pala akong mag-apply sa Starbucks as barista, unfortunately hindi ako pumasa. Ewan ko kung bakit, baka hindi ako pang-barista talaga. Sayang, gusto ko pa naman maging barista. Pero OK lang, baka may mas magandang opportunity para sa akin. Sana nga. Nauubos na ang pera ko; kailangan ko nang pagkakakitaan. Hay.

Onga pala, yang shot na 'yan sa taas, galing sa SLR ko. I think it's my best achievement this year (well, I guess, so far)-- ang makabili ng SLR! Yesss!!! Katas ng backpay! Thank you Lord!!

7/1/09

On Saying Goodbye Over and Over Again

I'm officially a bum again.

Kare-resign ko lang sa Capital IQ kahapon. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman -- naiinis ako na parang natutuwa. Naiinis, dahil sayang ang opportunity na nakapasok ako sa prestihiyosong kumpanya na ito -- sobrang hirap makapasok dito, at isa ako sa mga lucky ones na iyon. Natutuwa, dahil makakabalik na ako sa pag-aaral. Sana matapos ko na ang course ko ng walang problema.

Binabasa ko kanina ang mga previous blog entries ko. Binalikan ko ang mga posts na nagpapa-alala sa akin kung gaano ako ka-excited na malaman ang resulta ng pag-a-apply ko sa kumpanyang 'to. Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako nagtagal sa kumpanya na iyon. Ayoko nang bumalik sa call center...

Mami-miss ko, higit sa lahat, ang mga taong nakasama ko sa dalawang buwan na pamamalagi ko rito.

Lord, kayo na po bahala sa akin.

6/23/09

The Devil and the Deep Blue Sea

Badtrip talaga. Kung kelan pakiramdam mong OK na ang lahat, saka pa darating ang mas malaking problema.

Natapos ko na pala sa wakas ang registration at pagbabayad ng tuition sa school. Opisyal na estudyante na ako uli. Ang problema ko nalang ay ang pagmu-move ng isang subject ko sa Sabado. Pero hindi lang pala iyon ang problema, may mas malaki pa pala.

Kagabi, merong meeting ang buong batch namin with the OM. Napag-usapan ang kung anu-anong bagay na nangyayari sa office. At isa na doon ang bagong schedule.

"OK, starting Monday, you guys will start coming to work at 8 AM."

Wow. Wow. Wow.

Hay. Kala ko pa naman, isang subject lang ang ipapa-move ko sa Sabado. Pati pa pala yung klaseng 7:30-9:00 AM, ipapalipat ko narin sa Sabado. Ang tanong: papayag kaya ang mga professors? At pano sa future, puro nalang ba Sabado ang kukunin kong class? Hindi naman siguro pwede iyon.


Lord, bahala na kayo.

6/18/09

Agnostic

Maaga akong nagising ngayon dahil kelangan ko uli pumunta uli sa school uli para mailipat sa Saturday yung isang subject ko dahil male-late talaga ako sa trabaho. Peste, nanggaling na ako dun kahapon pero walang nangyari; alas-ocho palang, nakapila na ako.

Makalipas ang dalawang oras, guess what? Nakapila parin ako. Shiyet. Para kaming timang dun, na naghihintay sa wala. Nalaman na lang namin na sira daw yung makina na ginagamit pang-validate. WTF??? Pagkatapos ko pumila ng pagkatagal-tagal, ayun, umalis din ako dahil may pasok pa ako sa trabaho ng alas-onse.

Sinubukan kong mag-tren. Sumakay ako sa Pureza ng LRT II, bumaba ng Cubao; takte, mahaba pala ang pila sa bilihan ng magnetic card. Bumaba sa Ortigas station at saka ko na-realize na ang haba pala ng lalakarin ko. Knowing na male-late na talaga ako, dumaan muna ako sa Megamall para bumili ng pagkain, gutom na gutom ako dahil sa letseng school na yan. Buena mano yata ako sa Go Nuts Donuts. Badtrip. Wala na ngang nangyari sa lakad ko, late pa ako.

Moving on.

