9/26/11

Ugh, Sunday.

Sa totoo lang, ayoko mag Sunday. Although walang pasok sa araw na 'to, pinapaalala nito ang araw kinabukasan, the dreaded first day of the work week: Monday. As much as possible, ayokong nasasayang ang Linggo ko. So nung madaling-araw ng Linggo (bago ako matulog), niyaya ko si Pops na pumunta sa isang religious shrine, kesyo Catholic church pa yun or Taoist temple OK lang, basta tahimik. Pero bago yun, niyaya ko muna syang kunin ang free pizza ko sa Angel's Pizza sa Citygolf (Valle Verde area) para may pang merienda kami. Usapan namin 5 PM sa Starbucks Home Depot, pero as usual, Japan Time ang timezone ng kaibigan ko: 6 PM na sya dumating. Oh well! Napa-order pa tuloy ako ng frap ng wala sa oras. Pagdating pa nya, paghalungkat ko sa bag ko nung vouchers, aba, WALA! Nakalimutan ko yata sa bahay, jusko po. So and ending, wala kaming pizza. Pumunta na lang kami ng Megamall para mag-dinner.

9/25/11

Catching Up, At Last


Recently, I just realized na mahina na ang "studently" powers ko. Hindi na ako masyadong matalas sa memorization unlike before. Kahapon kasi, nagkaroon kami ng weekend exam, it was a pain in the ass memorizing a big number  of newly-introduced terms in a span of 5 days. Walang pumapasok sa isip ko masyado habang nagka-cram; siguro dahil na rin merong mga distractions lately, pero hindi ko muna babanggitin dito dahil masyadong personal.

After shift, it is our (Leo, Pops and me) usual routine na magkita-kita sa pantry para manuod ng Mythbusters habang hinihintay na mag-die down ang crowd na nakapila sa elevator pababa. Nung isang araw, nagyaya si Megs na mag-breakfast pagka-out namin, tutal daw eh may scheduled syang salon activity by 8 AM sa Victor Ortega sa Mandaluyong. So nagkape muna kami sa pantry at konting kwentuhan habang hinihintay si Megs.

9/20/11

Random Rambling on a Tuesday Morning

I love the view of the Pasig River at the break of dawn. Iba yung feeling-- nare-relax ako. The rising sun on the horizon gives me the feeling of hope, the feeling of a new life. It kind of tells me that everything will be OK soon.

Kanina after work, niyaya ako ni Pops na dumaan sa simbahan ng Pasig. Syempre, the kaladkarin that I am, sumama ako and even told her to drop by our high school muna para kunin ko yung year book na 6 years in the making. Napaka-nostalgic ng feeling pagpasok namin sa loob.

Nakaka-disappoint lang na eto lang ang picture na nakuha namin sa quadrangle ng LICS (La Immaculada Concepcion School) nung nakatambay kami sa cashier area. Si manong guard naman kasi, umaaligid sa amin na para bang mangingidnap kami ng bata. Marami na ring nagbago sa pagkakaayos, pero it's the same four corners of our former school, wala naman masyadong reconstruction na naganap. We even saw some of our teachers pero mukhang hindi nila kami namumukhaan, so nginingitian na lang namin sila.

Eto ang street sa labas ng school namin na punung-puno ng masasayang memories. I was transported back in time habang nagre-reminisce na naman (ginawa na namin ni Pops 'to before). Wala na ang LICS Food Center, ang tambayan naming café after class; wala na rin ang LICS Hair Center (the official school salon LOL), at mga vendors sa paligid.


We ended the day saying a little prayer sa tirikan ng mga kandila sa gilid ng Pasig Cathedral.