1/3/09

Balut

Maaga ako nagising para maghanap na naman ng ibang trabaho sa Internet. 'Di na naman kasi ako nakapasok sa trabaho dahil dito sa tonsillopharyngitis ko. Kahapon nga pumunta na naman ako sa Medical City para makakuha ng med-cert dahil siguradong may Show Cause Memo na naman ako 'pag wala ako 'nun. Posible pang ma-suspend.

Nasa tapat na naman ng computer, alas-singko ng umaga. Bestfriend ko na nga ang Google search engine. Keywords: non-voice call center, chat/email support, homebased, blah blah blah...

Timpla nga muna ako ng Milo. Bawal daw kape, sabi ng nurse. OK, mas masarap naman Milo. Kaso bawal din daw matamis, pwes 'onting asukal lang. Isang heaping tablespoon nalang compared to the usual 2 tablespoons. Haha, dugas.

Ang hirap parin talaga maghanap ng trabaho sa Internet, lalo na kung alam mo kung ano talaga gusto mo. Sobrang daming basurang websites na kung tutuusin eh hindi naman relevant sa search mo. Filter. May nakakawala parin.

Ang aga-aga, pagod na 'ko. Sabay nagising na sila mama. Alas-syete na pala.

"Kinain mo 'yung balut mo?" bumababa si Mama sa hagdan.

"Ha? Meron ba?" sagot ako. Parang naghanap tuloy ng balut ang katawan ko, umagang-umaga. Oo nga naman, sanay pala ang katawan kong ang normal na umaga ay tulugan time for us call center people. My biological clock has adapted well.

"Meron ha..."

Naalala ko nga, kagabi. Tulog na kasi ako nun, kala ko tuloy nananaginip lang ako. Ginigising pala ako ni Royce nun, naalimpungatan ako, sabi ko ilapag nya na lang sa lamesa ng kwatro ko.

Akyat nga ako sa kwarto, at nandun nga ang mahiwagang itlog. Binanlian ko nga ng mainit na tubig.

Tapos balik uli sa harap ng monitor para mag-Google.

I always, always have to sort out the poor duckling from the rest of the egg, I really hate the idea of biting the poor animal's head. Awwww. But the rest of the balut is incredibly yummy.

"Dapat lagi kang kumakain n'yan para masustansya." hirit ni Mama. "Para hindi ka lagi magkasakit"

"Sus. Sa trabaho ko talaga nakukuha 'tong sakit na 'to, sabi ni doc."

"'Yaan mo, this year nalang 'yan, aral ka na uli this coming school year."

.......

Did I hear it right???

Wow, sana totoo na nga 'to.

Imagine, balik skwela na 'ko? Wow. At least may plano na ako ngayong 2009. Viva 2009!!! Kala ko forever na ako sa impyernong 'to... kain nga muna ako ng breakfast.

1/1/09

Happy New Yea... Ay tangina, brownout!

Please excuse my French.

I think the title pretty much explains what happened on my New Year' eve, but of course there's more fun in telling the whole story.

......

I was really excited na mag-New Year. Bagong taon. Higit pa sa pagpapalit ng kalendaryo, dahil umikot na naman ng buo ang mundo natin sa araw. Kaya bagong buhay, bagong plano, bagong simula.

Lahat ng tao sa bahay, bising-busy na naghahanda para sa Media Noche. Nagluluto ng mga pagkain si Mama, si Rosette (kapatid kong babae na mas bata pa sa akin) naghahanda ng dessert, nagpa-litson ng ulo ng baboy si Papa (ulo lang, mahal na pag buo), tapos inaaaya ko si kuya na bumili ng paputok.

Punta nga kami sa bilihan, one kyaw (isang libo) ang budget. Marami-rami rin naman kami nabili pero yung mga simpleng pa-ilaw lang.

Sobrang ingay ng buong street namin just a few hours until New Year's eve. Lahat yata ng bahay naka-full volume ang speakers. Party kung party.

Mga ilang minuto nalang bago mag-alas dose, marami na ang nagsisindi ng paputok. May supot, may sumasabog, may maliwanag, may nababasa (note: medyo corny nga ang New Year ngayon kasi umuulan, pero kahit na umuulan, nasa labas parin lahat ng tao). Nung sumapit ang hatinggabi, full-blast na ang putukan, sobrang liwanag na ng langit dahil sa mkukulay na pyrotechnics (napansin ko lang din, kala ko ba naghihirap na ang Pilipinas, bakit ang mamahal na ata ng mga nakikita kong pinapa-putok sa ere, 'yung mga tipong makikita mo sa Enchanted Kingdom), at sobrang usok na sa paligid, amoy sunog na pulbura. Hmmm... bango.

HAPPY NEW YEAR!!!!!

Tapos biglang namatay mga ilaw ng mga bahay.

Nawala ang mga bumabayong sounds.

Pati 'yung mga videoke machines, dead.

"Shet, brwan awt!!!"

Tsk. Sabi ko, siguro 'yung sensitive na poste 'dun sa kanto nahagip ng kwitis.



...pero kahit na ganun, tuloy parin ang celebration. Aba, maliwanag naman sa labas.

Wow. Napa-wow talaga ako. Bakit ngayon pa? Sabi pa ng iba, hindi magandang umpisahan ang bagong taon ng masamang pangyayari, kasi buong taon daw magiging ganun.

The hell with that. Magbiro ka na sa ibang bagay, 'wag lang sa walang kuryente sa isang taon.

Badtrip. Pero why should I dwell in remorse, if I can make my day happy?

So inuman kami ng bestfriend ko, si Shiela. Kapitbahay lang namin kaya madali lang maaya.

Magtitimpla kami ng Boracay ('yung alak na may halong Milo at condensed milk) at nagluto ng sisig. Yum.

Naging masaya naman ang Bagong Taon ko kahit papano. Kasi may alak. Hehehe. Mga 3 hours later, bumalik na rin ang ilaw sa wakas.

Pero 'di ko talaga makakalimutan 'yung ginawa ni Shiela nung may brown-out, habang nagpapainit kami ng tubig sa bahay nila.

Sinaksak n'ya yung airpot ('yung pampainit ng tubig) sa plug. After a few minutes, sumigaw ako, "Yesss!!! May ilaw na!!!"

Sabay lapit s'ya sakin.

"Buti nalang tanga, nagsaksak ako ng airpot wala palang kuryente kanina hahahaha."

Tawa kami ng tawa.

Masyado na talaga tayong dumedepende sa kuryente.