Minsan, meron na naman akong mga bagay na pinag-iisipan na, ika nga nila, nakakaloko daw. Heto na naman ako, naghihintay na maluto ang ipambabaon ko for lunch, nag-iisip kung ano ba ang silbi ng lahat ng nangyayari sa atin ngayon. Bakit kailangan ko magtrabaho? Bakit kailangan ko suportahan ang pamilya ko? Bakit kailangan ko grumadweyt? Bakit kailangan ko maging mabuting anak? Bakit kailangan kong magkapera? Bakit kelangan ko kumain? Bakit kelangan ko mabuhay? At doon, sa huli, madalas tumitigil ang tanong. Hindi uubra sa akin ang sagot na: "dahil ikaw ang sasagip kay..." o kaya "dahil meron kang gaganaping papel sa buhay ni.." dahil itatanong ko rin kung bakit kailangan ko sagipin ang buhay n'ya o bakit kailangan kong pumapel sa buhay nitong taong 'to, kung alam ko namang sa huli eh lahat tayo mamatay; mawawalan ng saysay ang lahat ng binaon nating dunong sa utak o kaya kinain nating pagkarami-rami, dahil hindi na gagana ang lahat ng bahagi ng katawan natin kapag dedo na tayo.

Hindi ko alam kung anong mga kasagutan dito. Baka nga mali lang ang tanong ko. Pero hindi eh; if God imparted me the concept of this question, there must be an answer. Unfortunately, hindi yata kayang gamayin nang tao ang wisdom na kagaya nito, kung meron mang sagot. Pero siguro, ginawa tayong tao para maiwasan ang complexities ng buhay. Tao ako, dapat ako mag-isip tao.

Maging masaya. Siguro. For the mean time, yun nalang muna ang gagawin ko.

6/12/09

Damnant quod non intelligunt

Kagabi, pumunta kami ni Maan sa Metrowalk to buy DVDs. Pinanuod ko kaagad pagkauwi sa bahay ang mga binili ko, Coraline at Horsemen, respectively, at na-realize kong merong similarity ang dalawa: tungkol sa mga batang hindi pinapansin ng mga magulang, and how they find ways to cope with it.






Coraline is originally a book by
Neil Gaiman na ginawang animated film. The Horsemen is based on the Four Horseman of the Apocalypse (kaya nga binili ko, mahilig ako sa mga gantong klaseng tema). I don't want to spoil it so I suggest na panuorin n'yo nalang, lalo na yung Coraline. Isa pa tinatamad akong mag-type, kagigising ko lang. Alas-kwatro na ng madaling araw ako nakatulog, tapos alas-ocho ng umaga ako nagising. OK lang. Friday naman eh. Yay!!!!








Ang masasabi ko lang:

We should not expect that everyone could understand us.


Happy Independence Day pala!

6/8/09

Madamot

Gourmet?

Sardinas lang yan. Ligo. Talagang bestfriend ko na ang sardinas, for better or for worse. Hehe. Hay. Lumalabas na naman pagiging frustrated food stylist ko. LOL.

Sana makabili na ako ng SLR ko this year. Malapit ko narin makuha ang backpay ko, sana malaki makuha ko para naman madali nalang ako makapag-ipon.

Minsan, pakiramdam ko napaka-selfish ko. Lagi nalang sarili ko iniitindi ko. Sarili kong kaligayahan. Samantalang yung mga kapatid ko sa bahay, hindi na magkaugaga kung san kukuha ng perang ipambabayad sa uniporme para sa school.

Sorry Lord. Babawi ako. Promise.


P.S. Para sa akin mas masarap ang lemon sa sardinas kesa kalamansi.

6/1/09

Random Thoughts: June

Hay.

First day ng June, malapit na talaga magpasukan uli. Umuulan-ulan ng umuwi ako, and as usual, sobrang gusto kong naglalakad sa ambon. Iba ang feeling, nakaka-relax. Napaka-lungkot ng feeling, pero I'm enjoying it. Ewan ko, weird ba? Lahat naman yata tayo may mga peculiarities.

