3/25/10

Shiyet

So eto na naman po kami ng PUP sa aming mala-wild goose chase na enrollment processes. Susko. Kararating ko lang ng bahay galing sa school at hindi rin ako nakapag-enroll. Andaming proseso na hindi naman inaasikaso ng mga tanggapan na dapat nag-aasikaso. Shiyet lang talaga. Next week ay Semana Santa na at good luck kung meron pang mag-asikaso sa office nun kapag hindi ko natapos to bukas. Pansin ko lang din ha, nung mga nakaraang araw eh puro rants lang ang posts ko dito. Grrrrrrr. Wala na akong oras para makapag-contemplate man lang sa buhay ko.

3/7/10

Early Morning Rant

Haaay. Coffee shop operations na naman come Monday. Isang week na naman akong pagod na pagod. Sa totoo lang eto na ata ang pinaka-ayaw kong parte ng pag-aaral ko ng HRM. 1 week na naman akong bangag, dahil kung hindi ka naman ba ulanin ng malas, nataon na ngang midterms week namin nung unang term namin eh pati ba naman sa pangalawang pagkakataon ay nataon ang finals. Iniisip ko palang kung paano ko ipapasa ang mga final exams ko eh nababaliw na ako. Andami pang requirements na hindi ko naman pwedeng pagsabayin. Bwisit na buhay 'to o. Pagdadasal ko nalang talaga na wala akong ibagsak na subject sa taon na 'to dahil kung nagkataon, chugi na ako sa PUP.