Sobrang nahapo kaming lahat sa ginawa namin sa opis, knowing na first day palang ng work week. Na-stress kami masyado sa mga exams na kung hindi ko binagsak eh sobrang baba ng grado ko. Nakakahiya, lumabas na naman tuloy ang faux-inferiority complex ko.

Anyway, dahil sobrang sawa na ako sa lahat ng pwedeng inuming kape (mapa-black, with cream, cappuccino, mocha, latte, brewed) at tea (yellow peckoe, peppermint, cranberry/raspberry/strawberry, green) sa pantry, naisipan kong mag-imbento ng inumin para naman maiba. Naglagay ako ng isang teabag ng Peppermint sa isang tasa ng mainit na mocha. Parang Starbucks ang labas! Mocha na may mint, sarap! Try n'yo :D

Kelangan ko pa gumising ng maaga bukas para magbayad ng matrikula. Good night.

5/31/09

Define "Kadiri"

Eeeyyyewwwwww.... *kolehiyala-style*

Isang mapait na karanasan, pero pwede pang pumait kung nagkataon.

****************************************************************************************************************

Maulang Sabado iyon, inaasikaso ang enrolment ko sa school para sa nalalapit na pasukan. Galing na ako sa department namin, at sabi ng chairperson namin tignan ko raw sa ibang department kung meron silang ino-offer na gan'tong subjects since inalis na nga nila ang subject na iyon sa curriculum na bago. In short, I will have to cross-enrol sa ibang course. Cool.

Eh 'di lakad ako sa department na nag o-offer nun. Hindi ako nag e-expect na may tao sa office nila since Sabado nga naman. Nakakatakot nga ang school, kulang nalang eh multo para masabi mong haunted talaga yung lugar. So tambay ako sa bulletin board sa harap ng opis ng Mystery Department na 'to, tinignan ang mga schedule na naka-paskil kung meron ba akong pwedeng i-singit sa aking hectic na schedule.

Maya-maya, merong lumapit na matandang lalake, mukhang meron syang susi sa naka-padlock na pinto ng opisina. Tumingin s'ya sa'kin.

"Bag mo ba 'yan?" tinuro n'ya ang bag ko na nakalapag sa sahig, at binuksan ang pinto ng opisina ng Mystery Department.

"Yes sir." sagot ko habang pinapa-pawisan, nagpa-paypay ng cardboard na may advertisement ng cellphone.

"Bakit? Meron ka bang kelangan dito?"

"Tinitignan ko lang ho kung merong gantong subjects na ino-offer dito.." sabay pinakita ko sa kanya ang papel.

"O sige, tara sa loob."

So pasok kami sa opisina.

"Kluck--- click!," tunog ng doorknob at latch na ni-lock na pinto ni sir.

Napa-lunok ako, in-associate ko tuloy 'yun sa pagkulot-kulot ng boses n'ya habang kausap n'ya ako kanina. Pero syempre, think positive muna ako. Malay mo malambing lang talaga magsalita yung tao.

"Tignan mo dun sa mga papel dun, kung meron pang bakanteng sections na pwede kang mag-enrol."

Merong isang kwarto roon na may mga papel na nakalatag sa table. Tinignan ko. Mga subjects. Nakita ko ang subject na hinahanap ko. Unfortunately, nag-iisa na lang ang available at hindi swak sa schedule ko sa work.

Paalis na sana ako, nang lumapit si sir na may dalang papel.

"Eto yung curriculum."

Lumayo talaga ako sa kanya dahil sumasanggi na ang braso nya sa akin.

"Thank you po, pwedeng akin na lang ho 'to?"

"Sige." ibang klase na talaga ang tingin at ngiti ni manong.

Magpapaalam na sana ako, actually nasa pinto na ako at readyng-ready na i-unlock ang pinto, pero andami nyang tinatanong sa'king kung anu-anong mga bagay. "Bakit ka nag-stop? S'an ka nag-work? Anong work mo?" Blah blah blah. Hindi ako bastos sa matanda kaya sinasagot ko naman ng maayos ang sangkatutak na tanong nya, parang labas sa 'kin eh delaying tactics. Bulok na ho yan.

May biglang kumatok sa pinto.

Nag-iba ang mood ng manyakis.

"Iho paki-buksan nga." parang gusto ko sabihin, "I'll be more than happy to!"

Merong mga estudyanteng babaeng pumasok, may tinatanong tungkol sa uniform. Mukhang freshmen.

"Ah wala, hindi dumating yung nagsusukat." nagsusungit na sabi ng matanda.

Nagpaalam narin ako sa wakas. "Sir mauna na ako. Salamat po."

Parang gusto kong habulin si ate at i-treat sya sa Chowking sa sobrang saya ko sa Divine Intervention na iyon. Sobrang pinagpawisan ako. Palabas na 'ko ng impyernong iyon, biglang sabi nya:

"Pahinga ka muna dito o..." sabay turo sa upuan na nakatapat sa electric fan.

"Salamat nalang ho, nagmamadali narin ho kasi ako."

Nanay ko po, halos tumakbo na 'ko sa pag-alis.

5/27/09

Putres de Mayo

Wow.

Nae-excite na ako mag back-to-school. Bakit kaya? Eh halos wala na nga akong kakilala sa darating na school year. In fact, prof na doon ang isa kong classmate dati. So malaki ang chance na maging prof ko sya sa isa sa mga subjects ko hahaha.

Anyway, natapos na pala ang paghihirap ko sa pagiging returnee. Masaklap pa sa buhay ni Sisa ang dinanas ko sa pag-aasikaso ng bwakanangenang re-admission. Umaga palang, nasa school na ako (school's name is not mentioned to protect its employees, LOL), sabay hapon pa dumating yung mag i-interview. Sabay nung ako na yung kinakausap ng nagi-interview eh sobrang dami pa nyang pinagawa sa'kin, umabot tuloy ng alas-otso ng GABI. Well at least natapos ko. Thank you Lord!

Tapos sabay balitaan ba ako ng mga ka-opisina ko na may FINAL WARNING na daw ako sa work. Aba, ayos ha, dahil um-absent ako at may sakit kinabukasan! Huwow. Sobrang nainis ako at gusto ko nang maghanap ng ibang trabahong malilipatan. Iniisip kong mangapit-kumpanya (Thomson Reuters, LOL). Pano ba naman kasi, training palang, meron kagad ganun???

Pagkatapos kong mag-senti ng nag-uumapaw, sabi sakin ni Maan,



JOKE LANG.



Wahahahaha. 'Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Pero syempre natuwa ako. Ayus!!!

5/5/09

The Heaven that is the Cordilleras


Egad
. Kagagaling ko lang ng Sagada at Banaue and I should say, napakaganda ng lugar na 'yun. Sooooooooooper, as in undescribable. Kaming dalawa lang ni Jeric ang natuloy sa backpacking trip na 'to, but we really had a great time sa bulubundukin ng Cordillera. Yung girls, di sumama dahil may "bagyo" daw, yeah right. Tignan n'yo nalang ang sinag ng araw sa mga pictures dito kung umulan. Anyway. Dumating kami sa Victory Liner sa Cubao ng 1 AM, at sobrang nagulat ako sa dami nang taong aakyat ng Baguio (well, dapat prinesume na namin 'to dahil long weekend nga naman). Sabi sa'min, 5:00 AM pa raw yung pwede namin masakyan; so lipat kami sa kabilang station, may nakita kaming bus na walang ticket booth, tipong sa bus ka na magbabayad (I forgot the name of the bus line). We waited sa pila for a couple of hours, then 3:30 AM ay nakasakay na kami at last. Nakatulog sa bus, at pagkagising ay nasa Baguio na kami (wow, di namin napansin ang stop-overs hahahaha). Pagdating ng Baguio, taxi kami to Dangwa station and boarded a non-airconditioned bus (kung meron mang aircon bus, I recommend na sa ordinary nalang dahil mag-eenjoy ka ng sobra sa open-air na view ng mountains at super lamig ng hangin). Konting stop-overs sa mga major towns, kain, yosi of course to keep us warm and tuloy tuloy na to Sagada. Doon ko na-realize na sisiw pala ang long and winding road ng Baguio compared sa daan papuntang Sagada; halos wala nang mga harang ang bangin, hehehehe. Pagkadating namin ng Sagada, napa-wow talaga ako sa surroundings... lahat ng tignan mong view ay scenic.

Eto ang view sa likod ng tinuluyan naming bahay, around 6AM

Dumating kami ng Sagada around 4:30 PM, nag-stay sa Kanip-aw Pine Lodge (thanks kuya Wencel and Dorothy aka Domyang!) binisita namin ang Lemon Pie House na sobrang lapit lang (no sarcasm there, as in tatawid ka lang ng kalsada at onting lakad lang) para makatikim ng lemon pie at super sarap na lemon tea.

relax muna bago magpahinga

Kinabukasan, maaga kaming nagising para kumain ng breakfast sa Lemon Pie House (sarap ng sausage ha) at sumugod sa office ng SAGGAS (tour guides) para mag-inquire about the tours. Na-meet namin si Manong Jacob ('di ko alam ang native name n'ya) at nag-hire ng jeep para dalhin kami sa mga dapat namin puntahan. Dalawa lang ang pinuntahan naming major spots sa Sagada pero sobrang nakakapagod at saya. First destination: trekking to Bomod-Ok Falls.

welcome to Sagada

lovely landscape. meron silang mini rice terraces dito

konti nalang Jeric... kita na ang falls!

we're here at last. iced water ata meron dyan sa falls na yan, sobrang lamig

Sobrang haba ng nilakad namin. Puro pababa, pero nakakapagod paren knowing na sobrang layo ng nilakbay namin. You'll literally have to climb up and down the mountain. Inabutan kami ng lunch, kumain muna sa Salt and Pepper's ng sobrang laking manok (ayus pala serving ng food dito, pang mountaineers talaga). Then off to Sumaguing "Porn" caves to do spelunking. Isa pa 'tong sobrang sayang trip! Maliban nalang sa paghawak mo sa guano (bat shit) every now and then dahil kelangan mo talaga minsan gumapang sa bato.

pababa ng kweba

one of the most interesting finds, shell fossils (I'm assuming they are of marine origine) na naka-embed sa walls ng cave

basang basa at lamig na lamig, kaya may jacket paren hehe

paakyat!!

Sobrang nakakahingal ang caving. Buti nalang napaka-helpful at infomative ng guide namin. Galing mo sir Jacob! Dumidilim na kaya dumiretso na kami sa lodge para magpahinga at mag-dinner. Hindi na kami nakadaan ng Echo Valley para sa Hanging Coffins, oh well. Kinabukasan kasi aalis na kami ng maaga so baka next time nalang 'yun (sana nga may next time hehehe).

So 6 AM, punta kami sa terminal ng jeep sa kanto para sumakay ng byaheng Bontoc. 1 hour daw ang byahe. Pagdating sa Bontoc, we boarded the bus bound for Banaue. International ang old-school na bus na yun, kasama namin ay iba't ibang foreign backpackers. At kung walang binatbat ang long and winding road ng Baguio sa Sagada, panis silang lahat sa byaheng Banaue dahil one-way lang ang daan sa gilid ng bundok; sobrang nipis ng daanan with matching thick fog pa.

example ng daanan na binagtas namin from Bontoc to Banaue

stopover muna... parang eto ang bayan ng Silent Hill (wow hindi naman ako masyadong na-hook sa Silent Hill franchise no?)

Tumingin-tingin ako sa mga tao sa loob ng bus, parang, wala lang, habang yung bus na sinasakyan namin eh gumegewang-gewang sa daan dahil sa winding mountainside road. Buti nalang, hindi maulan, foggy lang; pero medyo madulas parin ang ibang daan dahil sa moisture. After prolly 8 hours, we're finally in Banaue. Whew!

UNESCO World Heritage Site Ifugao Rice Terraces

Ang ganda pala talaga ng Rice Terraces ng Ifugao. I was dumbfounded when I saw this scene. I fell in love with the Cordilleras. Babalik ako dito, promise. Marami pa akong na-miss sa Sagada!!!